Chapter 15 WALANG papantay sa sayang nararamdaman ni Braileys habang pinagmamasdan ang anak niyang umakyat sa hagdan, tapos ay nilingon siya. “Daddy, wait. I have to change my dress. Wait for me. I will show you my baby sister. I think she’s awake by now.” He chuckled and nodded. Malamang gising na talaga dahil maghapon ng tulog. Alam niyang manika ang tinutukoy ni Deene sa mga sandaling yun. Baka sa hinaharap ay totoong bata na ang alagaan nito. “Wait Daddy!” aniyon pa sa indoor balcony. “Yes, baby. Baka mahulog ka. Don’t come too close to the railing.” Parang siya ang ninenerbyos pagkakita sa anak niya na naroon sa may railing, nakahawak. Pumihit siya pero ganun na lang ang gulat niya nang nasa harap na niya si Sapphire, nakatingala kay Deene tapos ay matalim ang mga matang t