Chapter 23

5000 Words
“Una sa lahat, ni-request kong ipag-pray nyo sa Diyos na i-bless nya ang lahat ng tao. Ipanalangin nyo silang lahat, at magpasalamat kayo sa Diyos para sa kanila.” – Timothy 2:1 -- Chapter 23 Pearl Madaling araw na nang umakyat si Nick sa kwarto para matulog. Hindi niya binuksan ang ilaw pero bukas ang lamp sa tabi ng ulo ko. Nakatagilid ako ng higa at hindi kumilos para kausapin siya o magtanong sa nangyari kanina. Wala akong lakas ng loob. Siguro dahil sa tingin ko ay disappointed siya. Lumubog ang gilid ng kama sa side niya. Narinig ko ang ilang kaluskos. Paghila sa tela. Kalansing ng sinturon at bagsak sa sahig. Pagbugso ng buntong hininga. Kasabay ang mahinang ugong ng aircon. Ang sabi ni Ma’am Jahcia, sa room ni Yandrei pinatulog ni Nick ang anak. He thinks it is better that way since we’d just got married. But it turns out, the next hours of that night was ruined by me after I collapsed. Imbes na masaya at matiwasay na selebrasyon ng kasal, kabaliktaran ang nangyari. Binagsak niya ang sarili sa kama. I heard his deep sighs. Those are his last reaction for the night. Sa sumunod na oras, hindi na siya gumagalaw. Marahil nakatulog din agad sa tulong ng alak na ininom kanina. “What are you doing, Pearl?!” Napaigtad ako at sabay lingon sa pintuan ng kusina. Pati ang mga kasama kong kasambahay ay napabaling sa gulantang na boses ni Ma’am Kristina. She’s still wearing his sleeping dress but with silk and expensive robe. Kasing ganda niya ang umaga. Pero mahuhulog yata ang mata sa sahig sa sobrang gulat pagkakita sa akin. Umawang ang labi ko. Takot na nakita niyang nangingielam ako sa kusina. Maaga kasi akong nagising. Iniwan ko sa kwarto si Nick. Halos kaliliwanag pa lang ng kalangitan nang bumangon ako. Naligo at nakapagpalit ng maong shorts at maroon t shirt. Hindi pa natutuyo ang buhok ko ay bumaba na ako. Sinilip ko rin si Jewel sa room ni Yandrei. Parehong natutulog pa. “Ayaw magpapigil, Ma’am. Kaya hinayaan ko na. Kaysa naman maiwang mag-isa rito ang asawa ni Sir Nick.” “Pasensya na po. Maaga akong nagising kaya… may free time pong magluto. Pancake lang naman po ito. Madali lang,” segunda ko agad. Dahan-dahan kong binaliktad ang pancake sa kawali. Nilapitan ako ni Aida. Nagkatinginan kami. Kanina ay panatag na ang loob nila pero pagdating ni Ma’am Kristina, biglang kinabahan. Siguro ay baka masisante kung makitang walang ginagawa. Pero busy din sila sa paglilinis at paghahanda sa almusal ng buong pamilya. Si Manang Narcisa ang nagdahilan para sa akin. Pati pangangatwiran ay kinahihiyaan ko kay Madam. “Tulog pa ba ang asawa mo? Aida, ako na d’yan.” Diniin ko ang pagkasara ng labi nang tabihan niya ako sa harap ng kalan. Her presence created changes even in the kitchen. Inipit niya ang mahabang buhok gamit ng clip. Naghilamos pa lang yata si Ma’am Kristina. Sinilip niya ang apoy. Tiningnan kung tama ang init. Pati ang pancake na naluto ko na. “N-natutulog pa po.” kinagat ko ang labi. Hindi pa ako sanay na sabihang may asawa. O ang hanapin si Nick sa akin. Kaya tinuon ko na lang ang mata sa kawali. Kailangan ko ring tingnan ang niluluto at baka masunog sa harap ni Madam. Namaywag siya. Pinasadahan ng tingin ang mesa at mga pagkaing ginagawa namin. “Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan, e. Kakakasal mo lang kahapon. Dapat nagpapahinga ka pa sa taas!” “Okay na naman po ang pakiramdam ko, Ma’am. Ang sabi rin ni Ma’am Jahcia, bumuti na itsura ko nang makatulog. Overfatigue lang po kahapon.” “Kahit na. Ang aga-aga mong bumangon. Where’s my grandchild? Tulog pa rin?” “Yes, Ma’am…” “Oh see? Tulog pa ang anak niyo pero ikaw na mas napagod, heto na at nagluluto. Let yourself rest and go back to your room. Ako na rito. Aida, pakilabas na nga ang strawberries sa freezer. Gagawan ko ng agahan ang apo ko’t manugang.” “Okay po, Ma’am Tin!” “Pero Ma’am- Bumuntong hininga siya. Natigil ako sa sasabihin. Dahil hinarap niya ako. “Mommy Kristina, anak. ‘Wag mo na akong i-ma’am. Mag-asawa na kayo ni Nick. Dapat ay mommy na rin ang tawag mo sa akin. At daddy kay Reynald. You’re already part of the family. Alright?” “M-mmm…” napatingin ako sa pancake. Dumaan din yata ang apoy sa mukha ko dahil doon. “Okay, Pearl?” I was cornered. Nakatingin ang mga tao sa paligid. Hinihintay ang sagot ko. “O-opo. Mommy Kristina.” Ngumiti si Ma’am… Mommy Kristina. Inabot ang pisngi ko at banayad na hinaplos. “I can’t believe that I already have you as my daughter-in-law. You are my son’s best decision ever made! Sige na. Umakyat ka na at magpahinga pa. Ipapatawag kita pagkatapos nito.” “Pwede pong tumulong na lang ako rito? Hindi na po ako pagod. Hindi rin inaantok. Wala rin po akong gagawin sa kwarto… tutulong na lang po ako sa pagluluto,” “Hay. Mukhang hindi ako makakatanggi sa ‘yo, hija. O sige. Dito ka na lang. Aida,” “Yes, Madam?” “Tulungan mo si Pearl dito. Huwag mong pagurin, ha? Ipagluto niyo rin ng gusto niyang pagkain,” “Masusunod po, Madam!” Kahit sinaway, tumulong ako sa paghahain ng agahan. Nilabas ko ang sinangag. Nakalagay sa babasaging bowl ang binuhat ko papunta sa dining area. Nadatnan ko roon si Sir Reynald. Muntik akong mapaatras pagkakita ko. “Oh, Pearl. Bakit ikaw ang… gumagawa niyan?” litong tanong niya. Naroon din sina Aida at Manang. “G-good morning po, Sir Reynald. Maaga po akong nagising kaya… bumaba na po ako. At tumulong na rin sa paghahanda ng almusal.” Binaba niya ang hawak na Ipad nang ilapag ko ang bowl ng sinangag. Umuusok at amoy na amoy ang bawang. May ilan pang hindi nailalabas na pagkain pero si Aida na ang kumuha. “Where is Nick?” he asked me again. This time, mas seryoso na. Tumayo ako nang tuwid sa likod ng upuan sa kanan niya. Siyang dating nina Mommy Kristina--na bagong bihis na, Yandrei at Jewel. They all greeted us good morning and went to their chairs. Niyakap pa ako ni Yandrei. “Good morning my pretty, sister-in-law!” “G-good morning din.” Sa akin lumapit si Jewel. Bagong ligo na at masigla. “Good morning, baby.” Binuhat ko. I missed her and kissed her rosy cheek. “Natutulog pa po si Nick.” Sagot ko kay Sir Reynald. Mommy Kristina look stunned a bit. Kilala niya ang pag-iiba ng tono ng asawa. “Ginising ko na, hija. Maliligo lang daw. Aalis yata kayo after breakfast.” Bumuntong hininga si Sir Reynald. Walang ingay na umupo ang asawa sa kanan niya. “Puyat na puyat siguro ang batang ‘yan kaya late bumangon. Bakit niya hinayaang gumawa sa kusina itong asawa niya? Hindi ba ‘yan umalis kagabi?” “Ang sabi ni Jahcia hindi na. Magkakasama sila kagabi rito ni Matteo. Binantayan nila si Pearl.” “He must take care of his wife now. Unang umaga bilang mag-asawa, nagpabaya agad. Ganito ba ang sinabi niya no’n? He’s being ungentleman, Kristina.” “Hindi naman siguro, sweetheart. Let him adjust first. May nangyari kagabi kaya pagod din ang anak mo.” “I wouldn’t let you get out of bed so early on the first day of our marriage.” Napangiti na si Mommy Kristina. Napawi ang pag-aalala sabay tingin sa asawa. “Talaga lang, ha?” Tinitigan siya ng asawa. Pinanliitan ng mata pero hindi na sinundan iyon ng salita. Eskandalosang tumikhim si Yandrei. Inalis ang pagkalumbaba at inikot ang mga mata. “Oh my. I can’t believe I’m still witnessing this!” She exaggerated. Hindi ko na napigilang ngumiti. “Maupo na kayo rito, Pearl. Pababa na ang asawa mo. Jewel darling, s’yempre sa tabi ng Lola, okay?” “Opo, Lola Tin!” Pinaikutan kami ng mga kasambahay. Sa pangunguna ni Manang Narcisa. Isa-isang nilagyan ng juice at tubig ang mga baso. Ang kape ni Sir Reynald ay personal na tinitimpla ng kanyang maybahay. Sa tabi nito nilagay ang lalagyan ng kape, asukal at creamer. Kabisado na ang timpla kaya mabilis na natapos. Inihain na special ang platong may pancake, sliced strawberries at syrup ang para sa amin ni Jewel. My niece is very happy. Tuwang-tuwang sa ayos ng pagkain. S’yempre nanibago rin. Ang pancake namin kina Tatay ay madalas asukal, margarine, evaporated milk o kaya ay condensed milk lang. Sa agahan nila, marami kang pagpipilian. May kanin, hotdog, ham, spam at fried eggs. Kung gusto ng loaf bread nakahain din. At kung gusto ng pancake ay mayroon din. Ang pandesal nila ay malaki at malaman. Sa tabi ay ang iba’t ibang klase ng palaman. Thay have separated plate for bread and butter. As well as for butter knife. Empty tea cups. At lahat ng kagamitan ay iisa ang disenyo. Nakaantabay sina Aida sa gilid para kung may kailangan ay madali silang makakalapit. Parang binabantayan nila ang kinakain namin at kami. Alerto kapag may kulang o kaya naman kapag may nalaglag na sa kutsara sa sahig. Isang tikhim ang nagpabaling sa akin sa likod ni Sir Reynald. Nick came down at last. Bagong ligo. Basa ang buhok at medyo magulo pa na parang nagmadali sa pagbihis. Sinuklay niya gamit ang daliri. Nakasuot ito ng puting v neck shirt at itim na pantalon. His only accessory is his black watch. Nagkatinginan kami. Tinitigan niya ako saglit. At agad akong nag-iwas. “Pinapaalala ko lang, Nick. Hindi na ka binata. Unang araw ninyo ni Pearl bilang mag-asawa, hinayaan mong gumawa siya sa kusina. Hindi mo man lang pinigilan.” Napabuntong hininga si Mommy Kristina. “I’m sorry, dad. I was drunk last night. Morning, mom.” He kissed his mom’s hair. “Good morning, Kuya!” Tiningnan niya si Yandrei pero hindi nilapitan. Nasa hilera kami ni Mommy niya. At katapat ni Jewel ang Tita Yandrei niya. Sunod niyang hinalikan sa tuktok ng ulo ng anak. Paglipat niya sa likuran ko, dinantay niya ang kamay sa balikat ko. Awtomatiko akong tumingala para bumati. Pero sinalubong ako ng pagbaba ng mukha niya. Hinalikan niya ako sa labi. Matunog na kinainit ng pisngi ko. “Good morning, hon.” “M-morning din,” Hinila niya ang upuan sa tabi ko. Nakangisi siyang pinapanood ni Yandrei habang ngumunguya ng spam. “Hindi ako sanay sa ganitong ka-sweet-an ng kuya ko, ha. Pagdating kay Pearl, forda kiss yarn sa umaga? Hanep. Para kang si kuya Dylan.” Matalim niyang tiningnan ang kapatid. “Shut up, mouse.” “Mommy, oh! Daga raw ako? Sa ganda kong ‘to!” Jewel giggled. Tumikhim si Sir Reynald. “As I said, maging maasikaso ka rin sa asawa mo, Nick. Hindi na nga natapos ng maayos ang reception kagabi, tanghali ka pang bumangon. Wala ka man lang pamalit na pambawi dahil sa nangyari. And you were even drunk.” Tinusok ng tinidor ni Nick ang spam at nilagay sa plato. “Napasarap po ang kwentuhan namin ni Uncle Matt. Hindi po sila nakauwi agad dahil naghihintay ng balita kay Deanne. Madaling araw na po siya nakapanganak. The twin girls and the mother are both healthy. Umuwi lang po nang tinawag iyon ni Yale.” I can’t help but be happy and thankful for Deanne’s safe delivery. Salamat naman at ligtas siya sa panganganak. Pati na rin sa mga baby niya. “Dadalaw kami roon maya-maya. Si Anton nga pala?” Binulungan ako ni Nick. Medyo nagulat ako. “Paabot ng kanin, please.” Inabot ko ang bowl at binigay. “Thanks. Okay ka na ba ngayon?” Tumango ako. “Uh, o-oo. Hindi ako iniwan ni Ma’am Jahcia hangga’t hindi siya nakakasigurong okay na ako.” Hindi ko sigurado kung ngiti o ngisi ang sinagot niya. Inisip ko na lang na sa gitna no’n. At pinagwalang bahala. “Auntie and Uncle thought you are already pregnant. Kaya gusto ka ring ipadala ni Deanne sa ospital.” “Hindi, ah!” mariin kong bulong. Kinagatan niya ang spam at sumubo ng kanin. “Iyan ang sinabi ko. Pero parang walang tiwala sa akin si Uncle Matt.” Dumikit ako sa kanya. Para hindi marinig ang pinag-uusapan namin. “Ano ang paliwanag mo sa kanila?” Nagkibit balikat pa ito. “Wala naman masyado. Pero sinabi kong… wala pang nangyayari sa atin…” Unti-unting kumalat ang init sa mukha ko at batok. Ang normal ng kain ni Nick. Hindi siya nabahala o kahit nahiya na ‘iyon’ ang pinag-usapan nila kagabi. At habang wala akong malay! “Kailangan mo pa bang sabihin ‘yon?” “Wala akong maisasagot na iba. Nahimatay ka. Iisipin nilang buntis ka na at kaya mabilisan ang kasal natin. Mukha raw hindi boto ang Tatay Vic sa akin kaya nag-iyakan sila kagabi. And knowing that… you are my daughter’s Auntie, they all thought marrying you is a taboo. They even accused me of impregnated you just so you can marry me.” Naiintindihan ko ang part na ‘Tita’ ako ng anak niya. At hindi talaga normal na pakasalan ako ni Nick. Pero iyong buntis na parte… iyon agad ang una nilang dahilan sa pagkahimatay ko. Mabuti na lang binantayan ako ni Ma’am Jahcia. Para agad namatay ang maling haka-haka. “Nai-set mo na ba ang event para sa mga Advertiser people, Nick?” “Yes, dad. Three weeks from now ang event. Then, pinapaayos ko na rin ang renovation ng Studio 4. I signed the budget for the next season of a game show. May schedule ako sa ng signing of contract. Magrerenew din ng exclusive contract sa atin ang home-grown Actor natin. Mataas ang rating ng show niya. Maganda rin ang feedback from the audiences.” May satisfy sa mukhang tumango si Sir Reynald. “What about the others? I heard something about Ysabella’s drama?” “Wala pa po akong nare-receive sa office, dad. As far as I know, name-maintain naman ang ratings. At steady ang sponsors.” “Hindi tungkol d’yan. Nag-uusap-usap daw ang director at writers ng drama. Nirereklamo nila ang professionalism ng actress na ‘yan. Hindi ba, kaibigan mo ‘yon?” “Ah, yes, dad.” “Try to talk with the director. Ang Head ng drama natin, tinatawagan ako. Fix it.” “Yes, dad. Ako na pong bahala.” Tahimik kong pinakinggan ang pag-uusap ng mag-ama tungkol sa negosyo. Ramdam ko ang malaking pagtitiwala ni Sir Reynald sa kanya. Pero ramdam ko rin ang pressure para kay Nick na siyang panganay nila. “But spend your time with your family first. Kay Anton ko muna pachecheck.” Nick glanced at me. “Thanks, dad. Lilipat din kami ngayon sa unit ko.” Natigilan si Mommy Kristina. Sabay baling sa amin. “Bakit condo lang? Ayaw mo bang kausapin si Anton tungkol sa Penthouse?” “No, Mom. Pansamantala lang kami roon. Naghahanap na po ako ng bahay at lupa malapit kina Dylan. Sa tingin ko po kasi, gusto roon ng asawa ko. Doon kami bibili.” Nagulat ako. At nagkatinginan kami. He just grinned. “Then, that’s better! Mas magandang sa malaking bahay mo sila itira. Lalo na kapag dumami ng anak niyo. Ako yata ang mahihilo kada akyat-baba ro’n. Maganda ang condo pero… mas ideal kung sariling lupa. You can renovate the house, expand and improve if you want. At may sariling hardin at pool kayo.” Nick smiled. “Iyon din po ang gusto ko, mommy. Para hindi na rin mahirapan si Pearl kapag nagbuntis na.” Ano… bang… pinagsasabi ng lalaking ito… na parang wala ako rito? Pero… asawa na niya ako. Lahat ng sinasabi niya para sa pamilya namin ay ‘karapatan’ din niya. Walang mali sa makakarinig na iba. Ang sa akin ay… paninibago. He will expect me to give him a baby. At ilang baby? Malay ko. “Tawagan mo kami pagkarating niyo sa Proscenium,” After our sumptuous breakfast with Nick’s family, pinagayak na niya kami ni Jewel para umalis. Pinalipat na niya ang ilang damit at gamit namin sa condo niya. At ngayong araw din kami pupunta. Sina Mommy Kristina ay pupuntang ospital para dalawin si Deanne. “Alis na po kami,” paalam ko sa mag-asawa. Hinatid nila kami sa labas. “Bye, Pearl! Bye baby Jewel!” Kinawayan ko rin si Yandrei bago ako tinulak ni Nick pasakay sa passenger seat. “Halatang madamot ka, kuya!” Hinarap ni Nick ang nakangusong kapatid. “Baka kung anong impluwensya ang ituro mo sa kanya.” “Good influencer ako, ‘no! Chaka mo!” Nangiti na lang ako. Kumaway sa kanilang tatlo. Nakarating kami sa Proscenium pasado alas diez nang umaga. Pinark ang sasakyan sa basement at umakyat kami sa isa sa mga tower doon. Pagkatungtong ko pa lang sa vicinity ng lugar sa parte ng Makati na iyon, kinidlatan ako ng malaki at bagong pagbabago. “Welcome to our temporary home.” Nasa foyer pa lang kami, nagtatakbo na si Jewel sa loob ng unit. Maganda. Maliwanag at mamahalin agad ang nasa paningin ko. Ni-tour ako Nick. Sa banyo, sa kusina, sa magkasamang living room at dining area. Ang mga kagamitan niya halos bago pa lahat. Parang hindi pa nauupuan ang gray sofa. Pati ang eight-seater dining table ay good as new. Hinawi niya ang kurtina ng floor ceiling glass wall. Tanaw roon ang green area na napapalibutan ng nasa limang higateng towers. In-unlock niya ang pinto papunta sa malawak na balkonahe. “Tuwing kailan ka umuuwi rito?” Humawak ako sa steel railing. Nasa baba namin ang dumaraang mga sasakyan. It’s so expensive to be here. Ang nagtataasang building… ang espasyo para matanaw ang asul na kalangitan… ang tinutungtungan kong sahig… lahat ay sumisigaw ng karangyaan. At sa isang tulad kong lumaki sa ancestral house ng mga Villaruz, ramdam ko ang pagkalula sa pag-aari ng napangasawa ko. “Minsan lang. Kapag hindi makauwi sa mansyon. O kapag tinatamad magmaneho. Let’s say, once or twice a week? This is just my separate place whenever I wanted to be alone.” “Dito ka ba umuuwi kapag nagpupunta sa amin?” nilingon ko siya. “Sometimes. Most especially… kapag pinapauwi mo na ako. Umiinom akong mag-isa rito.” “Bakit naman?” Sinuksok niya ang mga kamay sa harapang bulsa ng pantalon. Tumanaw sa labas. Nasisilaw pa siya sa liwanag kaya lumiliit ang mata niya. At bumuntong hininga. “I didn’t want to go home yet. I wanted to spend the night with you. But you won’t let me. Kasi matagal nang tapos ang meron sa amin ni Ruby. And you were her. You won’t know my sentiments, then.” “You wanted to spend the night with Ruby.” Pagko-correct ko. “The mother of your child.” Nilipat niya ang paningin sa akin. “You took her name and position to be the mother of my child. Sa ‘yo ko naramdaman iyon. Hindi kay Ruby. You are different from her. Far different if you are going to dig in.” Nilapat ko ang paningin sa labas. Nawala na ang interest ko, ang paghanga ko sa kalakhang nakikita ko. Ngitngit sa dibdib ko ang naging bunga ng marahas kong pagtatama sa sinabi niya. “Hinalikan mo rin siya… sa pag-aakalang ako ay siya.” My first kiss was him. But he kissed me because he thought I was Ruby. “What?” Mabigat akong bumuntong hininga. “Wala. Nasaan na si Jewel?” Nilagpasan ko siya at hinanap ang pamangkin sa loob. “May binubulong ka.” Hindi ko pinansin ang pahabol niyang sabi. Pumunta ako sa mga kwarto para ilipat kay Jewel ang atensyon ko. Minsan, kapag nag-uusap kami ni Nick, naiinis lang ako. Tatlong kwarto ang mayroon. Ang isa ay Master bedroom. Doon ko nakita si Jewel na tumatalon sa ibabaw ang malaking kama. Nangiti ako at sandal sa pinto habang pinapanood ko siya. “’Andito ka lang pala,” Napansin ko ang mga gamit sa tabi ng malinis na pader. “Ang ganda rito, Mommy! So pretty!” Nginitian ko siya. Inatupag ko ang pag-aayos ng gamit at lipat ng mga damit sa walk-in closet ng kwartong iyon. May sariling bathroom ang lahat ng kwarto. Nakaayos na ang damit ni Nick sa built-in closet. Bumukas ang ilaw pagbukas ko ng panel. Hindi ganoon karami ang damit niya. Halos pang-opisina lang. Ang pambahay ay nabibilang lang. Kaya may espasyo para sa mga gamit ko naman. Kaunti lang din naman ang akin. Puro bagong bili pa dahil nasa condo pa ni Preston ang maleta ko. Hindi na ako nagbaon ng damit ni Ruby. Baka magalit kung gawin ko. Hindi niya nga alam na sinuot ko ang iba. Kahit sabi ni Tatay na hindi na niya iyon ginagamit. Inayos ko rin ang kay Jewel. Pero sa ibang kwarto. Ang sabi ni Nick, papupuntahin niya rito ang nanny na kinuha ni Mommy Kristina para may katulong ako sa pag-aalaga. Pagsapit ng tanghalian, nagpadeliver lang si Nick. “Tapos ka na ba sa pag-aayos ng gamit niyo ni Jewel?” “Hindi pa. Ilalabas ko ang mga laruan niya sa box. Marami ‘yon. Baka iyon ang gawin ko maghapon dito.” Tumikhim siya. “Bukas mo na gawin. Pagdating ni Digna.” Napatigil ako sa pagsubo ng kutsara. “Bakit?” Si ate Digna ang nanny ni Jewel. “Aalis tayo mamaya.” “Na naman?” He nodded. May pagtataka akong tiningnan. “Pina-ready ko ang yate. Doon tayo pupunta. Pwede rin tayong mag-sail ng ilang araw. Mayroon ka bang gustong pasyalan? Naka-leave ako sa trabaho.” Oh. Naalala ko ang una naming pagkikita. Doon sa yate niya. Napaisip ako sandali. “S-sige. Aayusin ko ang babaunin namin ni Jewel.” He stopped. “Tayo lang.” “Ha? Paano si Jewel? Iiwan natin kay ate Digna?” At kami lang sa yate buong magdamag? Kinabahan na naman ako. “Or ihatid natin kina dad at mom. Hindi naman ako papayag na maiwan lang sina Digna at ang bata habang nasa honeymoon tayo. I’m sure my parents will be delighted to be with her.” Wait? Ano? Honeymoon? Namin! Ilang segundong na-freeze ang lalamunan ko pagkarinig sa sinabi ni Nick. Nagtagal ang titig niya. At kumunot ang noo. Hindi ko inaasahan pero alam kong kasama iyon pagkatapos ng kasal. Honeymoon… sa kanyang yate. Kahit isiping tumakas, hindi ko makakaya kasi nasa gitna kami ng dagat. At natatakot na kinakabahan akong ‘Karapatan’ niya rin iyon bilang asawa ko. Magkakaanak din kaming sarili. Kaya bakit nasusurpresa pa ako? “H-hindi ako pwede.” “Hindi ka pwede saan?” Lumunok ako. Nanginig ang kamay ko pagkuha sa isang baso ng tubig. Sumimsim muna ako bago sumagot. “Umalis. Hindi pwedeng iwan si Jewel sa parents mo. Nakakahiya. Saka… magsisimula na siya sa nursery. Kailangan siyang matutukan sa pag-aaral.” “Pearl, hindi pa siya magka-college. Kaya na nina mommy iyon. Isa o dalawang oras lang ang pasok niya. Hindi ka mas kailangan doon.” Pabagsak kong naibaba ang baso. Napaangat ng tingin sa akin si Jewel. “Ako ang palaging nag-aasikaso sa kanya. Baka… magtantrum siya kapag sina Mommy Kristina ang gagawa. At nakakahiya sa kanila. Ayaw kong magdeposit ng bata samga in-law ko dahil sa… aalis lang tayo.” “Honeymoon between newlyweds are normal! At hindi naman tayo titira sa gitna ng dagat para iwan kina mommy si Jewel. Pagbalik natin, saka mo palitan sa pag-aasikaso sa eskwela. Sanay na rin siya sa kanila.” “E bakit hindi mo ‘to sinabi sa akin? Ngayon lang. Kung kailan busy ako sa pag-aayos ng mga gamit namin sa unit mo.” “Is taking you for our honeymoon not right for you?” “Dapat sinabihan mo ako na aalis pala tayo. Ang dami kong kailangang gawin. Paglilipat ng gamit, pag-aayos sa kusina, asikaso sa anak mo sa eskwela. Ini-organize ko pa ang sarili sa bagong buhay ko. Tapos… biglabigla mo akong aayain mag-yate? Ni hindi mo ako hinayaang maghanda muna.” “Anong ihahanda mo bago tayo mag-honeymoon? Di ba normal ‘yon kapag bagong kasal? Nag-leave nga ako sa trabaho. Magkakasama tayo 24/7 ng isang linggo pagkatapos ng kasal natin, kaya anong paghahandaan mo? Dapat alam mo na ‘yon! At si Jewel palaging welcome sa mansyon.” “You didn’t let me contribute to our wedding! I didn’t even know what you prepared to all of this!” “I did let you know. I asked you. I asked you what you want! I asked you because I wanted your words for the wedding! Tinanong din kita!” “Hindi! You manipulated everything! You didn’t even want to marryme in the Church.” Mabagsik niyang binitawan ang mga kubyertos at binagsak ang likod sa sandalan ng upuan. “Dahil d’yan ba? Kaya malamig ka sa kasal? At hirap na hirap ngumiti. Pati halik ko, pinadidirihan mo.” “Wala akong sinabing ganyan.” “O di sige! Magseset ako ng kasal sa simbahan. Lahat na pwede mong imbitahan. Mamili ka sa kahitsaang simbahan at magpapakasal tayo ulit!” Nag-init ang magkabilang dulo ngmata ko. At nang manubig angmata ko, hindi ko iyon pinagkaila sakanya. “Hindi ganyan ang ibigkong sabihin, Nick,” He stood up. Nagmarka angtunog ng paa ng upuan sa pandinig ko. “I am just asking you to spend our f*****g honeymoon in my yacht pero ang dami mo agad dahilan para hindi sumama! Dapat dineretso mo na lang na ayaw mo. Na hindi mo talaga tanggap ang pagpapakasal sa akin!” I looked up at him. “Sa umpisa pa lang mali na. Hindi modapat sinusumbat dahil ikaw ang nagsimula nito.” Tinitigan niya ako nang matagal pa sa limang segundo. Namumula sa galit angmukha. Ang mata ay matalim. Ang labi ay mariing nakalapat. Umiwas ako ng tingin. Kumawala ang luha ko, agad ko iyong pinaalis. Umalis siya pagkatapos ng ilang sandali niyang pagtayo roon. Hindi ko alam kungsaan nagpunta. Hindi niya dala ng cellphone niya dahil nakita ko sa sofa. Pagdating nghapon, humupa narin ang galit ko. Saan siya nagpunta? Tinapos ko ang ginagawa kasama si Jewel. Nagsisisi ako dahil nag-away kami sa harap niya. Kaya sa susunod na hindi ko magugustuhan ang pag-uusap namin ni Nick, sisiguruduhin kongwala si Jewel. Hindi makakabuti sakanya ang ganoon. O kaya umalis din si Nick dahil dito. Wala pa rin siya nang magsimula akong magluto ng kakainin namin para sa hapunan. Loaded angpantry. Puno ang double door refrigerator ng pagkain. Nagluto ako ng fried chicken at soup. Instant soup pa iyon kaya madali akong natapos. Iyong prutas na naroon ay saging. He went back at exactly eight PM. Hinalikan niya sa buhok ang anak na nakaupo na mesa. At nilagpasan ako. Narinig ko ang tunog ng shower sa banyo. Bago pa niya ako makita, lumabas agad ako ng master bedroom. Sumabay siya sa amin sahapunan. Kinain nang walang reklamo ang niluto ko. Hindi pa ako satisfied sa niluto. Pero bubusisiin ko angmga nasa pantry at refrigerator bukas. Maglilista ako ngmenu na pwedeng lutuin doon. “Goodnight, baby. Sweetdreams.” “Goodnight, daddy Nick!” Nakatayo ako salabas ngkwarto ni Jewel. Nick put her to bed. He read one of her fairytale books until she was sleepy. Naglilinis ako sa kusina no’ng basahan niya ang anak. Hinayaan ko muna silang dalawa. His presence together with me is a bit thick and… awkward after the fight. Iniwasan ko ring makita niya ako roonkaya pumasok ako sakwarto. Gumamit ako ng banyo. Nagpalit ng pantulog na regalong natanggap ko kay Ruth de Silva. Spaghetti strap silk top at maikling shorts. Kumportable pero… ang nipis. Kayalang ay kaunti ang damit ko kaya sinuot ko. Sayangnaman. Gift pa ito ni Ruth. Lumabas akong patay na ang ilaw perobukas ang lamp. Nakahiga si Nick sa kama. Magkasama kami pero parang hindi. Magkatabi pero parang hindi. Dahan-dahan kong inangat ang comforter at pumasok sa loob nang halos hindi siya nagagalaw. Nakatalikod ito. At mukhang patulog na. I sighed. I stared at the ceiling. I contemplated my life from the very first time after marrying him. Mali ba ang ginawa ko kaya nagalit siya? At bakit niya isusumbat kung sa tingin niya ay malamig ako nang pakasalan ko siya? Like a flashback, I remember his face when we were at the Peyton. I remember his face when we were at his cousin’s mansion. I remember it clearly in my mind. Lumingon ako sa malapad niyang likod. His breathing is normal. Nakatulugan na niya ang galit sa akin? O nakatalikod siya kasi hindi kami natuloy ng alis? Wala na siyang binanggit tungkol sa honeymoon sa yate. Umuwi siyang hindi ako kinikibo. Saan kaya siya nagpalipas ng galit? Tumagilid ako ng higa. Patalikod sakanya. At napapagitnaan ng malaking espasyo. Hindi ako agad nakatulog. Dilat na dilat pa ako nang maramdaman ko ang pagdantay ngbraso niya sa baywang ko. Niyuko ko. Dumikit ang katawan niya sa likod ko hanggang sa mayakap na niya ako nang husto. At maramdaman ang init ng kanyang hininga sa buhok ko. “I’m sorry for shouting. I didn’t mean it…” Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko siya nilingon. Kahit bahagya pa niyang sinisiksin ang sarili sa likuran ko. Kaunti na lang, mahuhulog na ako sa kama. Pero ang malaking higaan, hinayaan niyang maluwag dahilsa pagdikit sa akinna para kaming iisang katawan. “Saan ka galing kanina?” I said with the same tone as him. Naramdaman ko angpaglibing niya ng mukha sa buhok ko. At halos maramdaman ang labi niya sa anit. “Nasa poolside lang ako. I didn’t leave the area. I can’t.” Hindi ko na iyon dinugtungan. Iniwan ko na ang pinag-awayan namin sa gabing iyon at pansamantalang kinalimutan hanggang makatulog sa mga bisig ni Nick de Silva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD