“Mabuti ang lahat na ginawa ng Diyos, at walang dapat i-reject, basta tinanggap na yun nang may pasasalamat. Kasi nilinis na yun ng salita ng Diyos at ng prayer.” – Timothy 4:4-5
--
Chapter 26
Pearl
Marami-rami na ang tao sa basketball court ng barangay pagkarating namin. Talagang pinaghandaan ni Mariposa ang birthday niya. Minsanan lang naman daw kaya tinodo na niya… ang laman ng wallet niya.
“Ibaba ko ang mga ito sa mesa.”
Tukoy ni Nick sa dala naming cake at ice cream. Hala. Baka matunaw ang ice cream kung ipapatong lang. Mayroong nakahandang long table na pinaglalagyanan ng mga handa. Ang sabi iuuwi ng kapatid ni Mariposa ang ice cream sa bahay. Pero hindi ko kilala kaya naghanap ako ng pwedeng sabihan.
Tinext ko na siya na narito na kami. Para mapakuha na niya.
“Mm, ‘yung cake sige. Pero hahanapin ko muna ang pwedeng mag-uwi sa bahay nila ang ice cream para malagay sa freezer.”
I was then busy looking for familiar faces. Maraming nakalingon sa amin pagpasok pa lang sa court. But I immediately saw Yandrei after she waved on us. Tumayo ito para salabungin ang nagtatakbo kong pamangkin.
“Be careful, Jewel.”
Hinila ako ni Nick papunta sa mesa pero bumagal ang lakad ko nang mapansing nakaupo sa tabi ng upuan ni Yandrei si Hector.
Pero nakasambakol ang mukha at tila bored.
“You’re here, Hector?”
Parang natatawang sabi ni Nick.
“Obviously.” Hector lifelessly answered.
Mas lalong ngumisi si Nick. Yandrei giggled. Binuhat nito si Jewel at kiniss sa pisngi. Binaba naman ni Nick ang dala sa malinis na mesa.
“Anong nakain mo at napadpad ka rito? Inimbitahan ka rin ni Mariposa?”
Hector nodded. Umawang ang labi ko. Totoo? Paano? Close na sila ni Mariposa?
Nilingon ko si Yandrei. Lumapit siya sa akin at bumulong.
“Binigay ko kay Mariposa number niya. Kaya tinawagan siya para pumunta.”
“At sabay kayong dumating?”
Ngumuso siya. Tila naglaro sa isipan ang tanong ko at halos mangiti sa tuwa o… kilig ba ito.
“May lagnat ang driver/bodyguard ko kaya ang suggestion ko kay Dad ay tawagan si Hector. Then boom! Sinundo niya ako sa mansyon. Pinagbilin ako sa kanya ni Dad kaya magkasama kami ngayon. O, ‘di ba tinadhana lang ang peg?”
Pinanliitan ko ng mga mata. “Pinalano mo ‘to?”
“Huy hindi, ah! Nagkasakit talaga si Kuya Dodong kaya hindi makakapagdrive at bantay. Alangan namang winish ko pa ‘yon. Susko. May puso pa ako, ‘no!”
Sasagutin ko sana pero lumapit sa amin ang nagpakilalang kapatid ni Mariposa. Kinuha ang ice cream. Tinawagan daw siya nito para hanapin ako at madala sa bahay ang dala namin. Nasa bahay pa raw si Mariposa at inaayusan pa pero patapos na rin daw.
“Thanks.”
“Maupo po muna kayo, ate. Maya-maya lang nandito na si Kuya.”
“Sige. Salamat ulit.”
Umalis din ito pagkakuha. Iyong cake ay dinisplay sa buffet table. Mayroon pang isang cake roon at nakabantay ang ilang ginang na sa tingin ko ay kaanak nila. Mukhang hindi pa nagsisimula ang kainan. Tama lang ang dating namin. Nagkukwentuhan pa ang iba. Pinagkakaguluhan ng mga bata at matatanda ang malaking lechon. Balot pa ito ng foil kaya hindi nakukurot. Saka may bantay kaya hindi rin makakakurot ang kahit sino.
Mabini akong hinila ni Nick sa siko para igiya sa kulay puting monoblock chair. Nilingon ko ang ibang bisita. Ang iba ay pamilyar ang mukha. Mga kapitbahay namin na puro nakatanaw sa amin. Na para bang kami ang star ng handaan o celebrity na hindi nila malapitan.
Hindi ako makangiting maayos dahil hindi ko sila mga kilala sa pangalan. Ni hindi kabatian.
Ang sabi ni Tatay ay may ilang kuryoso at nagtanong kung sino ba talaga ako. Si Ruby ba na nagbagong buhay o Ruby na nagka-amnesia. Mga nakakatawang haka-haka ang mga narinig niya.
Pagkatapos ng kasal ko, hindi na nilihim ni Tatay ang tunay na ako. Nawala kasi si Jewel sa bahay kaya ang mga kalaro nito ay napatanong. Nasama na ako sa kwentuhan hanggang sa kumalat na ako ay kakambal talaga ni Ruby.
Kung tutuusin, hindi na kailangang magpaliwanag si Tatay sa kanila. Hindi naman daw siya nagpaliwanag. Sinabi niya lang sa maiksing salita ang katotohanan. Walang kailangang patunayan sa madla dahil wala silang kinalaman sa buhay namin. Sapat nang malaman nila na ang tunay kong pangalan ay Pearl. At anak din niya ako.
At siguro dala ng kuryosidad, nakatitig sila sa akin. Iyong ibang mukha may mangha. Iyong iba pagtataka. At iyong iba halos walang pakielam. Pero ang pinakapinagkakainterisan nila ay ang mga kasama ko sa mesa. Most especially the man beside me. Mayroon din kay Yandrei. Sa puti niyang ito. Maputi rin naman ako pero parang mas nakakasilaw ang kaputian niya. Agaw-pansin. Lalo na katabi niya si Hector. Kitang-kita ang contrast ng dalawa.
Umupo sa tabi ko si Nick. Inakbayan ang sandalan ng monoblock chair ko. Kaming lima pa lang ang nakapwesto sa mesang ito. Pero iyong ibang table halos nagsisisiksikan sa dami.
Nag-uusap sina Nick at Hector. Kahit papaano nabawasan na ang simangot na mukha ng huli.
Ilang sandali pa, naglagay na ng sound. Naexcite ang mga tao. May mga batang napasayaw sa kilala tugtog. Meron ding videoke machine. Wantusawa raw mamaya kung sinong may gustong kumanta. Sulitin daw ang arkila rito at pati sa court.
“Pearl!”
Boses ni Tatay!
Napatayo ako agad. Pati si Nick na medyo nagulat sa pagtayo ko ay napatayo rin.
Sinugod ko ng yakap si Tatay Vic. Niyakap niya akong mahigpit. Kadarating lang niya kasama sina Dyosa at Gelay. Pati iba pang mga kasama niya sa pederasyon.
“Si Jewel?”
Tinawag ni Nick ang anak na nalibang sa harap nghanda katabi ang iba pang mga bata. Hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko. Umabrisiete ako kay Tatay na ilang araw ko ring hindi nakita pagkatapos kong lumipat sa condo ng napangasawa.
Tumili si Jewel pagkakita sakanya. I smiled. Niyakap at pinugpog nghalik sa pisngi ni Tatay ang kanyang apo.
“Namiss ko rin ‘tong batang ‘to. Parang kay tagal-tagal agad na hindi ko kayo nakita. Kumusta ang school, apo? Masaya ka ba?”
“Yes po, Tatay! Madami ako new friends do’n!” masayang kinuwento niJewel ang na-experience sa eskwela.
Tinapik ako sa balikat ni Dyosa. Napayakap akong bigla sa kanila na tila taon ang binilang bago kami nagkita-kita ngayon.
“Para kang blooming, ah. Hiyang ka ba sa condo ng asawa mo, Perlas?”
Natawa si Gelay pero totoong tinitigan ako ng malapitan samukha.
“Mas gumanda ka ngayon, Pearl. Anong sikreto?”
“Wala. Kayo talaga. Ilang araw niya lang ako hindi nakita, maynagbago agad?”
Pinatong ni Dyosa angmga kamay sa balikat ko na tila may ituturo sa aking aral. “Eh kasi friend, huling kita namin sa ‘yo ay no’ng hinimatay ka. Maputla ka pa sa labanos nu’ng araw na ‘yon. Pero ngayon… ulalam na yumminers ang feslak mo, oh! Dahil ba ‘yan sa ibang hangin niyo bago mong tirahan?”
Pabiro akong siniko ni Gelay sa tagiliran. Pinapagitnaan nila ako.
“O baka naman sa dilig kaya ka namumukadkad sa ganda, ha? Share mo naman, Pearl.”
Nagsalubong ang kilay. “Wala kaming halamanan doon. Pero magtatry akong magtanim sa paso. May view kami na kita ang green area sa Proscenium pero bukod doon wala na.”
Nagtinginan sila at naghagikgikan. Hindi ko maintindihan kung bakit. Maynakakatawa ba sa sinabi ko?
Nilapitan ni Nick si Tatay Vic. Naging pormal ang Tatay ko pero hindi naman malamig ang pakikitungo. Nagmanong pa nga si Nick. Inimbitahan niya sa mesa namin. Aalog-alog kami roon. Kung kaya niyaya ko na rin doon ang tumatawa pang sina Dyosa at Gelay.
“Nasaan nga pala si Mariposa?”
“Sumasagala papunta rito.”
Nagbigay galang si Yandrei kay Tatay Vic. Tumayo siya. Nagmanong. Tapos ayhinila nito patayo si Hector at inutusang magmanong din. Pigil na pigil ko ang pagtawa dahilsa awkward face ng abogado.
“Anak ng teteng ang gugwapo ng mga kasama ko rito sa mesa!” tiling biro ni Dyosa.
Binato siya ng pamaypay ni Tatay na nasalo niya. “Bunganga mo nga!” sabay takip ng sa tainga ni Jewel.
“Sori-sori!”
I chuckled. Maingay na ngayon ang mesa namin. Lumapit ang ibang bisita na kakilala ni Tatay. May bumati. Titingin sa akin na parang nagpapatulong na makilala. Pinakilala naman ako ni Tatay at pati si Nick na bilang asawa ko. Mayroong guhit ng pagkamangha sa kanilang mukha.
“Ito pala ang manugang mo, Mamey. Ang gwapo, ah! Kanina pa nga namin sila tinitingnan. Bagay sila ng anak mo.”
Ngumiti si Tatay at nagbukas ng pamaypay. “Salamat, Bebang.”
“E si Ruby nasaan? Nagtatrabaho na ba sa ibang bansa?”
“Ah, eh. Oo. Busy pa. O nasaan ang mga anak mo? Hindi mo sinama rito? Tatlong kawa ang nakasalang kina Mariposa para sa handaang ito.”
Nalipat angkwentuhan nila sa pamilya ng ginang. Nakatayo pa rin ito at hindi nag-abalang umupo. Siguro dahil hindi rinnaman magtatagal.
Unconscously, bumaling ako kay Nick. Naakbay pa rin pala sa sandalan ng monoblock chair ko. Paglingon ko sa kanya, halos magtama ang mga mukha namin sa lapit.
“Are you okay, hon?” he whispered.
“Oo naman,” pabulong ko ring sagot.
Hinawakan niya angbuhok ko. Nakalugay ito at walang kahit anong ipit. Mayroon akong dalang goma sa sling bag sakaling mainitan. Pero dahil open area ito, maganda ang circulate ng hangin. Kalahati langnaman ng court angsakop.
Inalis ko ang tingin sa kanya nang makita kong unti-unti niyang binababa pa ang mukha. Dinampian niya ng labi ang buhok ko. Ang libreng kamay ay binagsak niya sa kandungan ko at tumungo pa sa baywang ko para sakupin ito.
Hindi ako gumalaw. O kahit itulak siya dahil maraming nakakakita. Pero hindi rin naman siya sobrang lambing tulad kung paano kami sa sofa no’ng nanonood kami ng TV sagabi. Kaayusan lang na nakakahinga pa ako.
Matagal niyang dinampian ng labi ang ulo ko. Inaamoy-amoy ang buhok ko at hindi inalis ang mukha roon.
Napahawak ako sa forearm niya na nagpapahinga sa kandungan ko. Tumitig ako sa kulay ng kanyang balat. Nilaro ko ang hintuturo sa kanyang balahibo. Tinayo ko’t inugoy-ugoy.
He has firmed muscles. Tuwing umaga, nagpupush up siya. It is his daily routine after we… cuddle a little in bed before getting up. Pawis na pawis siya bago maligo. And staring at his skin and on his muscle, ito iyong sinulsulyap-sulyapan ko kada workout niya.
So, ganito pala katigas ang muscle niya dahil sa routine na iyon. Kaya pala mataas ang stamina.
My heart hammered inside my bones. He sent chemicals that can make my blood pumped faster. So fast that even if I was just sitting calmly, ang buong katawan ko naman ay hindi mapirmi sanormal na temperature.
He moved closer. Gumasgas sa sahig angmga paa ng plastic na upuan para idikit sa gamit ko. Nilingon kami ng babaeng kausap ni Tatay. Inisang pasada ang pwesto namin. Akala ko ay sisitahin kami pero… hindi. At saka, hello, Pearl… mag-asawa kayo ni Nick. Walang maninita sa ganitong kalapit niya sa akin.
I sighed. Itong isip ko, feeling minsan dalaga pa ako. Pero angpuso ko… unti-unti nang nasasanay na hindi na ako single. At ang pahaplos-haplos, pahalik-pahalik ni Nick at lambing, kung hindi naman nakakaeskandalo ay accepted sa madla dahil kasal kami.
Ngayon, kahit paulanin kami ng sibat, hindi ako tatamaan dahil si Nick ay nakapulupot sa akin.
“O-okay ka lang?” tanong ko.
He tilted his face. I can see satisfaction from his grinning lips.
“Yup. Ikaw?”
Tumango ako. Nagtanong ako kasi halos nakayakap na siya.
“Nagugutom ka na?”
Nagtanghalian lang kami at hindi nagmeryenda bago umalis. Gutumin ito, e. Saka malakas kumain.
“Nope. Ikaw?”
Umiling pa ako. Pero mabango angbuffet. Natatakam na ako.
“Kaunti lang.” natatawa kong amin.
Tinanaw niya ang long table. “Ikukuha na kita ng pagkain. Anong gusto mo, hon?”
Mabilis kong tinapik ang braso niya. Natawa ako kaya nagtakip ng bibig. Kukuha na siya e wala pa iyong may birthday. Nakakahiya. Saka may bantay sa buffet baka hindi pumayag. Nakakahiya.
“’Wag. Wala pa si Mariposa,”
Niyuko niya ako. Naduduling yata ako sa pagtingin sa mata niya.
“I’ll buy outside for you. What do you want?”
Nanlaki angbutas ng ilong ko. “Sira! Nasa handaan na tayo, bibili ka pa? Okay lang ako. Slight lang ang gutom ko. Kayakong maghintay kahit hanggang mamaya pa.”
“Sure?”
Aba. Parang hindi pa kumbinsido.
“Oo, Nick. ‘Wag kang OA d’yan. Pumapanget ka.” biro ko pa.
Kumunot angnoo nito. “Panget ako?”
Pigil akong ngumiti. Nilapit niya ang ilong at halos ibangga sa ilong ko.
“Lumayo ka nga.”
“Sabi mo panget ako. Panget ba? Tingnan mo nga mukha ko,”
“E, paano ko titingnan, ang lapit-lapit ng mukha mo. Naduduling na ako, Nick.”
“Talaga? Check ko nga?”
Mabilis naman niya akong hinalikan sa labi. Namilog ang mata ko. Tiningnan niya ang mukha ko na paranghindi iyon nangyari.
“Hindi ka naman duling, ah.”
Kinagat ko ang labi. Tinakpan ko ng palad ang mukha niya at nilayo sa akin.
“Doon ka nga!” tulak ko pa.
He chuckled. Iniwas niya angmukha sa palad at binalik ulit sa lapit. Tumingin nalang ako sa ibang dereksyon. Pero pinatakan niya ng halik ang pisngi ko.
“Nicholas.” I warned him subtly but not wholeheartedly. Natatawa pa rin ako.
“’Andyan na si birthday girl!” sigaw ni Dyosa.
I totally pushed him away and looked at the entrance. Hindi niya pa rin inaalis ang braso at dikit na dikit pa rin siya sa akin. Parang walang balak itong lumayo.
Sinubukan kong alisin ang atensyon sa kanya pero ang t***k ng puso ko ay sobrang lakas. Parang mababasag ang buto ko sa lakas nito. Kumikirot na nga angdibdib ko.
Good thing, nakatulong ang pagdating ni Mariposa.
Iniba ang tugtog. Pamilyar ang kanta. Boses ni Bruno Mars ang pumainlanglang sa ere. Ang mga tao ay bumalik sa kanya-kanyang upuan na tila teacher ang darating. Lumingon kaming lahat sa entrada. May mga taong nakaharang kaya hindi ko makita kung nasaan si Mariposa.
“Magandang hapon sa inyong mga minamahal kong kabaranggay…”
Napatingin ako sa nagsalita. Naroon na pala sa harap si Dyosa. Hawak ang mic ng videoke at nagmistulang emcee!
Tiningnan ako ni TatayVic. Natatawa siya. O pinagtatawanan ang reaksyon ngmukha ko.
“Pang beauty pageant ang entrance ni Mariposa rito,”
Hinanda ni Yandrei ang kanyang cellphone at tumayo para kunan ang pagpasok ng kaibigan. On her side, Hector shook his head and crossed his arms on his chest.
“Unang-una ho sa lahat, maraming salamat sa pagpunta sa lamay-este birthday party ng ating butihing kapitbahay,”
Yandrei chuckled. “Grabe makalamay ‘to!”
“Maupo ka nga.” Utos ni Hector.
“Ayoko. Kukunan ko ng video si Mariposa!” Tinapunan ng tingin ni Yandrei.
Nick sighed heavily. Sandali ko siyang sinulyapan perodahil nagtilian angmga tao, napatingin ulit ako sa entrada.
“Pero heto na po. ‘Wag na natin itong patagalin at alam kong gutom na gutom na gutom na kayong lahat. Hindi po ito debut, ano ho. Paggising niya kahapon naisipan niya lang maghanda para sa araw na ito. Kaya naman… ladies and gentlemen… salubungin natin ng masigabong palakpakan ang kakasa sa kagandahan ni Pia Wurstbach. Ang hahamon… kay Catriona Gray. At ang kakabog kay Liza Soberano. Please all welcome… ang Lakambining bukambibig ng kanyang mga kakosa sa barangay—Mariposa!”
Tinodo nila ang volume ng music. Pumaloot din ang sigaw at palakpakan ng mga tao. Si Yandrei ay napatalon habang kumukuha ng video. At ilang sandali pa, nakasuot ng pulang gown, may suot na kulot na wig at with matching diamond crown at happy birthday sash, pumasok si Mariposa.
“Pakak na pakak ang makeup ang lolo niyo!” malakas na sabi ni Yandrei.
Bumulong sa tainga ko si Nick. “Alien yata ‘tong kapatid ko. Hindi ko malaman kung saan pinagkukuha ang mga salita.”
Siniko ko siya at umiling sa kanya. Bumuntong hininga ito at sinulyapan ulit ang kapatid. Pumalakpak ako.
Mabagal na naglalakad at kumakaway si Mariposa. Pagdating niya sa tabi ng videoke machine, maykaunting interview pa siya kay Dyosa. Kaya puro tawanan ang nangyari samga sumunod na parte ngparty. Nawala nga ang gutom ko. Naluluha nalang sa pagtawa.
Everyone is enjoying the firstpart of the party. Nawawala ang pagkademure ni Mariposa kapag nagbibiro. Nagboses lalaki pa ito. Pinasalamatan niya ang mga kaibigan, kapitbahay at kaanak na pumunta para sa kanyang kaarawan. Special mention ang tatay ko na siyang nagmakeup at ayos sakanya.
Nagkaroon ng buyo nanghabang nagsasalita si Mariposa ay dumating angKoreano’ng special guest niya. May dala itong bouquet of flowers at gift para sakanya.
Pagirl na pagirl ang kaibigan namin.
“Kamhamnida, oppa. Saranghae.”
Nagsigawan ang mga tao. Cute ‘yung guy. Maputi. Mukha ring mahiyain.
“Ow you can eat na. What do you want to eat? Kimchi, Bulgogi or Me?”
Humagalpak sa tawa si Yandrei. Napahilot ako ng noo at layo ng mata sa harap.
Hindi ko alam kung anong sinagot nung guy. Nakalimutan ko rin ang pangalan pero sinabi niya. Lumayo kasi ang bibig sa mic kaya wala akong naintindihan.
Pagkatapos silang magchikahan ng kaunti roon sa harap, pinapila na angmga tao para makakuha ng pagkain. Maykaunting program pa yata mamaya.
Hindi na kami pinapila nina Dyosa. Mayroong separate na plates at dinala sa mesa sa amin ang pagkain. Para raw sa VIP guest iyon. Kaya nanatili kaming nakaupo.
Sa mesa namin naupo sina Mariposa at si oppa niya. Pinakilala niya ulit. Panay yuko nu’ng lalaki. Si Yandrei ay ginaya siya pagkatapos makipag shake hands.
“Nice meeting you.”
“And this is my friend also, Pearl. And her husband Nick. He is Soo Hyun.”
Nakipagkamay ako sa kanya. “Hello. Nice to meet you,”
“Nice to meet you, too…”
He has soft hands. Mabango rin. Pinaghila siya ng upuan ni Mariposa para makakain na rin.
Nu’ng una ay walang nagsasalita dahil mukhang nagkakahiyaan. Pero kalaunan, ang ingay-ingay na ngmesa namin. Isa sa mga maingay sa lahat ng pwestong naroon sa court. At wala akong ibang ginawa kundi ang tumawa at takip ng bibig para pigilan angpagtawa.
Sumasabay pa si Yandrei sa biruan nina Dyosa at Mariposa. She’s like a cowgirl. Hindi ko makita sakanya ang pangalang pinanggalingan. Panay pa ang alok niya ng pagkain kay Hector dahil ito ang mas tahimik. Minsan, matalim tumitig sakanya. Minsan, madilim. Minsan parang… maygustong sabihin pero tikom ang bibig. Parang binibilang angsalitang ilalabas kaya angmisteryoso niya.
Pero kapag kinakausap at binibiro ni Nick, mukhang buhay na tao. Baka naninibago kasi hindi niya kilala ang mga kasama rito. Ito naman kasing si Mariposa. Inimbitahan bigla. Kaso narito naman ang dalawang De Silva kaya baka naman okay lang din. Hindi lang ito sanay sa ganitong set up ng okasyon kasi masyado siyang professional?
But then, Nick is here too. Pinagsandok niya ako ng pagkain. Unang inasikaso bago ang sariling plato. He doesn’t mind who are these people for as long we are here together. I actually… like this idea.
Ang simpleng okasyong ito pinagsama ang magkaibang klase ng tao. Sila na alam naman nating nasa tuktok kung estado ng yaman ang pagbabasehan at kami na isang kahid isang tuka, pero magkasamang kumakain. Magkasamang nakikisaya. Walang nagrereklamo. Walang namimintas. Natural lang na kainan at kasiyahan.
Sa sandaling ito, nakalimutan kokung paano naging kami. Na may mga gawain pala kung saan makakaramdam ka ng warmth feelings.
‘Yung kahit taga-north pole siya at south pole ako, nagtagpo pa rin. Our beginnings aren’t good. But along the way… may happy moments din. Sadya talagang walang perpekto sa mundo. Mapatao man o pangyayari. At kahit sa relationship.
Nasa early stage parin kami sa parteng iyon. But so far, so good ang score. Para sa akin, for as long as my respeto siya sa akin at sa pamilya ko… I think I’m in good hands.
“Oh guys, eto pa Papaitan. Specialty ng Nanay ko ‘yan,” pagmamalaking baba ni Mariposa ng malaking tasa.
Agad iyong pinagpyestahan ng mga kasama ko sa mesa. Kumuha si Hector at si Nick. Si Yandrei ay ngumuso pero nilagyan ni Hector ang maliit niyang mangkok ng pagkain, tinikman niya at mukhang nasarapan.
I joined them and tasted mine. Sandok ni Nick. Tumango ako. Pangalawang kanin kona rin ito. Sa dami ng ulam, grabe, busog na busog ako. Si Jewel at Tatay tuloy pa rin sa pagkain.
“Parang fiesta ang birthday mo, Mariposa.” Sabi ni Yandrei sa kanya nang tumayo sa upuan niya.
“Uy hindi, ah! Minsanan lang ‘to. Sinabay ko sa handa ng kapatid kong nakakuha ng trabaho. Kaya tinodo ko na para isang handaan na lang din. Saka…” nginuso ang special guest niya. “Unang bisita ni Oppa. Oh, edi bonggang celebration na rin.”
“Saan ba kayo nagkakilala niyan?” usisa ni Yandrei.
“Saan pa. Edi sa dating app. Sa dami ng nakausap ko roon, siya lang ang pumayag na makipagmeet.”
Yandrei looked shocked. Sinulyapan niya si Hector na umiinom ng tubig sa plastic cup.
“Really? Buti ka pa real human ang nakita mo. Ako, ayaw umamin na siya ‘yung nakita ko sa dating app. Panay angdeny. Hindi raw siya gumagamit ng gano’n. Kulang nalang yata, idemanda ako, e.”
Humalakhak si Mariposa. “Baka naman hindi nga siya. May gumamit lang ng picture niya.”
“Ay hindi, ah! Malakas ang kutob kong naghahanap ‘yun ng girlfriend sa app. Binuking ko na, ang tigas pa rin ng mukha. Patay-ugat kapag tinatanong ko. Maglabas na lang daw ako ng ebidensya.”
“Ang tanong, may ebidensya ka ba?”
Humaba ang nguso ni Yandrei. Humalukipkip. At nag side eye sa katabing abogado.
“Wala. Hindi naman tatanggapin ‘yung picture, e. Hindi raw siya ‘yon. Kahit nag-I love you pa sa chat.”
Mapait na tumingin sa ibang dereksyon si Hector bago nito binalingan si Yandrei. May paghahamon sa klase ngtingin nito sa babae.
Si Yandrei ay tinaas angnoo at paranghindi uurungan ang lalaki.
“Sineen ko lang angchat mo ro’n hoy ‘wag kang ano.”
“Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yong hindi ako ‘yon. Wala akong ginagamit na app na pang-date lang. Sino ‘yang nag-I love you sa ‘yo? Ibigay mo sa akin ang detalye ng account at ipapatrace ko!”
“Edi ipatrace mo! Anong paki ko? E, ikaw ‘yun!”
“Hindi nga ako ‘yon.”
“Lokohin mo lelong mo. Hindi mo ‘ko maloloko, Hector Fronteras!”
“I’ll trace your account then. Hindipwede ‘yang palagi mo akong pinagbibintangan. Sa dami ng ginagawa ko noon kay Don Leon, satingin mo may oras pa akong makipagchat?”
“Oo naman! Sa free time mo. Bakit wala kayong signal sa isla? Weh?”
“I don’t do that childish thing, Ms. De Silva. Kung babae rin lang, madali ko ‘yang masosolusyunan.”
“That’s enough.”
Napatingin ako sabiglang pagsasalita ni Nick. Seryoso na pala ang tingin nito sadalawa.
Pero ni hindi nagpatinag angsinuman kina Hector at Yandrei.
Namula angmukha ni Yandrei. Bumagsak ang panga habang nakatitig kay Hector.
“So, sinasabi mong marami kang babae kaya hindi mo kailangang makipagchat?”
“Yandrei…” banayadna tinapik ni Mariposa ang balikat nito.
“You are always saying what you want to say. Mag-ingat ka, Ms. De Silva. Baka magkaroon ako ng pwedeng ikaso sa ‘yo dahil sa mga mali-maling sinasabi mo.”
“Ikaw ang nagsabi na madali mong masosolusyunan ang pambabae mo, ‘di ba?”
“Sinabi ko bang mambababae ako?”
“Oo!”
“I have a girlfriend!” Hector blurted out.
Natahimik kaming lahat na nasa mesa. Pero hindi lang dito. Pati ang buong court ay natahimik dahil sa pagtaas ngboses ni Hector.
Mainit ang pagitan nila ni Yandrei. Tila dalawang magkalabang handang sumabak sa gyera. Pero ang iringang iyon aygumawa ng awkwardness sa lahat.
“I have a girlfriend, Yandrei. Kaya ‘yon ang sinabi ko. Sana naman, tigilan mo na ang pangungulit mo sa akin dahil may girlfriend na ‘ko.”
Sakit o kung hindi man aypagkapahiya ang kumulay sa nasaktang reaksyon ni Yandrei.
Tumayo ako pero naunang tumayo si Nick. Akala ko ay sasapakin si Hector. Pero tinapik niya ito sa balikat at niyaya sa labas.
“Magpahangin muna tayo sa labas, attorney.”
Hector’s jaw clenched. Isang beses pa niyang tinapunan ng tingin si Yandrei bago ito tumayo at sumunod kay Nick.
Umupo ako sa iniwang upuan ni Hector. Hindi pa rin gumagalaw si Yandrei. Inabot ko ang braso niya, ang kamay at pinisil. She looked so hurt.
Niyakap siya ni Mariposa. Sa mga unang sandali ng oras na ‘yun, ang totoo ay hindi ko alam kungpaano at ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi tama ang pagderetso ni Hector. Siguro nga makulit si Yandrei, pero parang wala sa lugar ang pagtrato niya ng ganito sa kanya. Lalo pa’t naririnig ngmaraming tao.
Inalu namin siya. Patago niyang pinunasan ang tumulong luha. Walang ibang nakakita no’n kundi ako. At nang magtama ang paningin namin, hilaw siyang ngumiti.
“Yandrei okay kalang? Baka gusto mo ngtubig pampakalma,”
Unti-unting bumalik ang ingay at sigla ngparty. Nagpalaro sina Dyosa para syempre malimutan ng mga bisita angkomosyon kanina. Nagpabring me at Pinoy Henyo.
Habang nangyayari iyon, nasa labas parin sina Nick at Hector. Sumunod doon si Tatay Vic para kausapin.
Yumakap sa braso ko si Yandrei atpinatong ang ulo sa balikat ko. Tinapik ko ang kanyang kamay. Maslalong nadepina na mas maputi siya sa akin. Pero ang ang ilong namumula. Kitang-kita.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya. Naiwan kami sa mesa dahil pinasali ni Mariposa ang special guest niya sa laro. Tahimik namin iyong pinanood hanggang sa matapos. Dumilim na sa labas. At binuksan ang videoke para sa gustong kumanta.
“O kung sino mang may hinanakit dyan, bukas ang mikropono para magwala. Ikanta na lang natin ‘yan.” Anunsyo ni Dyosa.
“Gusto kong kumanta…”
“Ha?”
Bahagyang yumugyog ang balikat ni Yandrei. “Kaso sintunado ako. Anong malay kong may girlfriend pala siya? Hindi ko naman a-alam…”
Humina angboses niya. Hudyat iyon na naiyak na naman ito.
I let her pour out her feelings without disturbing her.
Nagpaalam nang uuwi ang special guest ni Mariposa. Pagkaalis kinuha ni Mariposa ang mic at pumindot ng numero sa videoke machine. Tahimik kaming nakinig at nanood ni Yandrei. Pero ako ay nakatingin sa lyrics sa TV.
Naramdaman ko ang paggalaw ng katabi kong upuan. Tumingala ako kay Nick. Nakatingin ito sakanyang kapatid. I smiled a bit to tell him that she’s fine.
Si Hector ay kasunod niya pa rin. Sandaling tiningnan si Yandrei na nakahilig sa tabi ko. Walang kibo itong bumalik sa upuan.
“Kasalanan ko ba kung iniibig kita... Diko naman sinasadya... Angmahalin kita... Kasalanan ko ba kung angnadarama ay pag-ibig na tapat... Mapipigil koba kungmahal kitang talaga...” todong sigaw sa kanta ni Mariposa.
Pumapalakpak ako pagkatapos ng kanta ni Mariposa. Tumugtog ang mataas niyang score. Sa paggalaw ko, bumangon si Yandrei. Nagkatinginan sila ni Hector.
“Kung gusto mo nang umuwi, kami na ang maghahatid sa ‘yo.”
“Ako parin ang maghahatid sa kanya, Nick. Sa akin siya binilin ni Sir Reynald.”
Nagtagisan ngtitig angdalawa. Bumaliksa mesa namin si Mariposa.
“May inuman maya-maya. ‘Wag muna kayong umuwi, ha? Sayang ‘yun.”
Yandrei tried to smile a bit. “Hindi ko ‘yan uurungan. Go lang!”
Tiningnan ko si Nick. He didn’t say any. Tinapik ko ang kanyang hita para mapatingin sa akin.
The next moment, nakatitig lang ako sa magkakatabing bote ng inumin sa mesa. Kumasa sa inom sina Nick at Hector. Si Tatay ay buhat si Jewel. Ako, katabi ni Nick. Si Yandrei ay sa kabila ko. She has one bottle. And she drinks quietly.
Pare-pareho kaming nanood sa mga nagvivideoke. Magaganda ang boses pero mayroon ding pumipiyok. Kapag mellow ang kanta, napapasayaw ng ulo si Yandrei at kung minsan kumakanta rin. She’s enjoying herself.
Unti-unting napagod ang gabi. Hinapit ako ni Nick sa baywang. Dumikit ako at sinandal ang ulo sa kanyang balikat. While he’s nursing his bottle, we quietly listening to the singers. We became contented.
“I don’t need a lot of things… I can get by with nothing…”
Buong lambing kong hiniga ang ulo kay Nick. With a good music and a man beside me, parang ang ganda bigla ng paligid. Nawala ang tensyon.
“But all the blessings life can bring… I’ve always needed something…”
Ang ganda ng boses nu’ng dalagitang kumakanta. Pati kami natahimik bigla.
“You’re my only reason… You’re my only truth…”
Naramdaman ko ang paghigpit ng braso ni Nick sa baywang ko. He’s still holding his one bottle onthe table. But I felt his lips grazing over my head. And smelling my hair like how he’s smelling it every morning in the bed.
“I needyou like water, like breath, like rain… I need you like mercy from heaven’s gate… There’s a freedom in your arms that carries me through… I needyou…”
Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang init sa dibdib na hindi maipaliwanag.
Pagkatapos ngkasiyahan, kaunting kaguluhan at kalungkutan… heto ako, kontento at nasasarapan sahatid ng simpleng pag-upo, pakikinig sakanta at katabi ng asawa ko.
Parang ang payak bigla ng buhay ko.
Sana ganito palagi ang maramdaman ko. Simple. Magaan. Atmay init sa puso…
--
(Lyrics used)
“Kasalanan Ko Ba" by Neocolours
“I Need You” by LeAnn Rimes