"C-Cedric Hoffman?" Tanong niyang muli sa mga ito. She wants to clear things. Baka kasi nagkamali lang siya ng rinig sa sinabi ng mga ito. Tumango ang mga ito. Sabay silang napasinghap ni Racky at nagkatinginan "H-Hindi maaari bessy" Ani Racky Nanlalamig ang kanyang kamay. "S-Sigurado ba kayo? A-Ako kasi yung girl friend ni Cedric kaya niyo nga ako binugbog diba?" "Monica inutusan lang kami ni Rebbecca dahil inagaw mo raw si Cedric sakanya" "T-Teka naguguluhan ako.." Kumapit siya sa braso ni Racky "Monica nagsasabi kami ng totoo. Kaya ka namin binugbog dahil inutusan lang kami ni Rebbecca. N-Nakita namin sila kaninang umaga magkausap sila sa school namin--" "Sa school niyo?" Tumango ang mga ito "May picture ba kayo ni Rebecca? Baka kasi magkaibang Rebbecca ang tinutukoy nat