Chapter 3

1411 Words
Habang nag lalaba ng uniform si Monica bigla niyang naalala yung lalakeng lumapit sakanya sa bus stop noong orientation day. si Pogi? Naghihintay kasi siya sa bus stop noon upang umuwi galing sakanilang skwelahan, Malalim ang kanyang iniisip noong mga oras na iyon dahil iniisip niya ang ate Liza niya. Akala niya kasi wala ng pag asang magbago ang baliw na kapatid niya. Pero thanks God dahil mabilis umikot ang mundo. Bigla itong naging matino. Nagpaturo pa nga ito mag ayos ng sariling pananamit sakanya. Muntik na kasi nito maging kamukha si lady gaga kung hindi niya ito tinulungan. Nagmuni muni siya habang iniisip niya yung gwapong lalake sa bus stop. "Nakapag enroll kaya yung pogi?" Pagkausap niya sa kanyang sarili Nagtanong kasi sakanya yung lalakeng pogi noong isang araw kung saan siya nag aaral. Kaya naisip niyang baka mag eenrol din ito. "Hindi siguro? Wala naman pogi ngayon sa school namin e" maliban kay Dexter. Pinagpatuloy niya ang kanyang paglalaba. Isang piraso lang kasi ang kanyang school uniform dahil maykamahalam ang presyo nang uniform nila. Scholar lamang siya sa kanilang university kaya siya nakakapag aral ng libre sa paaralan na iyon. Higit sa lahat tinutulungan sila ng best friend ng kanyang ina na si Mrs.Abby Hoffman sa ibang gastusin sa kanilang pag aaral. "Anak tapos kana ba maglaba? Kakain na tayo" Sigaw ng nanay bebang niya "Hindi pa nay! Malapit na po!" Minadali na niya ang pag laba ng kanyang damit at sinampay iyon sa likod ng kanilang bahay matutuyo naman siguro ito magdamag.. Pagkatapos niyang maglaba nagpunta na siya sa kusina upang saluhan sa hapunan ang kaniyang inay at kuya lito. "Nasaan ang ate mo?" Tanong ng kuya niya. n***o ito at kulot ang buhok.  "Hindi daw po makakauwi si ate--" "Bakit daw?" Kunot nuong tanong ng inay bebang niya habang nag lalagay ito ng kanin sa pingan "Mayroon daw silang business meeting bukas ng umaga sa malayo nay.." Pagsisinungaling niya upang pagtakpan ang kanyang ate Liza "Sigurado ka? Bakit sayo nag-paalam ate mo?" sambit naman ng kuya Lito niya. "Oo kuya. Nalowbat na kasi siya kaya ako lang siguro ang natawagan niya" Naniwala naman agad ang nanay at kuya lito niya kaya nakahinga na siya ng maayos. Napagtakpan na niya ang kanyang ate Liza. CEDRIC POV Inilapag ni Cedric ang kanyang pekeng salamin sa drawer ng malapit sa kanyang kama. Pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama dahil sa sobrang pagod niya. Three hours akong nag papa-panget? Sino ba namang hindi mamapagod. Mag iisang linggo nakong nagpapangap na nerd. Hinilot niya ang sariling sintido dahil sumasakit iyon. Napatingin siya sa kisame at hindi maiwasan mapangiti mag isa habang naaalala niya ang girlfriend nang kuya Angelo niya. Ito kasi ang nagturo sakanya nang mga kalokohan na iyon. Flashback.. Hindi agad nakapag enrol ng maayos si Cedric dahil sa gate palang pinag kaguluhan na siya ng mga babae. Tumakbo agad siya sa kotse niya at sinabihan ang kanyang mga body guards na paandarin ng mabilis ang kotse. Ahhhrrggg!! Ano bang meron sakin! I hate my face now. Bakit ba kasi ako nagmana kay Dad?!   Maraming nag sasabi na kahawig niya ang kanyang daddy noong kabataan nito. Sa lahat ng kanyang mga kapatid siya lang ang nakakuha ng mukha nang kanyang ama na para bang kakambal niya ito sa magkaibang panahon "Boss ang gwapo niyo po kasi.." hirit ng body guard niya "Damn. Ayoko na. Di ako makakapag aral ng maayos!" "Eh Boss mag enroll ka kaya sa all boys----" "Mas lalong ayoko don. Baka pagsamantalahan pa ako ng ibang lalake. Katulad ng ginawa kay Zach" Si Zach ang nakakabata niyang kapatid. Gwapo din ito. Nagkaroon ito ng trauma sa isang all boys school. Sa sobrang gwapo din kasi nito maraming mga lalakeng kaklase nito ang nagkagusto dito. "Sabagay boss. Nakakatrauma nga yun. Mas mabuti nang mga babae ang hahabol sayo kaysa may lawit" Napabuntong hininga siya "Anong gagawin ko ngayon! Tss. I just want to have normal life!" "Hingi ka ng tulong kay kuya Miguel mo" "No thanks. Sa sobrang babaero ni kuya kung ano ano lang sasabihin nun" Lalo na nahuli niya itong may kasiping sa mismong bar nito last week! Kailan kaya ito titino! "Eh sa kuya Angelo mo kaya boss? Mas matino yun kaysa sa kuya Miguel mo eh--" "Sige. Puntahan natin si kuya" Napabuntong hininga nalang siya. Pagod na pagod na talaga siya sa mga ginagawa sakanya ng mga babae. Minsan may mga babaeng bigla nalang yayakap sakanya. At kung mamalasin minsan may humahawak ng kanyang puwet. Pakiramdam niya nababastos din siya bilang lalake sa ginagawa sakanya ng mapagsamantalang mga babae. Pagdating niya sa condo unit nang kanyang kuya Angelo naabutan niya itong may kasamang babae. ""Kuya i need your help--Opps may chix ka palang kasama dito? Sorry! Naka-istorbo ba ako?" "What is it ced?" Tanong ng kuya Angelo niya "Kuya i think i need to look ugly. pagod na pagod nakong pag-agawan ng mga babae sa school namin.. Di ko na alam gagawin eh" Natawa si Angelo sa problema ni Cedric. Senior high palang kasi siya ngunit nagbibilang na ang mahabang listahan ng mga babaeng may gusto sakanya "Wala akong matutulong sayo" Pagsusungit ng kuya niya. Mukhang nakaistorbo nga siya. "Ayoko naman lumapit kay kuya Miguel. I saw him yesterday having s*x in his office! It's gross" Napangiwi pa siya. "P..Pwede kitang tulungan?" singit ng babae sa usapan nilang magkapatid "Love wag mo ng patulan ang trip ng kapatid ko--" Naningkit ang kanyang mata sa endearment na tinawag ng kanyang kapatid sa babae. "Love?? Ibig sabihin girlfriend mo siya kuya? Cool! nice to meet you ate.." Nakipag kamay siya sa babae ng kanyang kuya. "Yeah she's my girlfriend" inakbayan agad ito ni Angelo at nilayo nito ang kamay niya sa babae nito. Napangiti naman siya ng husto "Tutulungan mo ako ate?" "No" sagot ni angelo "Oo ako bahala sayo.." Todo ngiti naman ito "Thanks!" Tinuruan siya nito kung paano papapangetin ang kanyang sarili. Nahirapan din ito dahil kahit anong pagpapapanget ang ginagawa nila gwapo padin siya. pawis na pawis ang kuya Angelo at girlfriend nito ng matapos siyang papangetin. "Hays ang hirap mong papangetin! Bakit ba kase kamukha mo si daddy!" Halatang pagod na ang kuya niya kakalagay ng gel s kanyang buhok upang maging katsupoy iyon   "Kaya nga love ano bang gagawin ko dito sa kapatid mo? ang hirap papangetin." Kumuha ng black eyeliner ang girlfriend nang kanyang kuya. "Look up" Utos nito sakanya "Ano yan ate?" inosenteng tanong niya. Pinapawisan na din siya dahil kanina pa siya pinapapanget ng mga ito "Eyeliner to. Basta look up na dali.." sinunod niya ang utos nito. Maya maya naramdaman niyang ginuguhitan nito ng ilalim ng kanyang mata at medyo kinalat pa nito ang itim na katas ng lapis sa kanyang eyebags. Nagmukha tuloy siyang puyat na taong nakadrugs hindi mapigilan matawa ng mga ito dahil sa kanyang itsura "Wait love may kulang pa sa itsura niya.." Kumuha ang kuya Angelo niya ng malaking salamin sa mata. "Isuot mo to. Magmumukha kang nerd na puyat." Kahit kabaliwan lahat ng pinagagawa sakanya ng kanyang kuya Angelo sinusubukan niya padin baka sakaling ito na ang paraan upang lubayan siya ng mga babae "Yan! Di kana makilala talaga pero dapat mag braces ka--" "Ayoko mag brace" "Retainers nalang para itago mo yang killer smile mo" Napabuntong hininga siya "Sige magpapagawa ako sa dentist ko" "Okay. Ituturo ko sayo paano gawin yang look mo.." Halatang masaya ang babae habang pinaglalaruan siya ng mga ito Humarap siya sa salamin. Nagulat siya sa kanyang itsura. Napangiti siya ng husto. Muntik na niyang hindi makilala ang sarili "Thanks ate" inakbayan niya ang girlfriend ng kuya niya. Agad naman pinalo ng kuya niya ang kamay niya "Kamay mo!" Napa-iling nalang siya "Grabe love ang gwapo ng kapatid mo ang bango bango pa" Bulong ng girlfriend nito kaya napasimangot ng husto si Angelo "Lumayas kana Cedric bago pa ako mainis sayo" napangiti nalang siya dahil nagseselos ang kuya Angelo niya dahil sakanya End of flashback Napabuntong hininga si Cedric. Nakakapagod din kasi ang routine niya para papangetin ang sarili niya Pero masaya naman siya dahil naging tahimik na ang mundo niya. Wala nang nagkakagulo dahil sa kagwapuhan niya. Sa wakas malaya na siya sa mga babaeng nababaliw sakanya Nakakagalaw na siya ng maayos sa paaralan niya. Nakakapag aral na din siya ng maayos Binayaran niya ang may ari ng kanilang skwelahan upang palitan ang kanyang pangalan. Siya na ngayon si Cedric Ho.. Ang nerd ng kanilang skwelahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD