Chapter 42 Humahangos si Mona nang iluwal ng pinto ng office ni Sapphire. Ni kumatok ay hindi na nagawa ng sekretarya niya kaya napaangat siya kaaagad ng mukha. She's doing a financial report but seems like and by the look on Mona's face, the woman has more important thing to say than her report. Umarko lang ang mga kilay niya at ipinag-korte ang labi na nakangiti. "Ma’am, si... ano...” napangiwi ito. Napakunot noo na siya sa pagkakataon na iyon, "Who?" tanong niya pero biglang umatake ang tiyan niya kaya bigla syang napatayo. Mahilis siya na pumasok sa banyo at nagsusuka roon. Napaka-wrong timing naman ng anak niya. Ito raw ang mas importante kaysa sa ano pa man na bagay na ginagawa niya o sasabihin ni Mona. Eto na naman. Halos lumabas na yata ang mga bituka niya sa pagduwal