Chapter 24

4144 Words
“Ipag-pray nyo rin ang mga hari at lahat ng nasa mataas na posisyon, para mabuhay tayo nang tahimik at payapa, may takot sa Diyos at marangal sa lahat ng bagay. Mabuting gawin ito at natutuwa ang Diyos na Tagapagligtas natin.” – Timothy 2:2-3 -- Chapter 24 Pearl Bago ko pa idilat ang mga mata, naramdaman ko na. Hindi na nakayakap sa likuran ko si Nick. Pero nasa kama pa rin kami. Wala pa akong naaaninag na liwanag kaya ang hula ko ay madaling araw pa lang. Nakahilig ako… sa matigas niyang dibdib. Parang babaeng nakatulog pagkatapos umiyak at nakasandig sa dibdib ng taong ito. Ang isang braso niya ay nasa ilalim ko. Winelcome ako ng kanyang balikat para higaan. At ang isang palad ko ay malayang nakadantay sa ibabaw ng kanyang dibdib. I smelled him. I smelled his natural manly scent and a bit of his soap. Mahinahon ang t***k ng kanyang puso. At umaalon ang ulo nang bahagya kada hininga niya. I was never been in this position before. I wan never been married albeit there was one person who’s always there for me. And was so willing to wait for me. Naalala ko si Mark. And a pinch of conscience arose from my heart. Si Mark. Kumusta na kaya siya? Marahan akong dumilat. Iba ang iniisip ko kapag nasa Cebu. Iba pa rin ang dilemma ko rito sa Maynila. Pero parehong mahahalagang tao ang nakapaligid sa akin. Now, I woke up sleeping beside my husband. Ito yata talaga ang unang araw na naranasan kong gumising na may katabing tao. Lasing siya kahapon at may espasyo kami sa kama. Pero ngayong ikalawang araw ng pagiging De Silva ko, pinaramdam na niya. I woke up with a big man in bed. Being in a strict care for so long, ganito pala. Ganito pala ang payagan ang sariling makipaglapit sa opposite s*x. Ganito pala ang insight nito. Parang ayaw ko nang bumangon. Kung pwedeng patagalin ang gabi, pahahabain ko. Pinagsawa ko ang ilong sa amoy niya. Pati ang pakikinig sa t***k ng puso at paghinga niya. Marahan akong tumingala para lang mas lalong magising dahil nakadilat din pala si Nick at nakatitig sa akin! “Oh?” He tightened his arms around me. “Good morning, hon. How’s your sleep?” His bedroom voice felt so sexy. I didn’t even know that kind of sound is possible! “Good. Ahm… kanina ka pa ba gising?” Hindi ko na dapat tanungin pero… dumulas na lang sa dila ko. “Kagigising ko lang din. Nauna lang nang konti. Pinapanood kitang natutulog kaya siguro nagising ka. Sorry, hon.” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap kasabay ang pag-sorry niya. Dinampian ng halik ang noo ko. Hinanap ang mata ko. “Matulog ka pa. I won’t disturb you…” “Coffee?” “You want that?” Umiling ako. Tinatamad pa akong kumain. Pero kung gusto niya ay igagawa ko siya. “Ikaw ang tinatanong ko. Igagawa kita,” “Later. Let’s go back to sleep.” Mabuti pa nga. Mas gusto ko rin iyon. Pumikit ako ulit at mas naramdaman ko ang init ng katawan ni Nick. I listened to his heartbeat. I smelled him up to my heart’s content. I felt his body like as if we were one. Malalim siyang bumuntong hininga. Kaya dinilat ko ulit ang mata ko. Wala akong ibang nakita kundi ang dibdib niya. Halos hindi ko na maramdaman ulit ang antok. We were like that… no one’s moving for about two minutes or so. Tumingala ako. Gising pa rin si Nick. Mukhang hindi na rin makatulog. “Hindi ka pa ba nagugutom?” bulong ko na parang may iba pang magigising sa kwarto namin. He sighed again. “Nope. I just want us here.” Sinalubong niya ang paningin ko. Hindi ko inalis ang titig sa mukha niya. Hindi ito ang unang beses na makita kong malapitan ang kabuuan ng mukha ni Nick. Pero ito ang unang beses na mas matagal at hindi ako nangangatog kapag malapit kami sa isa’t isa. Dahil ba bagong gising kaya malakas ang loob ko? O dahil kumportable naman ako sa ganitong posisyon sa mga braso niya? Kung ano man do’n, alam kong may iisang sagot. Unti-unting bumaba ang labi niya sa akin. Nanatili akong parang naghihintay hanggang sa tuluyang lumapat ang halik sa labi ko. Mariin. Hindi gumagalaw. Nanantya at parang nahihiya ang unang gapos ng halik ni Nick. Pagkatapos ng ilang segundo, inatras niya ang ulo. Tiningnan ako. Hindi nagbago ang anggulo ng ulo ko. Na-mesmerize sa halik niya. Nagtitigan kaming dalawa. Sa gitna ng dilim. At walang nagtangkang magsalita isa man sa amin. Nilapitan niya ulit ang labi ko… at inulit ang paghalik. Mas mariin. At parang biglang nagmadali sa paghagod ang labi niya. Napapikit ako kasabay nang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ang katawan ko, parang binuhusan ng kumukulong tubig. Nagising ang kalamnan at balat sa pagdapo ng mainit na labi ni Nick. Nilagay niya ang kamay sa panga ko. Bahagyang tinaas ang mukha ko para mas lalong lumalim ang kanyang naaabot. At hindi nagtagal, kumalat na ang nagbabagang apoy sa mukha ko at buong katawan. His breathing sped up. I felt his tongue grazing on my lips and sliding inside my mouth. Dahil doon, napahawak ako sa balikat niya at kumapit. Kinabahan ako. Natatakot sa kung anong kakaibang naramdaman sa pagrahas ng labi ni Nick. Tinaas niya ang isang binti ko. Pinatong sa kanya. Ang isang kamay ay gumapang mula sa tuhod pataas sa binti… at halos lumagpas sa hem ng suot kong silk shorts. Ilang beses nagtaas-baba ang kamay. At may isa o dalawang beses niyang pinasok sa shorts ko. At umabot sa mismong gilid ng underwear ko. I was literally panicking while kissing him. Pumapailanlang ang tunog ng mga labi namin. Ang mabibigat na paghinga. At daing… daing na mas lalong nakadagdag sa init na nararamdaman ko. Nick became aggressive. He felt so thirsty. Hungry. Or deprive of having this kind of intimacy. Nang magsawa siya sa pagdama sa hita ko, lumipat ang kamay niya sa pangtaas ko. Pinaloob sa likurang parte ng damit. Doon ay mas malapat ang kanyang nadadama. Wala akong suot na bra. Kaya umamba kong lalayo sana pero… “No, Pearl. Dito ka lang… dito ka ang sa akin.” mainit at nagmamadali niyang bulong. Sandaling nakawala ang labi ko kaya doon ako huminga. Mabilis ang paghinga ko. At kahit malamig ang aircon, pinagpapawisan na ako. Tinihaya ako ni Nick. Hindi niya inaalis ang comforter sa ibabaw namin. Kalahati ng katawan niya ay dinagan sa akin. I tilted my head when he attacked my neck with his fiery kisses. Hinalikan niya ang magkabila kong leeg. Pinansin ang lalamunan ko at bumaba pa malapit sa dibdib ko. “Nick…” Tinatawag ko siya dahil talagang may kaba akong nararamdaman. Nababaliw ako sa mga halik niya, sa dampi at laro ng labi niya pero… kakambal nito ang kaba. Takot. Para akong masisiraan ng bait. At kailangan ko siyang patigilin sa ginagawang nitong kakaibang damdamin sa akin! “Nick…” Saka niya nilayuan ang taas ng dibdib ko. Hindi pa niya naibaba ang blouse ko nang tugunin niya ang tawag ko. “Are you alright?” nag-aalala niyang tono. Umiling ako. “No… I…” He licked his lips and nodded. Inatake niya ulit ang labi ko. “It’s alright, honey. I’m here. Hindi kita iiwan…” Parang gusto kong umiyak sa boses niya at sa sinabi niya. Pero gusto ko rin siyang yakapin. At maramdamang hindi nga siya aalis sa tabi ko. Parang guguluhin ng mundo ang isip ko kapag nawala siya. Kapag iniwan niya akong ganito. He resumed his kisses on my neck. Binuka ko ang labi ko. Para akong masusunog sa init. Ano ba ito? Bakit ganito ang pinapadama niya sa akin? Habang panay ang halik at… kagat niya sa leeg ko, pinisil niya ang dibdib ko. Minasahe. Pinisil nang marahan. Dinama niya ang pribadong parte ko. Pwede pala iyon. O sadyang ganito ang pag-share ng sarili sa taong pinakasalan mo. Maamo siya. At hinahanap ang mayroon sa katawan ko. Parang nagugutom, nauuhaw. Hinahanap ako ng katawan niya. But it feels so… so sensual. And I think… this is the start of my own sensuality with my husband. Natakot, kinabahan at natuliro ako noon sa sarili nang pag-usapan namin ng kaibigan kong si Pam ang tungkol sa s*x. Kahit parehong walang karanasan, mas may alam ito roon at kinukwento niya sa akin. “Masakit daw sa umpisa. Pero sabi nu’ng 4th year…” pinakita niya sa akin ang hinliliit na daliri. “Kapag ganito raw ang size nu’ng ‘ano’ ng lalaki, parang hindi mo raw ‘yon mararamdaman.” Tinitigan ko ang hinliliit niya. Tinuro ko. “Ano ‘yan? Palakihan ng hinliliit para… ehh! Ano ba ‘yan. Pam! Ang panget ng topic natin!” Pumihit ito ng tawa. Pero tinaas pa ulit ang daliri niya. “Tawang-tawa nga ako sa kwento niya. With matching example pa. Tingnan mo, Pearl.” “Ewan ko sa ‘yo!” sabay irap ko sa kanya. Nakakatawang topic iyon noon sa amin ni Pam. Hindi ko sineryoso. At bakit naman? Nag-aaral pa kami. At sa higpit nina Tiyang Adora, halos wala akong knowledge about s*x. I opened my eyes and held my husband’s arms. “Nick n-natatakot ako.” Huminto siya at dinungaw ako. Hinihingal na pero pilit nitong pinopokus ang atensyon sa mukha ko. He saw it. He felt it. His lips parted like as if he received a shocking news. Pareho kaming natigilan. Nagtitigan. Siya ang unang nagbaba ng paningin. Bumuntong hininga at nilibing ang ulo sa leeg ko. Kalahati pa rin ang katawan niya ang pirmeng nakadagan sa ibabaw ko. He took my hand and kissed it. “Did I shock you, mm?” I sighed. Umiling ako. “I’m sorry, hon. Masyado akong naging agresibo sa ‘yo. Nakalimutan kong…” Umiling ako ulit. Nahihiya akong marinig ang gusto niyang sabihin. “Natatakot lang ako. Iyong… nararamdaman ko. Kapag… hinahalikan mo ‘ko… p-para akong sinasilaban. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi na ako mapakali. Nakakatakot ang nararamdaman ko, Nick. Naiintindihan mo ba?” “Sa ganito?” Isang beses niyang hinalikan ang labi ko. “Natatakot ka ba?” halong pabulong niyang tanong. “Hindi…” “E kapag ganito?” Hinalikan niya ako ulit pero tinagalan niya ang lapat. Umiling ako. “Ganyan ang kiss mo no’ng buyuin tayo ni Dylan sa reception.” “Don’t mention his name. What about this?” Nakabukas na ang labi niya at ang labi ko. Bahagyang niyang sinipsip ang akin at ini-slide ang dila. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kabog sa dibdib. Nagkatinginan kami. Tumango ako. He sighed. “You’re afraid to make love with me. Hindi pa tayo nangangalahati… tinulak mo na ako.” Sumimangot ako. “Hindi naman kita tinulak. Tinawag kita,” Ngumisi siya. “Pareho na rin iyon. Gusto mo ‘kong huminto, ‘di ba? Kasi natatakot ka na sa pwedeng mangyari. Kapag tuluyang na kitang naangkin.” Sumabog ang init ng mukha ko sa salitang ginamit niya. Pero tinitigan pa niya ako. Kaya umiwas ako ng tingin. “Nahihiya ka rin?” Umiling ako. Pero ang totoo ay oo. Hinawakan niya ang panga ko para iharap sa kanya ang mukha ko. “Ano ang gusto mong gawin ko para mawala ang takot mo?” “Hindi ko alam. Wala namang gamot sa… panic.” “Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko sa ‘yo? What if, baguhin ko? Babagalan ko na.” Kinagat ko ang labi ko. Saka ko naramdamang namanhid dahil sa kanya. “Hindi ko alam, Nick. Ewan ko.” Tinitigan niya ako. At tapos ay humugot ng hangin. “Paanong ewan mo. Sabihin mo sa akin… aayusin natin, mmm? Please tell me, Pearl. I want to know. I want to have you. Really have you, honey. I want you so bad.” Binuka ko ang labi para magsalita. Pero walang ni isa ang lumabas. Tiningnan ko siya. Maamo ang mukha niya. Nagmamakaawa. Naghihintay ang sagot na hindi ko kayang sagutin. “Halik na lang muna…” sambit ko. He tilted his head. He is watching me so close. “Tapos?” Nagkibit ako ng balikat. “You don’t want to… make love?” his husky voice even brought butterflies in my stomach. Binalik ko ang paningin kay Nick. Para akong malulungkot sa matang nakita ko sa kanya. Binasa ko ang labi. At bumaba roon ang mata niya. “I-I… don’t know…” mahina kong sambit dito. Mabigat siyang bumuntong hininga. Nag-isip na parang may mabigat na problema. “Alright. I’m okay with just kissing but,” Tumitig ako sa mukha niya. “I won’t settle for just kissing forever. I want you. I want us together. No clothes. No hindrances. No buts. I want you all mine. But if you’re not ready today or tomorrow, I’ll wait.” mataman niyang titig. “Anong gagawin mo habang naghihintay?” “Araw-araw kitang hahalikan hanggang sa masanay ka. At hanggang sa magsawa ka. At hanggang sa hilingin mo sa aking gusto mo ng higit pa sa halik ko. Dahil hindi ako titigil, Pearl… nang hindi ka nagiging akin.” Tumitig kami sa isa’t isa ng ilang segundo. Para siyang nang-aakit. At dahan-dahan niyang binaba ang mukha para ipagpatuloy ang naudlot kanina. Pero tulad ng usapan namin, hinalikan niya lang ako. Matagal sa labi. Minsan ay bumaba sa leeg ko at nagtatagal sa lalamunan. Dinama at hinawakan niya pa rin ang magkabila kong dibdib pero hindi pinasok sa loob ng damit. Nakontento siya sa gusto ko lang gawin namin. At habang tumatagal… ang paghihinang ng mga labi, nagamay ko ang paraan ng halik niya. Ginaya ko. Para akong tinuruan at mabilis matuto. I kissed him back. Not as fierce as him, but with all of my strength. Naroong napagod din ang labi ko. Pero siya ang sumasalo kapag nanghihina na ako. At hindi magtatagal, para akong ginasolinahan at hahalikan ko siya ulit. Ganoon ang ginawa namin hanggang sa mamanaag ang araw. Unti-unti suminag ang liwanag sa malaking bintana. But he didn’t stop from kissing me. Nagpapahinga kapag bumababa sa leeg ko tapos ay aakyat ulit sa labi ko. We spent the dawn to morning just kissing. A very different kind of it. Bumagasak ang strap ng pang-itaas ko. Sinundan niya iyon at hinalikan ang balikat ko. Paggapang ng kamay ko sa ulo niya, umungol siya. Umawang ang labi ko. Napapikit ako sa daing. “Mommy! Daddy!” Nagising ako na parang kidlat sa matining na boses ni Jewel. Bumukas ang pinto at nagtatakbo ito sa loob. Mabilis kong tinulak si Nick. Tumayo ako agad kahit tinataas ko pa lang ang strap ng damit ko. “Oh s**t!” he whispered. Sinalubong ko agad si Jewel para hindi na umabot sa kama. Kinuha ko ang kamay at niyaya na sa kusina. “Gutom ka na? Anong gusto mo, baby?” Kumakalabog ang dibdib ko. Muntikan na kaming makita! Umabot ako sa kusina nang hindi alam kung anong itsura ko. Kung mukha ba akong bruha, namatanda o ano. Aware akong walang bra. Kaya inayos ko lang ang silk top ko. Binuksan ko ang cabinet para maghanap ng makakain ni Jewel. Puro del ata ang bumungad. Sunud-sunod kong binuksan ang iba pang cabinet na parang walang dereksyon ang buhay ko hanggang sa makita ko ang Kellogg’s cereal box. “Ano po ‘yan, mommy?” Binaba ko sa tiled counter. Sinuklay ko ang buhok ko. “Cereal, baby. Gusto mo ba?” Ngumuso si Jewel. “I want pancake!” Natawa ako. “Okay. Let’s look for Jewel’s pancake!” Sa pagsasalita ko, nadadama ko pa rin ang init at hagod ng labi ni Nick sa labi ko. Sa katawan ko. Naaamoy ko pa rin siya sa balat ko. At kahit anong bura ko o iwas ng isipan sa ibang bagay, bumabalik pa rin ako sa kanya. Nakapaligo na siya nang lumabas para mag-almusal. Pinuntahan niya ako sa kusina para panoorin sa pagluluto. Sinubukan ko siyang paalisin. Nasa sala lang si Jewel. Sa lagkit ng tingin ni Nick, feeling ko itutuloy niya rito ang naiwan sa kwarto. But he didn’t. Pinanood niya lang ako habang nagluluto. That morning we spent our time eating, talking and watching television. Hindi na rin niya pinatuloy pang pumunta si ate Digna dito sa Proscenium. Next week na lang daw. “Hindi naman tayo aalis. Edi tayo na lang muna ang mag-alaga kay Jewel.” Sumulyap ako sa TV. Nasa gitna namin si Jewel. Cartoon ang palabas kaya siya lang ang mas nag-e-enjoy sa panonood. Naisip ko ‘yung yate trip niya. Hindi na siya galit? “Hindi na masama ang loob mong hindi tayo nag-yate?” Kumunot ang noo niya. “Hindi na. Magkasama pa rin naman tayo rito. Okay na ako.” Mukhang nabawasan na nga ang galit niya. Ibang iba ang awra niya ngayon kaysa kahapon. Napangiti ako. “Bakit ka nakangiti?” Napawi ang ngiti ko. Tumikhim ako. Nahuli naman niya! “Wala. Hindi na mainit ang ulo mo?” He sighed. “Hindi na. Pero labas na lang tayo,” “Ha? Saan pupunta?” Nagkibit balikat siya. Hindi niya alam kung saan kaming tatlo pupunta. Pero nagpareserve siya ng table sa isang restaurant. Kumain kami sa labas. At pinasyal namin si Jewel. Katulad sa pinuntahan naming kid’s play station. Kung saan may slides, pool of colorful balls at kung anu-anu pang mapaglalaruan ng mga bata. Kaming dalawa ni Nick ang pumasok na guardian. Pero kailangan pa niyang kausapin ang bantay para mapakasok din siya. Salitan kami sa paghahabol kay Jewel. Lalo na sa tuwing umaakyat ito sa tunnel at tapos mag-i-slide. At natatawa ako kada sunod ni Nick sa malikot niyang anak. Kinuha ko ang cellphone. Palihim ko silang kinunan ng litrato at video. After an hour of playing, hinila ni Jewel si Nick na maglaro ng basketball. Pinabili niya ng token at nagtatakbo na roon. I sighed. “Ano, kaya pa?” Namaywang siya at tumango. “Wala akong inaatrasan.” Tumawa ako. Hinawakan niya ang kamay ko. At sabay naming pinuntahan si Jewel na nakapaghulog na ng token sa basketball. Namangha ako sa sunud-sunod na pag-shoot ni Nick sa bola. Si Jewel nga, napapalakpak pa at tili. “Ang galing ni daddy! Yey!” Nick looked at me and… winked! “Ang yabang!” Pero pinakitaan niya kami ng skills niya. At iyon. Lahat ng bola walang mintis. “Ikaw naman,” Hinila niya ako. “Ay ayoko.” “Sus. Walang manlalait sa ‘yo rito.” Tumingin tingin sa paligid. “Tatapalan ko ang bibig kapag nilait ka.” “Go, Mommy!” Inirapan ko si Nick. Kumuha ako ng bola at hinagis sa basket. “Sablay.” “Yabang mo, ah,” Nginisihan niya lang ako. “Isa pa.” Sa pangawalang hagis ko, sablay ulit. Sa pangatlo, muntikan na. Sa pang-apat, pumwesto si Nick sa likod ko at tinuruan ako sa tamang posisyon. Hawak niya ang likod ng kamay ko habang ang bola ay hawak ko naman. “’Wag kang hagis lang nang hagis. Ganito dapat ang posisyon mo,” “Nasa Arcade lang tayo. Bakit parang totoong court na ‘to?” Nasa tabi ng mukha ko ang mukha niya. Matangkad si Nick. Pero yumuko siya para tingnan ako sa gilid. “Tinutulungan kitang maka-score, Mrs. de Silva. Kasi kahit si Jewel, kayang-kayang laruin ito.” “Tse!” siniko ko sa tiyan. Umaray siya pero parang hindi totoong nasaktan. “Bakit ang ganda mo pa rin kahit masungit?” “Ewan ko sa ‘yo.” Hinagis ko ang bola pagkabulong sa sinabi ko. At namilog ang mga mata ko nang pumasok ang bola sa ring. Tinuro ko sa kanya. “Nakita mo? Naka-shoot ako! Naka-shoot ako!” Sa tuwa ko, nagtatalon ako. Pati si Jewel. Pero hinawakan ako ni Nick sa baywang at pinirmi. Dinikit niya ang labi sa tainga ko. At bumulong: “Mas maganda ka kapag masaya. Pero nakakaselos kapag may tumitinging iba.” Natigilan ako. Luminga ako sa paligid. Tumaas ang kilay ko nang mapansing may grupo ng mga lalaki ang nakatingin pala sa amin. “See? They are staring at my wife. I might punch them if they won’t stop- “Tumigil ka. Tara na nga.” Hinila ko sina Nick at Jewel paalis ng arcade. Hindi ko malaman kung maiinis o wala lang. Pero wala roon ang naramdaman ko. Hindi ko gustong mapapaaway siya dahil sa selos. Ayokong nadadala siya ng pakiramdam lang at walang lohikong dahilan. Saka baka masira ang pangalan niya kapag nalagay ito sa social media. He is still the President and CEO of a TV Network. Sa ganyang trabaho, lapitin siya ng mga balita. Maybe… it is one of my job as his wife. To protect him. His name. But most especially, him. Sa loob pa rin ng Mall ay may nadaanan kaming self-photoshoot studio. Hinila kami roon ni Nick nang walang aya-aya at nag-inquire. “Anong package po, Sir?” tanong ng babaeng staff. Na medyo nagtatagal ang mata sa kanya. “’Yung pang-family.” Namangha ang babae. Sabay baling sa akin. ‘Wag mong sabihing hindi mo ako napansin dito? Kumunot ang noo ko. “Ah. Hehe. Okay po, Sir. Bale, 850 pesos po. May twenty minutes po kayong time na magphotoshoot. With Unlimited backdrop na po iyon at unlimited softcopies. Pwede niyo rin pong gamitin ang mga props namin sa loob. Kayo na po ang bahala. Tatawagin na lang po kayo after niyong ma-consume ang oras. Tara na po rito, Sir, Ma’am…” Ilang hakbang lang ang mismong studio. Naka-set up ang tripod, nakapahalang na TV screen kung saan makikita ang image mo sa camera at sa isang estante ay naroon ang iba’t ibang props na pwede naming gamitin. May sombrero, bulaklak, salamin. Mayroon ding numero na lobo. At mga upuan. Tinuro rin kay Nick ang device na pipindutin kapag kukuha na ng litrato. “Just wait for 5 seconds interval Sir kada click nito. Para sure pong gumana ang camera natin. I-set ko lang po ang alarm. Then, you can start the photoshoot. Enjoy po kayo!” “Alright. Thank you, Miss.” Pinapili ako ng backdrop ni Nick. Kulay gray ang pinababa ko. Tumayo kami sa gitna ng camera. Nagkahiyaan pa kami ni Jewel pagkakita ng mga sarili namin sa TV. At iyong ganoong itsura namin, pinindot ni Nick ang shutter at nagulat kami sa ilaw. “Nick!” saway ko. He chuckled. “Ipapaprint ko ‘yon.” Sumimangot ako. Kinuha niya ang mataas na upuan. Binuhat niya roon si Jewel. At kaming dalawa sa likod ng bata. Hinapit niya ako sa baywang para mas madikit. At napapanood ko sa TV screen ang mga dikitan naming dalawa. “Look at the camera, Pearl.” “Ha? Ow, okay. Sorry.” Sumabog ang ilaw. Sa sumunod na litrato, hinapit pa niya ako lalo. Halos bumagsak na ako sa dibdib niya. Kinunan niya iyon ng litrato. “Ibang pose naman,” untag ko sa kanya. Binuhat niya si Jewel at ako naman ang pinaupo niya. Sa sumunod, inalis niya ang upuan. Buhat niya si Jewel. Pareho kaming nakakiss sa magkabilang pisngi ng anak niya. Pagkatapos ng maraming shoot, bumaba si Jewel para kumuha ng kung anong props sa estante. Hinila ako ni Nick. Parang nanadyang wala si Jewel. Hinapit niya ako sa baywang. Napatingala ako sa kanya. At lumipat ang kamay niya sa tiyan ko. He looked down at me. “Smile,” Humarap ako sa camera. Dinikit niya ang mukha sa buhok ko. Lumalakas ang t***k ng puso ko habang nakikita ang mga sarili namin sa TV screen. Ang possessive ng hawak niya. Kitang kita rin doon ang agwat ng height namin. I leaned on his chest a bit. At dalawang braso na niya ang nakayapos sa baywang ko. Binaba ko ang mga kamay at pinatong sa braso niyang nakaharang sa tiyan ko. Ngumiti ako. Para mag-pose. Pinindot niya ang camera. The photo reminds me of our wedding. Ang pagkakaiba, nakasandig ako sa kanya. At mas nakayakap siya. Walang ilangan. Walang pwersahan. Nakunan niya kami ng litratong… mas panatag ang loob. “Jewel come here,” tawag niya. Sa mga sumunod na litrato ay kaming tatlo na ulit. Pero kapag kumukuha ng props at nagpapalit si Jewel… hinihila ako ni Nick para kaming dalawa ang mapikturan. May isang pose kami na magkaharap. Pinatong ko ang mga kamay sa balikat niya. At kamay niya sa baywang ko. Nagtinginan kami sa isa’t isa. At bago ko pa makita ang imahe namin sa TV screen… na-click na niya ang camera. Pero… hindi pa rin niya inaalis ang titig sa mukha ko. “You are… my De Silva, Pearl.” Bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD