Chapter 4

1905 Words
Kanina pa tinitignan ni Monica ang kaklase niyang si Cedric. Tahimik lang ito habang nagbabasa ng libro sa pinakadulong bahagi ng library. Mahilig ba talagang mag aral ang mga nerdy type? Hmm Kanina pa kasi ito nagbabasa nang kung ano anong libro. Tungkol lahat iyon sa business. Balak siguro niya mag negosyo someday? "Hoy bruha kanina mo pa tinitignan si baduy ha? Wag mong sabihing crush mo yan?" Napatingin si monica kay Racky. Ang kanyang best friend simula pa nang mga bata sila. Kapitbahay niya din ito. Pareho silang scholar sa paaralan. Sumimangot siya "Hindi ha. Nagtataka lang kasi ako sakanya bakit siya nag-eyeliner nang ganyan kakapal?" Napabungisngis si Racky dahil sa kanyang napuna. "Shhh hinaan mo ang pag bungisngis mo nasa library tayo" Saway niya kay Racky Napatingin tuloy si Cedric sakanila at nahuli nitong nag bubungisngisan silang dalawang mag kaibigan. Nagsalubong agad ang mga kilay nito. Iniisip nitong pinagtatawanan nila ito dahil nakatingin sila sa gawi nito Nag iwas agad sila ng tingin kay Cedric. "Ikaw kasi pinatawa mo ako Monica eh." Pinipigilan nitong matawa ng husto "Napansin ko lang naman. Bakit niya nilalagyan ng eyebag ang sarili niya?" "Ewan ko din. Nababaduyan kami sakanya at nawiwerduhan." Bulong naman ni Racky sakanya. Nagkukunwari silang nag babasa ng libro dahil napapatingin sakanila ang ibang studyante sa pag bubungisngisan nila sa loob ng library "Baduy nga siya pero mukha naman siyang mabait" "Sure ka monica mukha siyang mabait ha? Hindi nga ngumingiti yan eh" Napaisip si monica simula kasi nang maging kaklase niya ito hindi na siya nito kinausap pang muli. Palagi lamang itong tahimik. Mag iisang buwan na silang magkaklase ngunit umiiwas ito sa kanilang lahat. Para bang may sarili itong mundo mas gusto nitong mag aral mag isa ng tahimik. "Nung unang pasukan naman nakipagkilala siya sakin eh. Ewan ko ba bakit naging suplado yan" "Wag na nga natin pag usap yang si baduy. Pag usapan nalang natin si Dexter. Mukhang crush na crush ka niya Monica. Naiingit ako sayo! Madaming nagkakagusto kay Dexter dito sa school natin eh" bulong ni Racky sakanya habang kinikilig pa ito   Napangiwi siya "Hindi ko type si Dexter. Masyadong mayabang at mahangin para bang palaging may bagyo kapag nasa paligid siya" Napangiti ng husto si Racky "May ipagyayabang naman kasi si Dexter eh." "Kahit may ipagyayabang ka hindi naman yun basehan para ipagyabang mo na kung anong meron ka." "Ang lalim friend. The more you hate the more you love.. Yieee" Tinukso tukso siya ni Racky ngunit wala siyang kilig na maramdaman "Shhh Racky mag aral na tayo. Wag na natin silang pag usapan" Pinilit niyang mag concentrate sa kanyang librong binabasa. Maya maya pa napatingin siya kay Cedric sa bandang dulo. Mukhang paalis na ito dahil nag liligpit na ito ng mga gamit "Racky tara na.." Niligpit niya din agad ang kanyang mga gamit kahit hindi pa siya tapos magbasa. "Ha? Bakit? Di pa ako tapos magbasa" reklamo ni Racky   "Osige mauna nako sayo. Na-iihi kasi ako" Palusot niya Nagkibit balikat lang si Racky "Osige mag kita nalang tayo sa classroom mamaya Monica." Ngumiti siya. Nagmadali siyang sundan si Cedric. Ang pinaka-baduy sa kanilang paaralan. Hindi niya din maintindihan bakit niya ito sinusundan. Marahil gusto niya lang itong maging kaibigan Lumiko ito sa isang pasilyo. Agad niya itong sinundan. Ngunit pagliko niya nawala na ito sa paningin niya. "Saan nagpunta yun?" Nagpalingon lingon siya sa paligid ngunit kahit anino nito hindi niya makita Napabuntong hininga siya. "Ang bilis naman maglakad nun?" Pagkausap niya sa kanyang sarili "Bakit mo ako sinusundan" Natigil siya sa paghahanap dito ng marinig niya ang boses nito sa kanyang likuran Hindi niya maintindihan kung bakit malakas ang epekto ng boses nito sakanya. Bumilis ng husto ang t***k ng kanyang puso Dahan dahan siyang umikot paharap dito habang ang kanyang puso ay tumitibok ng mabilis "G-Ginulat mo naman ako" Napahawak siya sa kanyang dibdib Nakatingin ito sakanya ng seryoso "Bakit mo ako sinusundan?" ulit nito Napalunok siya. Ilang araw na kasi niya itong sinusundan kung nasaan ito. Hindi niya din iyon mapaliwanag. Katulad nalang kahapon sinundan niya ito sa likod ng skwelahan nila nag pahangin ito doon. Alam niyang nakita siya nito ngunit hindi siya nito pinansin "Ah-Eh kasi makikipag kaibigan lang sana ako sayo-" "May mga kaibigan ka naman. Ayokong makipagkaibigan kahit kanino.. Stop following me" Napanganga siya sa kasungitan nito. Nilagpasan siya nito at nag patuloy na ito sa paglalakad "T-Teka Cedric!" Tawag niya sa pangalan nito Napahinto naman ito sa paglalakad. Napansin niyang maganda ang build ng katawan nito kahit baduy ito. Lalong lalo na napakabango ng hininga nito kanina habang nagsasalita ito. Amoy fresh na fresh! Nilapitan niya ito at muli niyang naamoy ang mabangong perfume na gamit nito "Pwede naman madami akong maging kaibigan diba? The more the merrier diba?" lakas loob na tanong niya "Kokopyahan mo lang siguro ako?" Naningkit ang mga mata nito "Ha? H-Hindi ah" "I saw you yesterday. Kinokopyahan mo yung kaibigan mo" Napanganga siya sa sinabi nito Naku po nakita niya pala yun? "Oo nangopya ako kahapon pero hindi naman exam yun eh. Assignment lang natin yun. Wala kasi akong pang computer kaya nakikopya nalang ako ng sagot sa pinapasearch ni ma'am. Pero di naman ako nakikipag kaibigan sayo para lang makakopya ng assignment" Nakatingin lang ito sakanya habang nag eexplain siya "Then why do you want to be my friend?" Tanong nito sakanya habang nakakunot ang nuo Napakamot siya sa kanyang ulo "Kailangan ba may dahilan? W-Wala lang gusto lang kita maging kaibigan. Gusto ko makasama kita palagi- I -I- I mean para hindi ka naman nag iisa parati dito sa school" Medyo pinawisan siya sa kanyang sinagot. Ano bang nangyayari sakanya? Bakit niya ba ito pinipilit maging kaibigan kung ayaw naman nito? Palakas din ng palakas ang t***k ng kanyang puso "Ayoko" Nalaglag ang kanyang mga balikat dahil sa sinabi nito. Lumakad na itong muli palayo sakanya "Cedric! Sige na!" Hinabol niya itong muli "Ang kulit mo" Nakasimangot ito habang nag lalakad May nadaanan silang grupo ng mga babae "Diba si monica yan? Bakit niya hinahabol si Baduy?" Sabi ng isang babaeng maarte "Ewan ko sis. Baka type ni Monica si Baduy" Nagtawanan ang mga ito. Narinig nila ni Cedric ang pag uusap ng mga ito dahil sadyang pinarinig ng mga ito iyon sakanya "Wag mo silang pansinin Cedric. Gusto lang talaga kitang maging kaibigan" Sinusundan niya padin si Cedric kahit mabilis itong naglalakad "Stop following me." Nakakunot padin ang nuo nito "Susundan kita hangang mapapayag na kitang maging kaibigan" Huminto ito sa paglalakad "Sorry ayoko talagang makipagkaibigan sayo"   "Eh bakit naman?" Napakunot na din ang kanyang nuo. Nasasaktan siya dahil ayaw siya nitong maging kaibigan "Dahil ayoko. Period" Masungit nitong sagot sakanya bago ito tumalikod muli Sinundan niya padin ito. "Sabi ko wag mo nakong sundan-" "Hindi naman kita sinusundan. Dito din ang daan ko papunta sa classroom natin. Nakalimutan mo na bang magkaklase tayo" Napangiti siya dahil namula ang pisngi nito "Fine" Nagpatuloy ito sa paglalakad at wala na itong nagawa dahil sinasabayan niya ito sa paglalakad "Monica!" Sabay silang napalingon ni Cedric sa lalakeng tumawag ng pangalan niya. Walang iba kundi si Dexter Tumakbo ito palapit sakanya "Monica kanina pa kita hinahanap. Kumain kana ba ng lunch?" Tanong ni Dexter sakanya Doon niya lang naalala na hindi pa pala siya nag la-lunch dahil sinundan niya si Cedric sa library kanina! "Hindi pa pala" Natapik niya ang kanyang nuo Nakasimangot naman si Cedric sa kanyang tabi "Halika ililibre kita hindi pa din ako nag la-lunch" Aya sakanya ni Dexter "Huwag na mamaya nalang ako kakain isang oras lang naman yung klase ko. Mag riring na din kasi yung bell" Tatlong minuto nalang kasi magsisimula na ang susunod na klase nila Nauna na maglakad si Cedric nang mapansin nitong nakikinig pa sya sa usapan ni monica at Dexter.   "Sige Dexter salamat nalang ha?" Sinundan na agad ni Monica si Cedric papunta sa classroom nila ngunit di na niya ito makita. Saan nanaman nag punta yun? Ang bilis naman tumakbo nun? Pag pasok niya sa classroom wala doon si Cedric. Nagtaka siya kung nasaan ito "Psst Monica dito ka umupo absent yung katabi ko" Tawag sakanya ni Racky. Malungkot siyang umupo sa tabi ni Racky "Satingin mo hindi papasok si Cedric?" Wala sa sariling tanong niya kay Racky. Napakunot naman agad nuo ni Racky "Si baduy?" Tanong nito Tumango siya "Nakasalubong ko siya kanina tumatakbo. Baka mag cutting classes yun" "Ganon ba?" Mas lalo siyang nalungkot. Maya maya pa pagtunog ng bell nag si-upuan na ang kanilang mga kaklase dahil dumating na ang guro nila "Sorry I'm late sir" napatingin silang lahat kay Cedric kakapasok lang nito sa loob ng classroom Tumango lang ang guro nila at nagpatuloy sa pag susulat sa blackboard. Hindi niya maiwasan mapatingin kay Cedric dahil dumaan ito sa gilid ng kanyang upuan Bumilis ang t***k nang kanyang puso dahil inilapag nito sa ilalim ng kanyang table ang isang chicken sandwich at isang bottle juice. Napanganga silang dalawa ni Racky "Kumain ka masamang nalilipasan" nilagpasan na siya nito at umupo ito sa bandang dulo. Napatulala lamang siya sa nangyari. "Oh em gee bruha ka bakit ka binilihan ng pagkain ni baduy??" Bulong ni Racky sakanya Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Tumingin siya kay Cedric. Nag iwas ito ng tingin sakanya at nakikinig na ito sa guro nila Napakagat labi siya. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya nang kilig. "Bruha ka kinikilig ka kay baduy? Yuck ha" bulong ni Racky. Hindi niya mapigilan kiligin pa nang husto dahil nag sisink in na sakanya ang ginawa ni Cedric. Siguro narinig nito ang pag uusap nilang dalawa ni Dexter kanina kaya binilihan siya nito ng pagkain. Pasimple niyang kinagat ang chicken sandwich na binili nito para sakanya. Kapag hindi nakatingin ang guro nila doon lang siya kumakain ng patago "Bruha pahingi ako. Hindi din ako kumain kanina dahil dinala mo agad ako sa library." Bulong ni Racky sakanya "Ayoko nga. Mamaya bibilhan nalang kita." Napapangiti pa siya habang ninanamnam niya ang pag kain na binigay sakanya ni Cedric "May gayuma ata yan friend. Baka magkagusto ka kay baduy ha. Yuck ka" Bulong padin ni Racky Napangiti naman tuloy siya lalo dahil sa sinabi ni Racky Mukhang nagkakagusto na nga ako sakanya Racky eh.. Gusto sana niya iyon sabihin kay racky ngunit sinarili nalang niya. Baka hindi din ito maniwala dahil napakabaduy ng tipo niya. For the first time sarap na sarap siya sa chicken sandwich nang kanilang paaralan na panay mayonnaise lang ang laman at tatatlong piraso ng hibla ng manok lamang ang palaman. Ngunit para sakanya ito na ang pinakamasarap na pagkain sa mundo. "Miss Monica answer number seven!" Natigil siya sa pag kain dahil sa sigaw ng kanilang guro. Naku po. Nahuli ata ako ni sir habang kumakain? Tumayo siya upang sagutan ang problem number seven Kinuha niya ang chalk sa guro at sinagutan niya ang problem number seven sa blackboard. About business net profits ang tanong at mabuti nalang alam niya ang sagot "Impressive. Kahit hindi ka nakikinig alam mo ang tamang sagot" Napangiti naman ang guro nila dahil tama ang sagot niya "Thanks sir-Burpppp" Natakpan niya agad ang bibig dahil sa kanyang pag dighay. Nagtawanan tuloy ang mga kaklase niya. Napatingin agad siya kay Cedric. Pinipigilan nitong mapangiti Napakagat labi si Monica. Dahil parang kinilig siya kay Cedric habang napapangiti ito sa dulo. Anak ng patis! Crush ko na nga ata si baduy! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD