Chapter 47 "Ma'am!" nakaguhit sa mukha ni Mona ang tensyon nang iluwa yun ng pintuan ng office ni Sapphire. Bahagya pa yung natigilan nang makita silang mag-asawa na magkayakap. Napasenyas pa ang babae na waring nagtatanong kung nagkabalikan na sila. Ipinagdikitan kasi nun ang dalawang hintuturo. Tila ba nakalimot iyon sa ipinamamadaling sabihin kasi humahangos pa nga. Tila ba parang napalitan ng kilig ang tensyon na numabalot sa sekretarya niya kanina. Hindi naman siya sumagot dahil hindi naman niya alam kung ibig sabihin ba ng mga nangyayari sa kanila ni Brail ay nagkabalikan na sila. "Nasaan ang asawa ko?!" sigaw ng isang babae sa labas na nagpatikal sa kanya sa pagkakayakap kay Braileys. Dahil nakabukas ang pintuan ay rinig na rinig niya ang sinasabi nun. Nakita niyang naig