Chapter 14 GUSTONG matawa ni Sapphire nang lapitan niya si Braileys. Napatakip na lang siya sa labi habang nakamasid sa asawa. Nakatayo siya sa may harap nito habang ito ay humihilik at nakatulog na sa kinauupuan. Lumayas na lang si Hercules ay narito pa si Brail sa kanyang opisina. Inantok na siguro ito sa pinag-uusapan nila ng adviser niya kaya nakatulog na Tumikhim siya at para itong naalimpungatan, napabalikwas, sabay tingin sa mesa niya. “Nasaan na?” anitong hinahanap malamang si Hercules. “He’s gone. Uwian na, Mister CEO. Buong maghapon ka ng tulog,” aniya sabay martsa papalabas ng office pero tumawa ito at agad na sumunod sa kanya. “Inaantok kasi ako sa adviser mo, mahal.” Mahal? The nerve! “Ang korni mo, Braileys! Tigil-tigilan mo nga ako!” nabubwisit na saway ni Sa