Chapter 27

4042 Words
“Lumayo ka sa mga usapang walang kwenta at walang paggalang sa Diyos. Mas nilalayo lang nito ang mga tao sa Diyos. Yang mga usapang ganyan, parang malalang sugat yan na kumakalat sa katawan. Ganyan ang tinuturo nina Hymenaeus at Philetus.” – 2 Timothy 2:16-17 -- Chapter 27 Pearl Tumibok nang napakabilis ang puso ko. At habang nakikinig ako sa kanta at nararamdaman ang init ng presensya ni Nick sa tabi ko… bigla akong nataranta. Nahuhulog na ba ang puso ko sa kanya? I remember those times when I let myself stared at him on his alone moments. Sa bar… Sa mansyon… Nu’ng nakatulog siya sa sahig… I remember it too well despite the darkness of his aura. Para siyang napapalibutan ng maiitim na ulap at ito iyong madalas binabalewala ng mga tao. Pero ako, nacucurious. Nahihiwagaan. Gusto kong malaman kung ano ang nasa likod ng kanyang kaulapan. Is it a previous relationship? Is it about Ruby? Or his daughter? Is it about family or business problems? Those were normal dilemma of a person. But still, he’s Nick de Silva. He possesses numerous perks by just his name. Ano pang pwede niyang problemahin? But then, I’m not the kind of person who intrudes into thoughts just so I could taste it. Then what? Leave him after? No. Naaakit ako sa kanya. Oo. Aaminin ko. Naaakit din ako. Pero hindi dahil nuknukan siya ng gwapo. Hindi rin dahil makisig siya at mayaman. Ang mga iyan, lumilipas habang tumatanda. Nagbabago ang panahon. Kung sa yaman, bilog ang mundo. Maaari ngayon nasa ibabaw ka. Sa susunod nasa ilalim ka. Hindi natin masasabi ang takbo ng buhay kaya hindi ko pinapalagay na iyon ang hinahangaan kong labis kay Nick. There’s something more. Something that is very rare to know. Something deep and much, much better than his looks and wealth. And thinking about it now… I want to be in line with his thoughts every now and then. I want to be part of his private thinking. I want to be part of his alone time. I want to open a locked room and find him inside. I want to… be with him always and forever—if that’s even possible. Can two souls still together after their lifetime on Earth? Sa mga iniisip kong iyan, tumindig nang tumindig ang balahibo ko. Nag-init ang tiyan ko. Nick’s hand on my waist moved a little. Napunta sa mismong tiyan ko pababa sa puson. I closed my eyes. I felt him took his bottle and drunk. Nag-usap sila ni Hector pero hindi ko inintindi. Parang tungkol sa byahe pauwi iyon. Gumagalaw ang kamay niya. Nararamdaman ko ang malaking daliri niya. Para bang pinapadama niyang kahit may kausap siya, kumakain o umiinom, aware rin siyang katabi niya ako. Isang kilos ko lang, lilipad agad ang atensyon niya sa akin. At gusto ko iyong makita. I sleepily looked up at him. Naamoy ko agad ang leeg niya. At tama ako. Hindi niya tinapos ang sinasabi kay Hector, niyuko niya na ako. Concerned na mga mata ang tinamo ko. “You want to go home, honey?” he softly whispered. Bahagya akong ngumiti. Nagwawala nga ang puso ko. Ang kamay ko ay gusto siyang haplusin sa pisngi pero buong lakas kong pinigilan ang sarili. Kinuyom ko ang kamao ko. Ganito pa lang, mahirap nang pigilan. Paano kung puso ang pipigilang magmahal? Paano ‘yun? Inahon ko ang sarili galing sa kanyang matigas na dibdib pero masarap pa ring magpahinga roon. Tiningnan ko ang mesa. Si Yandrei ay umiinom pa. Sina Dyosa ay busy pa sa kwentuhan at mukhang sa inuman din. “Hindi pa kayo tapos. Maya-maya na.” I’m really tired. Pati puso ko biglang napagod sa napagtanto. Ano ba ang criteria para masabing umiibig ka na sa isang tao? Kapag kumakalampag na ang puso mo? Kapag gusto mo siyang makita palagi? Kapag kaya mong gawin lahat para sa kanya? O kapag hindi mo na kayang mawala siya? Mga naririnig ko iyan sa paligid. Sa mga romantic movie at salita ng mga taong nabaliw na sa pag-ibig. Sa akin, hindi ko masabi. Basta ang alam ko, kapag nagmahal ka, gusto mo lang siyang maging masaya. Nando’n ang totoong pagmamahal, hindi ba? Tinitigan niya ako ilang segundo bago binalik sa kausap ang atensyon. Pero hinigpitan niya ang yakap sa baywang ko. Meaning, hindi ako pwedeng tumayo o umalis sa kanyang tabi. The rest of the evening, inuman at kantahan na lang. Umuwi na ang ibang bisita. Pati mga bata. Ang ibang upuan ay niligpit na. Hanggang alas dies ang arkila sa court. Iyong pagkain ay nililigpit na rin. Nine PM nang tuluyang natapos ang birthday party ni Mariposa. Pero ang ibang kaibigan niya ay lilipat sa bahay niya para ituloy ang inuman at mukha yatang madaling araw ang call time na masisiuwian sila. “Ihahatid ko si Yandrei, Nick.” Buhat ni Nick ang natutulog na anak habang pinapalitan ko ng puting tuwalya ang sapin nito sa likod. Mabilis ang pagbaling sa kanya ni Nick. Pasimple kong sinulyapan si Yandrei. Hindi niya naririnig ang sinabi ni Hector. Kanina pa sila hindi nagpapansinan. Kausap niya sina Mariposa at Gelay sa tabi ng tinatanggalang sapin ng long table. “Nakainom ka, Hector.” “Ikaw rin naman, ah. Mas marami kang nainom kaysa akin.” Totoo iyon. Mapula na nga ang mukha ni Nick. Inaantok na rin base sa itsura ng matang pamula na. Kung hindi ko pa inawat sa pag-inom, hindi iyan titigil. Samantalang gamay ni Hector ang boteng nilalaklak niya. Dahil alam niyang magdadrive pa siya. “Hindi kami uuwi. Sa biyenan ko kami magpapalipas ng gabi.” Tiningnan niya ako na parang hinihingan ako ng pangsang-ayon. I sighed. Sinabihan ako ni Tatay Vic na sa bahay na matulog at huwag umuwi. Lalo na’t napasarap sa inuman ang asawa ko. “Bye na, Pearl! Ay, tulog na si Jewel? Napagod sa paglalaro,” Yandrei went to my side to kiss my cheek and Jewel too. Nag-aalala ako sa kanya. “Sigurado kang uuwi? Pwede kang matulog sa amin.” Kumbinsi ko. Humalukipkip ito at pinanliitan ako ng mga mata. She still looks bubbly despite what Hector did say to her hours ago. “Baka mag-aalala sina Mommy kapag hindi ako umuwi,” “Mas mag-aalala si Mommy kapag nagmaneho si Hector nang lasing at ikaw ang passenger.” Tumikhim si Hector. Sabay kaming napatingin sa kanya ni Yandrei. Binalanse niya ang kanyang mga paa sa pagkakatayo. “I’m not really drunk, Pearl. I can still drive her home.” Yandrei tilted her head and arched his one brow. Malamig na tingin ang pinukol niya sa abogado. “I will believe in him then. Kasi alam niya ang batas. Kapag nahuli siyang lasing at nagdadrive, sa kulungan ang bagsak niyan. And knowing my father. Lagot siya kapag may nangyari sa aking masama. Right, Attorney?” I looked at Hector too. Nanibago ako sa tono ni Yandrei pero pinagpalagay kong lasing lang siya. But Hector did nod at her. “See? Sige na. Inaantok na rin ako. Happy birthday ulit, Mare! Babuush na!” Pinanood ko ang pagpapaalam niya sa mga kaibigan. Kiniss niya ulit si Jewel at ako. “Bye, Kuya kong panget!” sigaw nito. “Tsk.” Nick’s reaction. Tahimik na hinintay ni Hector na matapos ito sa pagpapaalam. Kinawayan ko siya. He nodded once then watched Yandrei again. She smiled at me and waved. Nang matapos, nilagpasan niya si Hector palabas ng court. Walang nagawa ang abogado kundi ang sumunod na lang dito. “Hay natapos din ang mahabang araw na ‘to. Worth it ang gastos!” This party made Mariposa very happy. Hindi siya taon-taon na nagsecelebrate. Nataong may ipon at sinabay sa na-achieve ng kanyang kapatid. Tumulong akong magpatung-patong ng mga upuan pero mabilis akong pinigilan ng kapatid ni Mariposa. Mababait ang mga kapatid niya. Parang pamilya rin ang turing nila sa akin kahit kakakilala lang namin. They knew Ruby. Sa kanya ay hindi sila gano’n ka-close. “Thank you nga pala sa dagdag na bote ng alak, Mr. De Silva. Tuwang-tuwang ang mga kaibigan ko pagkatapos mong magpabili. Ayun, tuloy ang inuman sa bahay. Susunod ba kayo ni Pearl?” Agad akong umangal. “Lasing na ‘yan, Mariposa. Malapit nang bumagsak.” Tiningnan ko si Nick. Mariposa giggled. “Sayang! Gusto pa naman kayong makakwentuhan nina Sheena. Pero sige. Baka hindi pa ito makauwi kapag pinayagan mo. Nakaabang pa si Mamey sa labas, oh.” Sandali kaming nagtitigan ni Nick pagkaalis ni Mariposa. Hinihintay na kami ni Tatay sa labas ng court. Kasama nito ang ilang kaibigan na nagyosi break. “Ayaw mong uminom pa ako?” Nick asked. Humalukipkip ako. Tinaasan ko siya ng kilay. “Lasing ka na. Hindi na pwede.” He sheepishly smirked. Parang natutuwa na nahihiya ang kanyang mukha. “Okay.” He surrendered easily. Pinanliitan ko siya ng mata. Huwag mong sabihing gusto pa niyang uminom? Saka kasama pa sina Sheena. Parang ang bigat sa loob kong dalhin siya roon kaya… bawal na siyang lumabas. Pagkauwi sa bahay, nauna nang nagpaalam na magpapahinga si Tatay. Inakyat ko sa kwarto si Jewel. Mas maluwag na roon kasi karamihan sa gamit at laruan ni Jewel ay nasa condo unit na. Pero maliit ang kama. Pangdalawahan lang kaya… hindi ko pa alam kung saan matutulog si Nick. Pwede siyang mamili. Sa sahig o sa sofa sa sala. Mukhang sa sahig ng kwarto dahil sumunod ito sa amin. Una kong inasikaso ang anak niya. Inalisan ko ng sapatos at sinigurado kong maginhawa ang pwesto niya sa kama. Sunod kong tiningnan si Nick. Nakasandal ito sa nakasaradong pinto. Nakapamulsa at pikit ang mga mata. Tumayo ako at hinila ang kamay. Dumilat ito agad. “Maupo ka muna. Magsasabon ako ng bimpo sa baba pang hilamos mo,” Tahimik siyang sumunod sa akin. Pero bago ako kumuha ng bimpo sa plastic drawer, naglatag na ako ng banig. Ang pwesto ay sa tapat ng pinto dahil doon mas maluwag. Nabawasan kasi ng gamit ni Jewel. Nilagyan ko ng isang unan at malinis pero manipis na kumot. “Sinong matutulog d’yan?” tanong niya. Hindi ko siya tiningnan habang naghahanap ng bimpo. “Ikaw. Hindi tayo kasya sa kama.” Alam kong sanay siya sa malambot na higaan. Pero isang gabi lang naman siyang magbabanig. At ‘yang amoy niya. Amoy alak. Hindi ko gusto. Iniwan ko muna siya sa kwarto para sabunin ang bimpo. Nag-CR na rin ako at hilamos. Pero nilalagkit pa rin ang balat ko kaya naisipan kong maglinis ng katawan bago matulog. “Gusto mo bang magbuhos bago- Natigil ako sa pagpasok pagkakita ko sa kanyang nakahiga na sa banig. Nakapatong sa noo ang forearm. Pero dalawa na ang unan ang naroon. Dumilat siya nang maramdaman ang yapak ko. Naupo ako sa banig. Inalis ko ang braso sa ibabaw ng kanyang noo at sinimulan kong basain ang mukha gamit ang bimpo. “Kung gusto mong maligo, pwede. Kaso wala kang dalang damit, ‘di ba? Magpunas ka na lang muna. Bukas ka na maligo.” Sabi ko habang nililinisan siya. Tahimik niya akong pinapanood. Nilinis ko ang mukha niyang pulang pula na. Pati leeg. Nakadamit pa siya pero inalis na ang belt. Usually, naka-boxer shorts lang ito kapag matutulog. Pero ngayon naka-t shirt pa at pantalong maong. Tapos electric fan lang gamit sa kwarto. Makakatulog kaya siya nang maayos? Bumuntong hininga ako. Lumingon ako sa aparador. Puro damit pambabae ang laman no’n. Tumayo ako. Agad na hinuli ni Nick ang kamay ko. “Tabi na tayo…” he begged. Halos mapangiti ako no’n. Pero… “Ihihiram kita ng damit kay Tatay para pamalit mo. Wala akong damit na kasya sa ‘yo rito sa kwarto.” He blinked once. He stared at me a little longer before releasing my hand. Napailing ako. Binigay ko sa kanya ang bimpo at lumabas na. Isang pinaglumaang T shirt ng kumakandidatong konsehal ang binigay ni Tatay Vic. Naistorbo ko pa ang tulog kaya kung ano na lang ang kinuha ay iyon na lang din. Nag-good night ako ulit at nahihiyang sinarado ang pintuan niya. Pagbalik ko sa kabila, nakaupo na si Nick sa banig. Binabasa ng bimpo ang ulo. “Gusto mong maligo o magpalit na lang?” hininaan ko ang boses. Kami na lang ang gising sa bahay. Kinuha ni Nick ang t shirt. Walang kareklamo-reklamo niya iyong sinuot. Fit nga lang. Pero gwapo pa rin. Ang daya. “Okay na ‘to. Salamat.” He looked up at me. “Ikaw?” Tinuro ko ang aparador. “Maglilinis lang ako. Matulog ka na.” Tumungo na ako roon para kumuha ng pamalit na damit. Simpleng t shirt at cotton shorts ang dinampot ko. These are still Ruby’s clothes. Nahiga na ulit sa banig si Nick paglabas ko. Talagang pinaglaanan niya ako ng espasyo para magkatabi kami. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa salon/sala. Pero buhay ang ilaw ng sa kusina. Binuksan ko ang pinto ng banyo at ilaw. Bago ako pumasok, ginoma ko ang buhok pataas para hindi mabasa. Nagsabon ako ng katawan. Grabe. Ang laking ginhawa nang mabasa ako ng tubig. Kada buhos ko ng tabo, nawala pati pagod ko. Hindi ako nagtagal sa paglilinis ng katawan. Sa kubeta na rin ako nagbihis. At toothbrush sa lababo. Naglinis ako nang kaunti sa kusina. Mag-aalas dies y media nang tuluyan akong matapos sa gawain. Medyo nawala ang antok pagkatapos maglinis ng katawan at inantok ulit ilang minuto habang naglilinis sa kusina. Pinatay ko ang ilaw. Kaya sobrang dilim sa pagdaan ko papuntang hagdanan. Mabuti ay gamay ko kahit nakapikit pa. Hindi naman kalakihan ang bahay kaya alam kong kaya ko. Pero nang makalipat ako sa sala, may humila sa braso ko at sinandal ako sa salamin sa pader! Malakas akong suminghap na nawala nang siilin ako ng madiing halik sa labi ng taong humila sa akin. Ang una kong reaksyon ay itulak sa dibdib ang taong ito. Pero agad sinugod ng amoy ng alak at pamilyar na amoy ng katawan ang ilong ko. Pati hugis ng katawan at haplos ay kilalang-kilala ko. Nick kisses drown my protests. Kung may takot mang naiwan, iyon ang mahuli kami ni Tatay Vic at pagalitan. Pero nakakahibang ang labi ni Nick. Nakakaliyo. Nakakayanig ng huwisyo. Nakakadarang. He bit my lip. I partly opened and his tongue slide inside my mouth. Agad gumapang ang init sa mukha ko’t tainga. Ang pagtibok ng puso ko ay masyado nang mabilis. Lumipat ang halik niya sa leeg ko at diniin ako sa salamin. Madilim pero sa pagtagal ng paningin ko, unti-unting nag-adjust ito at naaninag ko ang salamin. Naaninag ko ang kamay ko sa kanyang likod at ang posisyon naming dalawa. He groaned wildly. Parang ungol na sabik na sabik. Kinailangan kong takpan ang bibig ni Nick. Pero kinagat niya ang palad ko. Tinampal ko ang balikat niya. “’Wag kang maingay. Baka magising si Tatay…” bulong ko. Kinain niya ang labi ko pati ang sasabihin ko. His kisses were too aggressive. Too excited. Too hungry. At kapag sinasagot ko, mas lalong lumalalim ang kanyang paghalik. He grinded his lower body extremities. At wala na siyang pantalon kundi boxer shorts na lang! Nawindang ako nang maramdaman ang tigas sa gitna ng mga hita niya. I know that. Palaging ganoon iyon sa umaga at kapag naghahalikan kami. S’yempre alam ko rin kung ano iyon. We kissed and kissed until we ran out of breath. Kahit ang pakiramdam ko ay namamanhid na ang labi ko, hindi ako tumigil. I liked kissing him. I liked his taste. I like the way he is kissing me. “Pearl… I’m…” naiiyak niyang tawag. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata. Hindi ko alam kung anong gagawin malibang tuluyang ihinto ang kabaliwang ito at ayain na siyang matulog. Hindi kami pwedeng magtagal dito. “S-sorry. Matulog na lang tayo, hm?” malambing kong aya. I touched his face. I felt so sorry for… him and for not granting him something he wanted. “Nick?” After several kisses, he stopped. Nanghihina niyang pinatong ang noo sa noo ko. Gasping for air. Ang mga kamay ay nasa baywang ko. Inilayo na niya ang ibabang katawan pero hindi ang mainit niyang kamay. “Let’s go upstairs. Before I…” Kinulong ko ang kanyang mukha sa kamay ko. Handa na ba ako? Kaya ko ba? Ano ang mangyayari pagkatapos naming gawin iyon? We’re husband and wife. That’s legal but… for me… it is the most important thing as a woman. Kung ibibigay ko ang sarili sa kanya… tuluyan na akong mahuhulog. Oo. Wala na akong aatrasan pa. Kapag pumayag na ako, alam kong kulong na kulong na ako sa kanya. Hindi dahil iyon ay karapatan niya bilang asawa ko. Kundi ginusto ko dahil… dahil… Pumikit akong mariin sa gitna ng dilim. Sa harap ni Nick. I’m his wife. He is my husband. He is mine, right? Kaya… bakit hindi ko isugal na lahat ng akin? Wala nang matitira sa akin kapag binigay kong lahat sa kanya. Pero… gusto kong ibigay. Gusto kong ialay. Gusto ko kasi… kasi… mahal ko siya? Saan ba ang timbangan para masabing mahal mo ang isang tao? Paano ba ako makakasiguro? Paano! Nagpalipas kami ng ilang minuto sa baba. Tahimik si Nick habang yakap ako. Ilang beses kong hinaplos ang braso niya para pahupain ang nararamdaman. Masaya naman ako kasi kahit lasing siya nakaya niyang magpigil. Nagawa niyang irespeto ako at ang Tatay ko. Kaya pag-akyat namin sa kwarto, tumabi ako kanya. Niyakap ko siya. Niyakap niya ako. Hindi kami nag-usap pero alam kong gising pa siya. At nang tumingala ako sa kanya, nagkatinginan kami. I slowly smiled. “Kailan tayo… babalik sa yate mo?” Hindi siya nagsalita. May ilang sandaling tinitigan niya ako. At nu’ng may mapagtanto siya, unti-unting nabuhay ang mata niya. Hinaplos ko ang kanyang magaspang na panga. One-time lang akong magmamahal. One-time lang ikakasal. Ayoko na ng iba pagkatapos mo, Nick. Maniniwala akong panghabangbuhay ang pangako mong kasal kaya… ibibigay ko ang lahat-lahat sa akin. Susugal ako. Kahit nauna ang kapatid ko. Itataya ko ang puso ko. Kahit hindi ako ang ina ang anak mo. Kahit masabihan pa ng ibang tao tungkol sa taboo nating pagsasama, tatakpan ko ang tainga ko. Wala akong ibang pakikinggan kundi ang t***k ng puso ko. I don’t want to please anybody anymore. I only want to please you and my heart from now on. “Pearl…” Inabot ko ang labi niya ng halik ko. “Sasama na ako sa ‘yo.” Ibibigay ko na, Nick. Kasama pati ang puso ko. Paglipas ng ilang araw, para kaming maghahanda para magtanan. Nakakatawa. Hindi ko na nga alam kung sino ang mas sabik sa amin. Siya ba o ako? We set the date of our late honeymoon. Actually, one-night lang. Sa Sabado kami aalis at kinabukasan ng hapon kami uuwi. Ihahatid namin kina Mommy sina ate Digna at Jewel. Para kinabukasan ay maasikaso ko sa eskwela. Pwede rin naman naming ituloy sa kwarto namin pero tinanong ako ni Nick kung saan ko una gustong gawin. I looked at our bed. Pwede roon. Bakit pa maghihintay ng kulang isang linggo kung pwede now na, ‘di ba? But I knew why he asked me. He wants it to be memorable. Not just for him but most especially for me. “Nakapunta ka na ba sa opisina niya, Ma’am Pearl?” Nasa sala ako at sinusulsihan ang natastas na manggas sa damit ni Jewel. Hinatiran ako ni ate Digna ng colored nachos. Bukas ang TV. Nasa eskwela si Jewel at nasa office naman si Nick. Ngumuso ako at umiling. “Hindi pa,” Naexcite siya. “Ako rin, e!” Binalingan ko siya. Hindi ko malaman kung tatawa o makukuryoso. Pinili ko ang huli. “Gusto mong pumunta roon?” usisa ko. Nagningning ang mata niya. “Pangarap kong makakita ng mga artista. Lalo sa pinaka-idol kong si Ysabella. Ang ganda-ganda no’n at saka ang galing umarte. Nagsabi nga ako kina Manang Narcisa na utusan akong pumunta ro’n sa opisina at matyempuhan ko roon ang idol ko. Kaso, ano naman daw ang dadalhin ko. E, pumupunta sa mansyon ang sekretarya kung may kailangan.” Pinagpatuloy ko ang pagsusulsi. Inimagine ko si Nick. Nakaupo sa swivel chair. Seryosong nakatingin sa kanyang mamahaling laptop. Napangiti ako. “Bakit hindi ka na lang umattend sa mga event niya? Sa mall show kaya?” “Hindi kasi natataon sa day off ko, Ma’am Pearl. Kapag pwede naman, wala akong pera. Pinapadala ko kasi sa probinsya lahat ng pera ko.” Natigilan ako ulit. “Kulang ba ang sweldo mo?” Namilog ang mata niya at winawagwag ang mga kamay na tila biglang natakot. “Hindi naman sa ganoon, Ma’am! Ang totoo niyan, kontento naman ako sa pasweldo ng pamilya de Silva at saka kay Sir Nick na rin kahit hindi pa niya ako nasuswelduhan dito- “Susubukan kong kausapin ang asawa ko tungkol d’yan.” Suminghap siya. At parang mahuhulog ang mga mata sa sahig. “Huwag na, Madam! Ayos lang talaga ako sa pasweldo nila. Malaki naman saka namumutiktik sa benefits. Wala lang akong panggala o pagpunta event-event kasi ang inuuna ko ang makaipon at padala panggastos sa amin.” “Ahh…” “Pero kung isasama niyo ako kapag pupunta kayo sa opisina ni Sir… makakalibre ako ng pamasahe tapos makakakita pa ako maraming artista!” I giggled. “Ano naman ang gagawin natin doon?” “Dalhan mo ng pagkain si Sir Nick!” Umiling ako. “Umuuwi iyon kada tanghalian dito.” “Ay oo nga pala. Edi… meryenda! Alangan namang magutom si Sir kapag hapon na. Pagod na pagod iyon sa trabaho saka malay mo hindi na makakain dahil sobrang busy.” Binaba ko ang ginagawa at nilipat ang atensyon kay ate Digna. Natatawa ako. Iyong pagsasalita niya parang nangungumbinsing mag-invest ako sa kanya pero ibang words ang gamit. Pero… pwede kaya? “Hmm. Pwede naman. Kaso…” “Bakit may kaso pa?” “Ayaw nu’n na umaalis ako nang wala siya. Kung pupunta tayo sa opisina niya, dapat may driver. Kung wala, pagagalitan tayo ng Sir mo.” “Suuuus! Problema ba iyon? Edi tumawag tayo sa mansyon at maghanap ng driver pati sasakyan pa. Kay Ma’am Kristina ka na tumawag para pumayag agad-agad. Promise. Favorite daughter-in-law ka no’n.” I laughed. “Sira!” E, ako lang daughter-in-law niya. Dumating sa Proscenium ang mag-ama, mag-aalas dose ng tanghali. Sinalubong ko sila sa foyer. I kissed Jewel’s cheek. Kinuha ko ang bag ng baon niya para masilip kung naubos. Nagtatakbo na rin ito sa loob. Hinapit ako ni Nick sa baywang. Pag-angat ko ng mukha, sinalubong niya ako ng nananabik na halik. Ngumiti ako. I also missed him. Hindi ko na tinago ang pagkamiss ko sa kanya kahit nariyan pa si ate Digna. “Gutom ko na?” I asked. Nakangisi siya. At ilang sandali akong tinitigan. “Sa Sabado, ha?” I giggled. Inayos ko ang kanyang kuwelyo. “Palagi mong pinapaalala ‘yan. Mukha ba akong tatakbo, ha? Ang kulit-kulit mo.” Walang humpay niya akong tinitigan. Medyo pawisan siya. Pero hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan. Ang bango niya pa rin. Hindi naman ito naliligo ng pabango. “Sabado?” ulit pa niya. Kinurot ko ang pisngi. “Ang kulit ng asawa ko. Kumain ka na nga.” Pinanlakihan ko ng mata. “Tapos isang linggo sa isla?” Nangingiti pa rin ako. Pinanlakihan ko ng butas ng ilong kahit talagang natatawa ako. Wala pa iyong honeymoon sa yate, sinisingit na niya ang bakasyon sa isla. Itong lalaking ito. Hindi halata. Nilapirot ko ang ilong niya. Wala siyang pakielam kahit durugin ko. “Kahit ilang araw pa gusto mo, sige na.” sabi ko. Kumislap ang mata nito. Tapos ay kinagat niya ang labi. “Ang saya-saya mo, Mr. de Silva.” Mas lalo niya akong niyakap sa baywang. Nilapag ko ang mga kamay sa balikat niya. Pero mabilis niyang inabot ang labi ko at nagtagumpay na mahalikan na naman ako. “Oo, Mrs. de Silva. Dahil kasi sa ‘yo.” Then, he winked. Hindi ko napigilang bumungisngis dahil kiniliti niya ang leeg ko ng kanyang mga lambing at halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD