First time ni monica samahan ang kanyang nanay bebang manuod ng teleserye sa kanilang living room. Ewan ba niya pero nagkainterest siyang manuod ng teleserye ng makita niya ang title ng storya. "He likes her" ang pamagat nito. Magandang teleserye iyon na sinusubaybayan ng kanyang nanay bebang. "Anak bakit di ka pa umakyat sa kwarto mo? Mapupuyat ka may pasok ka pa bukas" Tutok na tutok siya sa teleseryeng pinapanuod niya "Shhh wag kang maingay nay aamin na yung lalake sa babae" Pakiramdam niya kinikilig siya habang nanunuod. First time iyon dahil hindi naman siya madalas manuod ng mga palabas sa telebisyon "Aba himala ata at nanunuod kana ngayon ng teleserye? Sabi mo noon baduy ako?" Hindi niya pinansin ang kanyang nanay. Tutok na tutok lang siya sa kanyang pinapanuod Pakiramda