Chapter 48 “CECILE, Celine, Feline…whatever was married to a businessman. That’s my initial investigation, sweetie. Nakita ko na ang kinaroroonan ni Bradley Guzman, maraming bantay, may nurses, may duktor at hindi normal. Papasok ang tao ko pero pinag-aaralan ko pa kung paano dahil para sa akin, hindi ligtas ang mag-ama. It’s either, hawak nila si Brail o hawak nila si Bradley. Ito na ang sagot sa tanong mo kung bakit sang-ayon si Bradley sa mga sinabi ni Cecile sa asawa mo. Keep your men eyeing Deene. Makipaglaban ka lang nang daldalan at huwag kang pahahalata na alam mo na,” Nyx words after calling Sapphy. Paulit-ulit na parang memoryado niya iyon kahit na isang beses lsng niyang narinig. Taas ang noo na pumasok si Sapphire sa loob ng building. Maghihintay siya ng tatlo hanggang sa