SUMAPIT ang araw ng kasal ni Leny at General Chung. Abala ang buong alipin niya sa loob ng mansion. At bilin niya na siguraduhin na maayos ang dekorasyon sa kuwarto nilang mag-asawa. "General, Nandito na po ang mga bagong alipin!" pahayag ng katiwala ng mansion. Tumayo ang apat na dalaga sa harapan ni General, ngunit hindi sila nakatingin sa mukha nito. Sila ay nakayuko at isa-isa itong nagpapakilala. "Ako po si Hayate." "Inangat ni General Chung ang mukha nito at kinilatis nang mabuti. "Ako po si Anera." "Tumingin ka sa akin!" At dali-dali naman inangat ng bagong alipin ang kanyang mukha. "Ako po si Winda." Tulad sa pangalawa ay inutusan rin niya itong tumingin sa kanya ng diretso. "Ako po si Shermina." "Makinig kayong apat! Ang gusto ko ay pagsisilbihan ninyo ng maayos an