MASAYA si emperador Amarpal sa kaniyang nasaksihan, halos hindi siya makapaniwala na ganoon ka pursigido ang kanyang asawa upang magising agad ang kanyang kapangyarihan. "Magaling, aking asawa. Binabati kita," nakangiting sabi nito. "Salamat, aking asawa. Uhm… bakit kulay puti at asul ang aura na lumabas?" pagtataka niyang tanong rito. "Iyan ang nagsisimbolo ng kapangyarihan ng East Mountain Clan." "Ah, bawat clan pala ay iba-iba ang kulay ng aura?" "Oo aking asawa, ibibigay ko ang libro tungkol sa klase-klaseng uri ng kapangyarihan." "Okay, aking asawa. Salamat." PITONG BUWAN ang nakalipas ay nagpasya ang mag-asawa na pumunta na sa East Mountain Clan. Pansamantalang iniwan nila ang anak sa kanilang mga magulang. Nang malaman ni Leny na aalis ang kaniyang Ate Yuki, at kasama si