Chapter 5

1420 Words
"Ced kamusta sa bagong school mo? Ayos ba?" Napangiti agad si Cedric nang makita niya ang girlfriend ng kanyang kuya Angelo na nagluluto sa mansyon nila "Ate Liza.." Nginitian niya ito "Ano Ced natahimik na ba ang buhay mo sa school?" Tanong naman ng kuya Angelo niya habang naghihiwa ito ng sibuyas "Yeah. Medyo" "Bakit medyo lang?" tanong ni Angelo "Hulaan ko! May makulit na babae padin ba?" Tanong naman ni Liza Napangiti nalang siya "Sabi na eh! Kasi kahit pinapanget kana namin parang ang gwapo gwapo mo padin-" "Love!" Sumimangot naman agad si Angelo "Syempre mas pogi ka para sakin love.." Niyakap naman agad ito ni Liza "Umakyat kana sa kwarto mo Cedric bago pa ako mainis nanaman sayo" Napa-iling nalang siya. Masyado palang seloso ang panganay nilang kapatid "Ced kain ka nang dinner mamaya ha? Wag mo intindihin tong kuya mo jelly ace lang to eh" Napangiti siya "No thanks ate. Busog pa ako" Umakyat na siya sa kanyang kwarto. Malaki ang mansyon nila kaya may kalayuan din ang bawat kwarto nila Pagpasok niya sa kanyang kwarto hinubad niya ang kanyang salamin. Binuksan niya ang music bluetooth speaker na nasa gilid ng kanyang kama. Nagpatugtog siya ng malakas. Mahilig kasi siya sa music. Kadalasan rock music ang pinapatugtog niya. Nagshower agad siya upang mabura ang eyeliner sakanyang mata "Tss Nakakapagod na ha?" Napapailing nalang siya habang tinatangal ng bulak at makeup remover ang eyeliner niya. Namumula na tuloy ang kanyang mata dahil mahirap tangalin ang eyeliner. Pagkatapos niyang maligo nagbihis lamang siya ng boxer short Humig siya sa kanyang kama. Pakiramdam niya pagod na pagod siya. Tahimik na nga ang buhay niya pero araw araw naman siyang nag papa-panget. Nahihirapan na siya. Pakiramdam niya naiirita na din ang kanyang balat sa gilid ng kanyang mata Napatingin siya sa kanyang cellphone. As usual madami nanaman text messages ang nandoon. Galing iyon sa ibat ibang babaeng may gusto sakanya. Hinahanap siya nang mga ito. Hinanap niya lang ang mga importanteng messages na galing sa mga kamag anak niya. From Mom: Ced anak how's your new school? From Mom: Anak replayan mo ko ha. Nabalitaan ko sa kuya Angelo mo yung pagpapangap mong panget daw? Totoo ba yun anak? He replied To Mom: Yes mom. I'm doing great. Medyo tahimik na school life ko Send pagkatapos niyang isend iyon sa kanyang mommy tinago na niya ang kanyang cell phone Bigla siyang may naalala nang makita niya ang isang candy sa loob ng kanyang bag Candy iyon na binigay ni Monica ang makulit na kaklase niya. Kinuha niya ang candy at tinago iyon sa isang box na maliit. "Di kita kakainin baka may gayuma ka eh" Napangiti siya dahil kinakausap niya ang candy na binigay nito sakanya Itinago niya ang box sa refrigerator ng kanyang kwarto upang hindi langamin Bakit kaya lapit ng lapit yung babaeng yun sakin? She's crazy. Kahit ang baduy baduy ko na mukhang nagkakagusto pa siya sakin Napapailing nalang siya habang inaalala niya ang pag pula ng pisngi ni Monica Simpleng babae lang ito para sakanya. Walang wala ito sa mga modelo sa ibat ibang bansang napupuntahan niya. Napakasimpleng babae lang kasi nito. Nakaramdam siya ng pagkainis dahil naiisip niya ito imbis na natutulog na siya sa mga oras na iyon "Hays makatulog na nga" Dumapa siya sa kanyang kama at tinakpan ng unan ang kanyang mukha. Ngunit naaalala niya padin si Monica. Hindi niya din maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya binilihan ito ng sandwich kanina. Kinabukasan kulang siya sa tulog dahil kay Monica. Hindi nito nilubayan ang isip niya kagabi kaya naman masakit ang ulo niya Tahimik lang siyang nakaupo sa dulo habang nag tuturo ang guro nila Napatingin siya kay Monica as usual nakatingin nanaman ito sakanya. Napansin niyang nakapink head band ito ngayon at may kaunting blush on sa pisngi Sinimangutan niya ito at nag iwas siya ng tingin Kailan ba ako lulubayan ng babaeng yun tss Lalo tuloy sumasakit ang ulo niya. Mabuti nalang natapos na ang klase nila. Napayuko nalang siya sa table niya dahil gusto niyang ituloy ang tulog niya Antok na antok padin kasi siya. Ngunit hindi pa siya nakakapikit ng husto nang maamoy niya ang baby cologne ni Monica. Hula niya nakatayo ito sa gilid ng table niya Nagkunwari nalang siyang natutulog "Ce-Cedric" Kinalabit siya nito Hindi siya gumalaw. Nag kunwari siyang natutulog "C-Cedric? Huy..." Kinalabit siya nitong muli Napabuntong hininga siya bago ito hinarap "What?" Pagsusungit niya Ngunit nagulat siya dahil ang lapit ng mukha nito sakanyang mukha. Ito din ay nagulat kaya napatayo ito ng tuwid. Isang dangkal nalang kanina at magpapangaabot na ang kanilang mga labi mabuti nalang at hindi dahil panigurado madaming makakakita. "G-Ginulat mo naman ako. Akala ko kasi tulog ka kaya yumuko ako. S-Sorry" Napasimangot lang siya "Ano bang kailangan mo?" Tanong niya Namumula ang pisngi nito, hindi niya mawari kung dahil ba sa blush on or dahil ba muntik na silang magkahalikan "A-Ano kase. Tungkol sa group work. Pwede bang maging kagrupo ka namin ni Racky? Tatlong tao daw kase per group" Napansin niyang hindi ito makatingin ng deretso sakanya "Ayoko" Nalungkot ito "B-Bakit naman? Matatalino din naman kami ni Racky magtutulungan tayong tatlo--" "Ayoko" Tumayo na siya at binitbit ang kanyang bag. Halatang nalungkot ito dahil hindi ito sumunod sakanya. Parang gusto niya tuloy bumalik para sabihin dito na hindi niya sinasadyang malungkot ito Ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi maganda ang epekto nang babaeng yun sakanya kaya mabuti pang layuan niya ito MONICA POV "Ano?! Ni-Reject ka ni baduy?!" Halos umusok naman ng ilong ni Racky dahil sa kanyang kwento habang nasa parking sila ng skwelahan. Kasalukuyan inaayos ni Racky ang motorsiklo nitong kulay pink. kahit babae ito magaling itong mag motorsiklo kadalasan sinasabay siya nito pauwi "Parang ganoon na nga" Malungkot niyang tugon "Nako suplado talaga yang nerd na yan! Akala mo naman kung sinong gwapo! Pwet lang naman niya ang gwapo sakanya mukha naman siyang puyat na adik sa kanto!" Napangiti siya sa sinabi ni Racky "Anong pwet niya lang ang gwapo?" kunot nuong tanong niya kay Racky habang napapangiti siya. "Hindi mo ba napapansin yung tindig ni Baduy? Ang hot kapag nakatalikod may pwet siya. Pero pag harap ang baduy baduy at ang chaka chaka sobra! Wag mo na nga yun isali sa group natin. Tayo nalang dalawa" Himutok pa ni racky Napangiti siya ng pilya dahil naiimagine niya nga ang tindig ni Cedric. Kakaiba kasi ito maglakad para itong modelo sa galing nitong maglakad. Ngunit baduy nga lang "Hi girls!" Sabay silang napalingon kay Dexter sakay sakay ito ng kotse nito "Hi Dexter!" Sagot agad ni Racky. Halatang nagpacute agad ito . Samantalang siya naman ay tahimik lang "Sabay kana sakin Monica pauwi na din ako. Isasabay kita sa bagong kotse ko" Umiling siya "Huwag na. May group project pa kami kila Racky eh--" "Thats good idadaan ko na kayo sa bahay nila racky" Umiling siyang muli "May motor naman si Racky--" "Sumabay kana kay Dexter. Isa lang kasi helmet ko." Tinulak pa siya nito kay Dexter "Racky!" Pinandilatan niya ito ngunit pangiti ngiti lang ito "Ganon naman pala Monica halika na ihahatid na kita sa bahay nila Racky" Hinawakan ni Dexter ang siko niya. Iiwas sana siya sa paghawak nito nang marinig nila ang boses sa likuran nila "Monica!" Sabay sabay silang napatingin kay Cedric. "Ced!" Napangiti agad siya "Sino ka?" Tanong ni Dexter kay Cedric "Tara na gawin na natin yung group work" balewalang sagot nito. Hindi nito pinansin si Dexter.. "Hoy di mo ba nakikita ako maghahatid kay Monica! Sino ka bang baduy ka?" Kumunot ng husto ang nuo ni Dexter "Dexter classmate namin siya. Mauna na kami sayo!" Excited naman sagot ni Monica. Balewala sakanya kung umuusok na ang ulo ni Dexter Nakakunot din ang nuo ni Cedric. Nilapitan agad ni Monica si Cedric "Tara Cedric mag bus nalang tayo papunta sa bahay nila Racky!" Hinawakan agad ni Monica ang kamay ni Cedric para makalayo sila kay Dexter . Hindi niya napansin na nagulat si Cedric sa ginawa niya. Ngunit hinayaan lang siya nitong hilain ito. Nakanganga naman si Racky habang nakatingin kay Monica at Cedric "Nako po. Mukhang may tama na yung kaibigan ko ha" Napapailing nalang si Racky habang tinatanaw ang mga ito "Anong sabi mo!?" Galit na tanong ni Dexter wala itong nagawa kundi tumingin sa papalayong monica at Cedric "Sabi ko may tama sa utak ang kaibigan ko. Sige mauna nako sayo Dexter!" Nagmadali na din sumakay sa motor si Racky at iniwan niya doon si Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD