"Mukhang blooming ka ha?" Nakataas ang kilay ni Racky habang pinagmamasdan siya nito mula ulo hangang paa. Kakatapos lang ng kanilang klase. "Palagi naman akong blooming ha?" Naningkit ang mata nito at inikutan nito ang kanyang buong katawan na para bang isang magaling na detective "Something is wrong eh. Parang may nagbago sayo?" Nakataas padin ang kilay nito Napangiti siya ng husto. Ang lakas talaga ng pang amoy nitong bestfriend niya "Wala no. Ano ka ba tigilan mo nga pag kilatis sakin Racky" Tinapik niya ito sa pisngi upang tigilan nito ang pagkilatis sakanya "Parang may iba talaga sayo eh. Ibang iba ang aura mo?" "Hay nako. Gutom lang yan. Tara na hinihintay kana ni Harold" Nauna na siyang lumakad ngunit sinundan agad siya nito. "Teka muna. Diba dapat masakit ang buong kat