Chapter 43 “ARE you damn out of your mind?!” Galit na singhal ni Feline kay Brail nang makauwi siya at nagkwento ng tungkol sa nangyaria opisina. Hindi siya rito nagpaalam na pupunta siya roon. Basta na lang niya iyon naisip para sa ipinagbubuntis nito. Gusto niyang makuha ang share, pero sumakit ang ulo niya sa mga nalaman niya. Si Feline ang kanyang pinaniniwalaan pero may parte sa pagkatao niya na hindi kayang balewalain ang mga nakita niya kanina, at mga narinig. “Bakit ka pumunta dun? Mamaya kung anu-anong sinabi nun sa’yo, lalo ka lang magulo!” Galit pa rin na singhal nito sa kanya, nakakuyom ang mga kamao. Brail saw his father, being accompanied by the nurse. “Itanong mo sa ama mo kung dapat ka bang pumunta roon?” Umiling iyon, “You should’ve not,” aniyon lang saka tum