“Diyos ang gumawa at nag-aalaga sa lahat ng bagay. Tama lang na gawin niyang perfect si Jesus dahil sa kanyang suffering para maraming anak ang magka-share sa kadakilaan niya. Kasi si Jesus ang magli-lead sa kanila sa kaligtasan.” – Hebrews 2:10 -- Chapter 50 Part 1 Pearl Nakapalibot sa bakuran ng bahay ang mga tauhang pinatawag ni Uncle Johann. Sila ang kani kanilang bodyguard. They tightened the security while Preston and Ruby are in our house. Hindi man kinailangang tumawag ng mga pulis, lalo’t narito si Tatay Vic, sinugurado nilang may mga matang nakabantay sa bahay. Sa bawat lagusan at daanan. Nakadantay ang mga kamay ko sa pasimano ng bintana. Kanina pa hindi nagsasalita dahil kinakausap nina Daddy Reynald ang nanggugulong bisita. Ni hindi sila mga bisita. Bigla na lang dumati