Hindi maitago ni Monica ang sayang nararamdaman niya habang magkatabi sila sa bus ni Cedric.
Hindi niya akalain mapapapayag niya ito upang maging kagroupo nila
"Malayo pa ba?" Bored nitong tanong sakanya. Halatang hindi ito comfortable habang magkatabi sila sa upuan ng bus. Magkadikit kasi ang kanilang mga hita at braso.
"Malapit na" Nakangiti niyang sagot kay Cedric
Pinunasan naman uli ni Cedric ang nuo nito gamit ang puting panyo. Mukhang naiinitan ito kahit malakas ang aircon ng bus
"Ang layo naman ng bahay ng kaibigan mo" masungit nitong sabi
"Malapit lang naman. Wala pa nga tayong sampung minuto sa biyahe eh."
Napabuntong hininga lang ito
Kaunti lang ang pasahero ng bus kaya may katahimikan.
Tanging background music lamang ng bus ang naririnig nila. Panay love song iyon sa radyo.
Napapangiti si Monica dahil pakiramdam niya nakakainlove ang moment na ito.
"Cedric salamat ha?"
Kunot nuo padin ito
"For what?"
"Para sa pagsali sa group namin ni racky. Ang saya ko talaga. I-I mean masaya kami ni racky"
Napalunok tuloy siya dahil napaghahalataan tuloy siya
"I have no choice."
Napalabi siya
"Ganon?"
Napatingin naman ito sa kanyang mapulang labi..
Nagkatinginan tuloy silang dalawa. Kahit makapal ang salamin nito nasilip niya padin kung gaano kaganda ang kulay abo nitong mata.
"San lorenzo! San lorenzo na! Sino pang bababa diyan?" Sigaw ng kundoktor ng bus kaya naman naputol ang pag titinginan nilang dalawa
"K-Kami po!" Nataranta naman siya dahil sa sigaw ng kundoktor
Agad silang bumaba ng bus
"N-Nandito na pala tayo. Muntik pa tayong makalagpas"
Tahimik lang si Cedric habang nakasimangot.
Maya maya pa natanaw na niya ang bahay nila racky malapit lamang sa bus stop.
Nandoon na ang motorsiklo nito ibig sabihin naunahan sila nito
Lumakad sila papunta sa bahay nila racky
Sinalubong agad sila nito
"Wala sila mama. Umalis daw sabi ng kapitbahay namin. Kaya maari tayong gumamit ng computer ng kuya ko"
Napangiti siya
"Mas mabuti yan. Tara na"
"Halikayo pasok kayo.."
Simple lamang ang bahay nila racky. Mahirap lang din kasi ang mga ito ngunit nakakaahon na sa buhay dahil may trabaho na ang kapatid nito
Tahimik naman si Cedric na sumunod lamang sakanila.
"Magtangal kayo ng sapatos kasi ayaw ni mama nadudumihan sahig namin" Paalala ni Racky sakanilang dalawa
Tinangal niya ang kanyang sapatos ngunit sabay silang napatingin. kay Cedric ng hubarin nito ang sapatos at medyas nito
Napakalinis ng paa nito at namumula mula pa. Halatang alagang alaga ang paa nito.
Nagkatinginan silang dalawa ni racky marahil nakita din nito kung gaano kalinis ang paa ni Cedric
Parang paa ng mayayaman!
"What?" Kunot nuong tanong ni Cedric sakanilang dalawa ni Racky dahil napatulala sila
Agad naman silang natauhan
"A-H wala naman! Tara na sa taas guys gawin na natin yung report natin" Sabi ni racky at nauna na itong umakyat ng hagdanan.
Nag iwas ng tingin si Monica kay Cedric.
Sinundan nalang nila si Racky sa second floor
Malinis ang kwarto ni racky. Doon sila gumawa ng group project. Halos si Cedric lang ang gumagawa habang gamit gamit nito ang computer ng kuya ni Racky
Napapatulala lang sila dahil napakabilis nitong mag computer.
Tahimik lang ito at pinapasulat sakanila ang mga tamang sagot.
Natataranta sila dahil napakabilis nitong mag isip. Business ideas kasi ang group project nila kaya naman nakaka-impress ang mabilis nitong pag iisip sa bagay na iyon.
"Nerd talaga" Bulong ni racky sakanya habang nag susulat sila
"Shh baka marinig ka niya" saway niya kay racky
Naghikab si Cedric halatang inaantok na ito
"A-Ahm Cedric pwede pa naman natin ito ituloy sa susunod na mga araw. Umuwi na tayo para makapagpahinga kana-"
"30 minutes"
"Ha?"
"Thirty minutes nalang matatapos ko na to." Nagsimula uli itong gumawa
Napalunok lamang sila ni racky.
"Bruha pagod nako. One month daw natin ipapasa business project diba? Eh bakit mag dadalawang oras palang matatapos na agad ni baduy?" bulong uli ni Racky
"Shh. Wag ka maingay diyan racky baka marinig niya. Mabuti pa kumuha nalang tayo ng miryenda"
"Sige may brownies pa naman sa ref"
"Ahm Cedric kukuha lang kami ng miryenda ha?"
Tumango lang ito ngunit seryoso padin sa pag gawa ng business project nila
Pagbaba nila ni Racky sa kusina kumuha sila ng brownies sa refrigerator at nagtimpla si racky ng orange juice.
"Bruha nakakadugo ng utak ginagawa ni baduy ha? Kahit ako scholar ako at matalino ngunit di ko magagawa yung ginagawa niya ngayon"
Napangiti siya
"Impressive diba?"
Naningkit ang mata ni racky sakanya
"Wag mo sabihing may gusto kana sakanya?" Taas kilay na tanong ni Racky
"Bakit masama ba?" Nakangiti padin siya
Parang nandiri naman ito
"Ewww."
Natawa siya
"Ang arte mo racky. Cute naman siya ha--"
"Anong cute don? mukhang adik sa kapal ng eyeliner niya. Tapos ang tigas ng buhok niya dahil sa gel.. Hating hati pa sa gitna! Jusko day! Sa ganda mong yan magkakagusto ka lang sa panget pa---"
Napatigil sa pagsasalita si Racky dahil napansin nitong tumahimik siya. Nahalata nitong hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi nito
"Hindi naman basehan ang itsura racky" Medyo may hinanakit niyang sagot
"S-Sorry friend" Napakamot nalang sa ulo si Racky.
"Oo nga baduy siya pero para sakin may dating naman siya eh. Ang bango bango niya tapos malinis sa katawan. Nararamdaman ko din mabuti siyang tao lalo na nung binilhan niya ako ng sandwich. Sana respetohin mo naman yung nararamdaman ko--"
Naputol pagsasalita niya dahil pinasok ni Racky sa bibig niya yung isang brownies
"Oo na! Gutom lang yan!" Todo ngiti pa ito.
Napasimangot siya. Bruha talaga itong kaibigan niya
"Tara na nga at baka gutom na yung baduy mong prince charming" Nauna nang dinala ni racky ang isang bowl ng brownies sa itaas
Sinundan nalang niya ito habang hawak niya ang brownies na binigay ni racky saknya.
Pag akyat nila sa second floor nagliligpit na nang gamit si Cedric at mukhang pababa na ito
"Aalis kana?" sabay nilang tanong
"Yeah" Sagot nito
"Kumain ka muna ng brownies badu-Este cedric" Alok ni racky kay Cedric
Naglakad ito palapit sakanilang dalawa
Inalok ni Racky ang bowl ng chocolate brownies ngunit tinignan lang ito ni Cedric
"Thanks. Pero busog pa ako. I have to go."
Lumakad si Cedric palabas ng kwarto ni Racky.
Napabuntong hininga silang dalawa ni racky
Ngunit tumigil ito sa pinto at bumalik muli sa harapan nila
Napatingin silang dalawa dito
Nakatingin si Cedric sakanya.
Walang permiso nitong inangat ang kanyang kamay at kinagatan ang hawak hawak niyang brownies. Bahagya pang sumayad ang labi ni Cedric sa dulo ng daliri niya.
Napanganga silang dalawa ni Racky dahil sa ginawa nito! Para bang slow motion ang nangyari. Palakas ng palakas ang kalabog ng kanyang puso!
"See you tomorrow" Sambit nito bago ito tuluyan lumabas ng kwarto ni racky
Nakanganga padin silang dalawa ni Racky dahil sa inakto ni Cedric. Kahit dalawang minuto na itong naka-alis ng bahay nila racky.
"R-Racky. A-Ano yung ginawa ni Cedric?" Nakatulala niya padin tanong.
Napanganga lang din si Racky at unti unti itong natauhan. Doon ito tumili na para bang kinikilig
"Bruha!!! Nakakakilig yon! Oh my God kahit pala baduy nakakakilig din!"
Napalunok siya.
Habang si Racky niyuyugyog siya sa sobrang tuwa.
Unti unti na siyang napangiti at nag sisink in na sakanya ang ginawa ni Cedric.
Sabay silang napatili ni racky!
"Ahhhhyyyyy!!!!"
Nagtawanan sila pagkatapos nilang tumili. Kilig na kilig siya sa ginawa ni Cedric! Pinakilig nito ang puso niya
"Bruha para akong nanunuod ng korean drama kanina! Bagay kayo ni baduy! Kahit baduy siya nakakakilig naman pala!"
"Hindi ko expected yun beh! Ano kayang ibig sabihin non? Bakit niya kinagatan tong brownies ko?" Masayang masya padin siya
"Malamang crush ka niya! Ganda ganda talaga ng best friend ko! Suportado na kita diyan kay baduy dahil pinakilig to the bones niyo akong dalawa!"
Natawa siya sa sinabi ni racky. Aaminin niya sobrang kilig ang kanyang naramdaman.
Namumula pa nga hangang ngayon ang pisngi niya
"Thanks racky! Di ko akalain magkakaroon ako ng crush sa school. Lagot ako kay ate liza at nanay"
"Hayaan mo sila. Enjoy your crush life! Hindi pa naman asawa eh! Crush palang naman!"
Namula ng husto ang kanyang pisngi sa isiping magiging asawa niya si Cedric
"Team badunika nako!" sigaw ni Racky
Kaya nagtawanan silang muli