Sinundan lamang ni Monica si Cedric hangang sa makahanap ito ng bakanteng upuan sa bandang dulo ng library. "Sit" Masungit na utos nito sakanya. Umupo naman siya sa katapat nitong upuan. Hindi niya kasi kayang tabihan ito dahil nanghihina ang kanyang tuhod sa tuwing malapit ito sakanya. "Bakit diyan ka umupo?" kunot nuong tanong nito nang makaupo na siya sa katapat nitong upuan. Mahaba ang mga lamesa ng library ngunit dalawa pa lamang silang nakaupo doon. "Ha?" Napabuntong hininga nalang ito. "Fine diyan kana umupo.." May kinuha ito sa loob ng bag nito. Isa iyong folder. Iniabot nito sakanya ang folder "A-Anong gagawin ko dito?" tanong niya "Read it" utos nito. Masama ang tingin nito sakanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ba ito nagagalit sakanya Huminga muna siya ng mal