“Sabihin mo sa kanila na wag nilang ubusin ang oras nila sa mga alamat at mga napakahabang listahan ng mga ancestors, kasi dyan nagsisimula ang mga away-away. Hindi nakakatulong ang mga yan para masunod ang plano ng Diyos, na nalalaman lang pag may faith ang isang tao.” – Timothy 1:4
--
Chapter 20
Pearl
Mariin akong tinitigan ni Nick. Ang labi niya ay tila nilagyan ng mainam na pandikit. Ang mata ay kasing dilim ng langit kung gabing may bagyo. At ang invisible na pwersa ay tila mabigat na batong nahulog sa bangin.
Isang beses akong umatras. Ang bulong ng isip ko, tumakbo na hangga’t may tsansa. May mga tao sa paligid na pwede akong tulungan. Pero ang minumungkahi ng puso ko… manatiling nakatayo. Namnamin ang binibigay niyang atensyon. Iyon ay kahit galit ang nakikita ko sa mata niyang palaging hinihigop ako sa mundo niya.
He slowly stepped his right foot towards me. Inabot ang braso ko. Parang bakal ang daliring pumulupot at tumagos hanggang buto ko. Para bang tinatatak niya ang bawat guhit ng balat.
Napangiwi ako sa diin.
“Nick.”
Hector tried to pull his shoulder away from me. My lips slowly parted. Para akong kakapusin ng hininga.
But Nick moved closer again. “Sa tingin mo makakatakas ka pa? Sisiguruduhin kong hindi ka makakatungtong sa eroplanong sasakyan mo… Pearl Francesca!”
Tila hinampas ang dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan ko. Nanggaling sa kanya. Sinambit niya nang malinaw ang pangalan ko!
Namilog lalo ang mga mata ko. Napatingin ako kay Hector. Napatingin ako kay Anton. Hinila ako ni Nick kaya napabaling ako sa kanya.
“Sumama ka sa akin!”
“Teka, Nick,”
Pero parang wala siyang narinig. Kuryosong pinapanood kami ni Jewel na buhat niya at nakakapit sa balikat niya. Nang hilahin niya ako, nabitawan ko ang bag ko. Pinulot ni Anton na iiling-iling.
“Don’t drag her that way, Nick. Baka makalahata ang mga tao at magsabi sa Airport Police.”
“I don’t f*****g care!” matalim niyang sulyap kay Hector.
Nakita ko ang pagkabahala ni Hector sa ginagawang paghila sa akin ni Nick. Tumingin siya sa paligid. May ilang napapabaling. Pero karamihan ay walang pakielam sa amin. Kahit halos maputol ang kamay sa braso sa higpit ng hawak ni Nick. Tinitingnan ko ang daraanan. Palabas kami ng Airport.
Naghihintay na agad ang sasakyan niya. Kabadong-kabado ako. Takot na takot sa maaaring mangyari. Pero hirap na akong magpumiglas. Isinakay niya kami ni Jewel. Sinunod ni Anton ang gamit ko. Nag-usap silang magkapatid sandali. May dala itong sasakyan at kasabay si Hector.
“Saan mo sila dadalhin, Kuya?”
Inayos ni Nick ang seatbelt ko. Natigilan ako. Sumagot siya nang tumatama ang hininga malapit sa mukha ko.
“Sa mansyon.”
“Sunod kami.” sabay sarado ni Anton ng pinto sa likod.
Tutok na tutok ang mata niya sa kalsada. Natakot akong kausapin siya o kahit magtanong. May karapatan ba akong magtanong sa kanya?
Kilala na niya ako. Kilala na ako ni Nick!
Nanginig ang labi ko sa katotohanang iyon. Hindi na ako si Ruby na ina ng anak niya. Hindi na ako pwedeng kausapin siya sa paraang dati kaming magkarelasyon. Dahil ang totoo ay hindi kami magkakilala. Dahil ang totoo ay niloko ko siya.
Hinawakan ko ang kamay ko. Nanginginig ito. At hindi ko mapigilan. Papalayo na kami ngayon sa NAIA. Papalayo na sa dapat ay huli kong destinasyon sa Maynila. Maiiwan na ako ng eroplano. At haharapin ko ngayon ang nilayuan kong senaryo.
“Uhaw na po ako, Mommy,”
Kumurap-kurap ako. Nilingon ko si Jewel sa likod. Mabigat ang talukap ng mata niya.
“Ahm… may baon ka bang tubig? Nasaan ang water bottle mo?”
“Wala siyang dala. Kinuha ko siya agad sa inyo pagkatapos kong malamang umalis ka na.”
Nang magsalita si Nick, napagtanto kong, iba na siya. Umiigting ang panga niya pero nako-concentrate pa rin sa pagdadrive.
“O-Okay. Baka pwedeng huminto tayo sa pinakamalapit na tindahan. Bibilhan ko siya ng tubig,”
Hindi na siya umimik. Isang beses ko pang sinulyapan si Jewel bago ako umayos ng upo.
Hininto nga ni Nick ang sasakyan sa nadaan naming grocery store. Pero siya na ang bumaba para bumili. Bago siya umalis, mariin niya akong pinagsabihan.
“Huwag mong subukang tumakas at kunin ang anak ko. Mahahanap din kita, Pearl.”
“H-hindi…”
“Then good.” sabay sarado ng pinto. Nagtuloy-tuloy siya sa tindahan. With that brooding and intimidating attitude. I watched him.
Damang-dama ko ang kinakatakutan ko. Ang consequence ng desisyon ko. Totoo nga ang sabi nila. Walang lihim ang hindi nabubunyag. Walang kasinungaling hindi nalalantad. At nag-iiba ang ugali ng tao base sa kung ano ang ugali mo rin sa kanila. Ngayon… iba na. Iba na rin ang Nick na ito. Iba na rin ang buhay ko sa Maynila.
My life is now tainted with my sin. My name is now ruined.
Dinala niya kami sa mansyon ng mga magulang niya. Kumalabog ang dibdib ko. Paghinto niya, pinababa niya ako at kukunin niya si Jewel. Nakatulog ang bata.
“Pumasok ka sa loob. Iaakyat ko lang siya sa kwarto ko,”
Sumunod ako dahil galit siya. Sinundan ko siya ng tingin habang umaakyat sa hagdanan. Mas may karapatan na siya ngayon kay Jewel kaysa sa akin na Tita lang. Mas malaya na siyang kumilos kaysa sa akin. Mas mataas na ang ranggo niya.
Tumayo ako sa gitna ng sala. Mag-isa ako. Hindi ko alam kung anong ikikilos. Wala pa sina Anton. Walang sasakyang dumarating. Nang may lumabas na kasambahay, nilapitan ako.
Napalunok ako. “Ahm…”
“Pinapapasok na po kayo sa opisina ni Sir Reynald, Ma’am. Dito po ang daan.”
“Uh, s-salamat po.”
Naalala ko ang daan papunta sa kwartong iyon pero sinamahan pa rin niya ako. Kumatok ito. Pagbukas niya ng pinto, mabagal at nahihiya akong humakbang sa loob. Pero para lang mahulog ang puso ko sa sahig—nakita ko ang namumutlang mukha ng Tatay ko!
“Tay!”
Sa malalaking hakbang ay nilapitan ko si Tatay Vic. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mag-isa. May taong nakaupo sa working table. Pero kilala ko na kung sino iyon. At may isa pang babaeng nakatayo tabi no’n.
Napahikbi si Tatay pagkayakap sa akin. Namimilog ang mata ko. Mangha-mangha ako. Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko, para na akong hihimatayin sa kaba!
“Tay… ayos lang po ba kayo?”
Isang beses akong lumunok. Tiningnan ko ang tumatanda niyang mukha. Sinuri ko ang ulap ng takot sa kanyang mga mata. Nilalamig ang kamay niya. Para siyang aatakihin sa puso.
“May nararamdaman po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?”
Pero nasasaktan ang mata niya akong tiningnan. “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, anak. Ikaw…” suminghap siya.
Bumukas ang pinto ng opisina. Unang pumasok si Nick. Kasunod nito sina Anton at Hector. Sinarado ni Hector ang pinto at tumayo sa tabi no’n.
Relax na umupo si Anton sa sofa. Ngumingisi. At si Nick ay lumapit sa tabi ng mesa ng ama nila.
Tumayo ako sa tabi ni Tatay Vic. Para nila kaming hahatulan. Parang bababaan ng sintensya. Tiningnan ko si Ma’am Kristina. Suntok sa dibdib ang naramdaman ko nang magkatinginan kami. She looked cold. She looked indifferent. At nalulungkot ako sa nakikita kong emosyon sa kanya. Sa kanilang lahat, siya ang pinakahuling taong gusto kong saktan. Naaalala ko sa kanya ang Nanay Clara. Maamo at mabait. Maganda at magaan kausap. Dama ko ang pagmamahal niya sa pamilya. At masakit isiping alam na niya ngayon ang pagpapanggap ko.
My eyes flew back to that man I thought I’d never see again. Mariin kong sinarado ang labi. Umaatras na naman ang mga paa ko. Paunti-unti. Gusto kong magtago. Gusto kong itago ang init ng kahihiyan na nadarama ko ngayon. Gusto kong takasan ang ginawa kahit panandalian.
Kung titigan ako ni Nick, parang ako lang ang nakikita. Sabagay, ako lang ang may kasalanan.
“Nakikiusap po ako sa inyo, Mr. de Silva. Ako na lang ang parusahan niyo at huwag ang anak ko. Ako talaga ang nagsabing magpanggap na si Ruby,”
“Tay!”
Inilingan niya ako. “Ako ang may kasalanan. Pinapunta ka lang dito sa Maynila para makaligtas ang kapatid mo!”
My teeth gritted. “Hindi po totoo ‘yan.”
“Huwag ka nang magpanggap, anak. Tama na.”
Imbes na matuwa, para niya akong sinaksak sa dibdib. Aakuin ni Tatay Vic ito. Gagawin niya para sa aming mga anak niya. Pero hindi ako papayag. Tinapangan ko ang sarili. Humarap ako sa mga De Silva.
“A-Ako po ang may kasalanan,”
“Perlas!”
“Ako ang nag-umpisa ng lahat. Inako ko ang pwesto ni Ruby.”
Natahimik ang lahat. Parang walang gustong magdugtong. Paglipas ng ilang segundo, saka lang may nangahas na basagin ang katahimikan.
“Bakit?” tanong ni Nick.
Lumunok ako. “D-Dahil… d-dahil ayokong iwan sina Tatay at Jewel. Maraming humahabol sa kambal ko. Iyong iba, nananakot. At may nananakit. Hindi ko sila pwedeng iwanan.”
“Baka naman ginusto mong magpanggap pagkatapos mong malamang ang anak ko ang ama ni Jewel.”
“Hindi po totoo ‘yan, Sir.” Mariin kong sagot. “Kahit hindi siya ang ama ni Jewel, pero nasa panganib ang mga buhay nila, ganoon pa rin ang desisyon ko.”
“Bakit hindi ka agad nagtapat?”
“Kasi po… may atraso rin si Ruby sa kanya.”
Sir Reynald’s eyes are scrutinizing me. “Imbes na umalis ka o magtapat, pinanindigan mo pang ikaw si Ruby? Hindi ka natakot sa buhay mo, hija?”
“N-natakot po.”
Bumaba ang mata ko sa sahig. Inaalala ang bawat pangalan at mga mahal ko sa buhay na tangi kong pinag-aalayan ng sarili.
“Takot na takot po ako. Pero hindi para sa buhay ko, Sir. Kundi para sa pamilya ko,”
Nakita kong gumalaw nang kaunti si Ma’am Kristina. Pero pinagpatuloy ko ang sinasabi.
“Natakot ako kay Nick. Natakot ako sa mga taong tinakbuhan ng kambal ko. Mas takot po akong iwanang may problema ang Tatay ko. Ang bata pa ni Jewel. Paano kung pati ang pamangkin ko ay madamay? May ginagawa naman pong solusyon si Ruby kaya wala siya rito. Panandalian kong tatayuan ang buhay niya hanggang sa makabalik siya. At pumayag po ako. Ginusto ko. Pero para pagsilbihan ang pamilya ko.”
“Tinakbo ng kapatid mo ang perang hindi kanya. Krimen ang ginawa niya. Nasaan na siya ngayon?”
“Hindi ko po alam, Sir. Sa huling tawag niya, hinahabol daw niya ang junket casino operator na nanloko rin sa kanya. Gumagawa po siya nang paraan para mabawi ang pera at mabalik sa tunay na may-ari. May plano rin po akong bayaran iyon. Uunti-unti ko. Magtatrabaho po ako para tulungan si Ruby,”
But Nick grinned. “Ilang taon mo planong bayaran ang isang bilyon?”
“Kaya kong gawin ang lahat kung para sa ikaliligtas ng kapatid ko. Kung ilang taon, hindi ko alam. Pero gagawa ako paraan para matubos ang tahimik na buhay niya.”
“That’s impossible. Pero sige. Gawin mo. Ako ang babayaran mo.” mahinahon niyang hamon.
Nagtitigan kaming dalawa. Alam kong hindi siya nagbibiro. Dahil siya ang naglabas ng isang bilyon para wala nang manggulo sa bahay ni Tatay Vic. Para rin kay Jewel. Talo ako kung siya ang kalaban ko. At tama siya. Siya nga ang dapat bayaran dahil siya ang nagpaluwal ng pera. Hindi ko hiniling pero hindi ko rin dapat takbuhan iyon. Habang wala pa ang kambal ko.
Sir Reynald sighed heavily. “This isn’t all about the money, Nick. Niloko niya tayong lahat. Inakala nating siya ang ina ng bata. Kung para sa pamilya, maiintindihan ko. Pero talagang ginawa niya nang hindi natatakot sa sariling buhay? Paano na ang dati mong kinagawian, hija?”
“Hindi ko po sinabi ang totoo sa mga Tiyang ko sa Cebu. Alam kong mag-aalala sila kapag nagtapat ako.”
“At pumayag ang Tatay mo na magpanggap ka?” akusa niya.
Mabilis akong umiling. Ramdam kong hindi ito matatapos nang walang napaparusahan sa amin. “Tutol po ang tatay ko sa desisyon ko, Sir Reynald. Wala po siyang kinalaman. Ayaw na ayaw po niyang akuin ko ang pagiging ina kay Jewel at pati… ang pakikiharap sa ama niya. Ilang beses na po niya akong pinapabalik sa Cebu. Ako lang po ang matigas ang ulo. Kaya… kasalanan ko po ito lahat, Sir, Ma’am… ako po ang may kasalanan!”
Nanginig ulit ang labi ko. Buo na ang loob ko para sa sukdulang pagligtas kina Tatay.
“Nakikiusap po ako…”
Bumitaw ako sa hawak ni Tatay sa kamay. Tumunog ang buto ko. Pero mahina iyon para panghinaan ng loob o magbawi pa ng desisyon. Dahan-dahan kong tiniklop ang isang tuhod. Yumuko ako. Tiningnan ko ang carpet na sahig. Pero bago ko pa maramdaman ang tuhod doon, mabilis ang pag-angat ko.
Nakahapit sa baywang ko si Nick at mabilis akong tinayo na parang nabuwal ako.
Tumingala ako. Nangangalit nanaman ang panga niya. Parang gusto akong kagatin ng ngipin niya. Nagkalapit ulit angmga mukha namin. At sa maiksing segundo, nakita ko siya. Siya lang at walang iba.
“Don’t you dare do it again. I swear. I’ll tie you on a chair!” he hissed and very unpleased.
“Huwag niyo nang idamay si Tatay. Ako na lang…” bulong ko sakanya. Hinanap ko ang paningin nina Ma’am Kristina. “Ako na lang po ang parusahan niyo, Ma’am Kristina. Handa po ako. Ako po ang may kagagawan nito,”
Tumayo si Anton. Umiling at namulsa. Pero seryoso ang matang lumipad sa akin.
“You are too selfless, Pearl. I mean, one of a kind. Ang swerte ni Ruby sa ‘yo.”
Napayuko ako. Napahiya. Bumitaw ako kay Nick pero ramdam ko ang pagtanggi niya. Imbes na iwan ako, giniya niya ako paupo sa sofa. Pagkaupo ako, nag-squat siya sa paanan ko. Hinanap niya angpaningin ko.
“Gusto mo ng tubig?”
Hindi ako sumagot. Tumulo ang luha ko. Pinunasan ko iyon at basta na lang umiling. Umupo satabi ko si Tatay at inalu ako.
“Kung paparusahan ninyo ang anak ko, Nick, mabuti pang isama niyo na rin ako. Hindi ko maaatim siya lang ang masaktan dito. Ama niya ako. At alam kong ganoon din ang gagawin mo sakaling si Jewel naman angnasa posisyon niya.”
Nagtakip ako ng mukha ko. Ano pa ba ang maipapakita ko sa kanila? Sugat sugat na ako. Siguro, kahit ilang beses akong humingi ng patawad, hindi nila iyon maiintindihan. Ang babang klase ko sakanila.
“Hindi ko po sasaktan ang anak niyo, Sir. Huminahon po kayo.” Magalang na sagot ni Nick.
“Kung ganoon, papauwiin niyo rin kami pagkatapos nitong lahat?”
Naramdaman ko ang pagtayo ni Nick. May tumikhim. Narinig ko ang mahinang pag-uusap ng mag-asawa.
“Wala pong uuwi sa inyo.”
“Ano ang ibig niyong sabihin? Mr. de Silva?”
“Hindi po kayo aalis ng bahay na ito. Walang babalik sa inyo hangga’t wala pa tayong napagkakasunduan. At maslalong hindi aalis ang anak ko at si Pearl.”
Napaawang anglabi ko sa anunsyo ni Nick. Nag-angat ako ngtingin. Nakapamulsa siya at nakatingin saakin.
“Hindi ako papayag na makaalis ka.” deretsahan niyang sabi sa akin.
Nagtitigan kami ni Nick sa loob ng opisinang iyon. Sinabihan siya ng ama na palabasin muna kami para makapag-usap sila masinsinan.
Tahimik kaming dinala ni Ma’am Kristina sa dinning room. Tinitigan ko ang isang baso ng tubig na nasa harapan ko. Kahit si Tatay sa tabi ko ay hindi makapagsalita. Pero sinamahan pa rin kami ni Ma’am Kristina.
Nakaupo siya sa kabisera. Lumalabas galing sa kusina ang matandang babae para magtanong sa kanya kung anong gustong putahe mamayang gabi. Mahinahon siyang magsalita. Palaging alam ang sinasabi. Parang kabisado na niya ang menu nila. Narinig kong gusto iyon ni Reynald. O ni Nick. Kapag nagbibigay siya ng suhestyon, karugtong ang gusto ng pamilya niya.
Pinipigilan ko ang sariling sulyapan si Madam. Nakakahiya. Kahit ang pag-upo rito sa mesang pampamilya ay nakakaliit na. Sinulyapan kami ng matandang babae.
“Isasama kona sila sa hapunan, ma’am?”
“Opo. Salamat. Manang, isama niyo rin po sa menu ang chocolate cake. Mamaya baka maghanap ang apo ko ng matamis. Hindi pa naman ako nakagawa ng salad. Ayun lang muna. Bukas siguro maggogrocery ako.”
“Walang problema. Nasa kusina lang ako kung maykailangan ka.”
Tinanguan ni Madam ang matandang babae.
“Dito nakayo maghapunan, Victorio… Pearl.”
Saka lang ako nakaramdam ng lakas natingnan siya.
“’Wag na po kayo mag-abala, Ma’am. Baka mas mabuti pong umuwi na lang kami ni Tatay at Jewel.”
Pinagmasdan niya ako. Pakiramdam ko ayhindi niya papansinin angpagtanggi ko.
“Hanggang saan mo kayang… itaya ang sarili para sa mahal sa buhay?”
Bahagya akong nagulat sa tinanong niya. Napatingin ulit ako sa kanya. Atnaiwan ang mata ko samukha niya. Ma’am Kristina stared at me. Her face is impassive but even if I’m scared, I can still see the softness and kindness from her heart.
Para siyang babaeng marami nang pinagdaanan at mayroon nang natutunan. You can detect it from her aura. From her expression. At sa bawat pagkilos ko, pinapanood niya.
“Hanggang may… lakas pa po ako.” Nanghihina ko namang sagot.
She tilted her head a little. “Dalaga ka pa, hindi ba?”
“Opo,”
“Ang ibang babaeng kaedaran mo, mas gugustuhing habulin ang pangarap na career. O maggrow sa piniling profession at mag-asawa. Bumuo ng sariling pamilya. Magtravel at kung anu-ano pa. Para habang single ay worth it ang panahon nila. Bakit mo piniling mag-aruga ng pamangkin? Gayong sa tingin ko, hindi mo alam kung kailan babalik ang kapatid mo. Tama ba?”
“Hindi po sayang mag-alaga ng pamilya. Kung… binigyan man ako ng Diyos ng oras para habulin ang career na gusto ko, siguro po hahabulin ko. Pero mas kailangan ako ngayon ng pamilya. Balewala ang paghabol sa career kung sira naman kami. Kahit hindi ako angmommy ni Jewel. Kahit Tita lang ako. Iisa parin angdugo namin. Aanhin kopo ang magandang credentials kung wala akongmga taong babahaginan no’n.”
Nariyan sina Tiyang Adora, Bertha at Alma. Mula pagmulat ng mata ko, kasama ko sila. Pero sina Tatay, Ruby at Jewel ay pamilya korin. Hindi ko pwedeng kunin ang isa at pabayaan ang isa pa. Hindi. Hindi ko makakaya iyon.
“I’m sure angmga kaibigan mo sa Cebu at kasabayan mo, may kanya-kanya ng buhay. Hindi ka ba naiinggit sa ganoon? Mas gusto mong mag-alaga na lang ng bata na hindi mo anak?”
“Kung pare-pareho po anglagay ngbuhay namin, kinalakihan at miyembro ngpamilya, siguro po pare-pareho po kami ngbuhay ngayon. Pero kungwala ako sa buhay ng tatay at pamangkin, sino po tutulong sakanila? Matanda na ng tatay ko. At hindipo ako naghahangad na umangat nang sobra sa buhay. Hindi kopo iyon kailangan. Ang pagpapalaki sa akin ng Nanay Clara ko, ay palaging magpasalamat sa kung anong panahon at matanggap namin sa buhay. At ayoko pong ipares angbuhay kosa ibang tao. Mali po iyon.”
“Pearl, may personal ka ring buhay.”
“Personal choice ko pong piliin ang pamilya. Sila po ang priority ko.”
Tinitigan niya ako. Hindi ko inalis angpaningin sa kanya. Hindi ko maipipilit sa kanya ang naging paniniwala ko. Pero okay lang iyon. Magkaiba naman kami ng kinalakihan. Iba ang naging buhay niya at buhay ko. Kahit maglatag ako ng ilang milyong salita pero hindi bukas ang isapan niya, nagsasayang ako ng oras. Maintindihan man niya, ano ngayon sa akin? Hindi pa rin magbabago ang sitwasyon ko. May kasalanan pa rin ako.
Pero ngumiti siya. Napatitig pa ako sa kanya nang ngitian niya ako. Pati sa Tatay ko.
“Sana nakilala kopa ang Nanay Clara mo. Sigurado akong magiging proud siya sa ‘yo.” Sabi niya nang nakangiti.
“Ma’am…”
She sighed. “Pero hindi kapa abswelto. Hihintayin pa natin kung anong magiging desisyon ng asawa ko at ni Nick tungkol sa ginawa mo. Siguro kung ako, palalagpasin ko ito pagkatapos kong marinig angkwento mo. Pero iba sa kanila. Lalo na kay Nick. Unang anak niya si Jewel. This will be special.”
Tumikhim si Tatay. “Tungkol po sa pagbabayad, Madam. Kung gusto niyo, ibibigay ko ang titulo ng bahay ko. Para makaawas-awas namin kami ng utang sa anak niyo. Kahit bukas o mamaya, iaabot ko na!”
Umiling si Ma’am Kristina. “Sa tingin ko hindi kakagatin ‘yan ni Nick, Victorio. Ayaw naman niyang mawalan ng matitirhan ang anak niya at lolo nito. Hindi niya pinayagang lumuhod ang anak mo sa amin. Makakahanap siya ng paraan sa pagbabayad.”
“Nakatapos po ako, Ma’am Kristina. Kung gusto niyo po, pwede akong magtrabaho sa inyo. Nang walang bayad. Hindi po ako magrereklamo kahit anopo ang ipagawa ninyo saakin,”
Inabot niya ang pisngi ko. Banayadna ngumiti. Marahan akong tinapik.
“Alam ko ang nararamdaman mo, hija. Pero huwag mong akuin lahat ng responsibilidad. Hindi iyon sa ‘yo. At limitado ang magagawa mo. Naibigay mo na ang kaya mong ibigay. Iwan mo na ang iba kay Ruby.”
Hindi ko maintindihan kung bakit, pero nakaramdam ako ng gaan ng loob sa sinabi ni Ma’am Kristina. Parabang maykinalas siyang tali at napalaya ako. Pero masakit pa ring isiping may problema pa rin si Ruby. Sa puso ko, gumaan naman ito.
Inabot na kami ng dilim. Nagising na rin si Jewel na umiiyak at hinahanap ang mommy niya. Agad ko siyang binuhat. Sinubukan ni Nick kuhanin siya pero inaayawan ito ng bata. Hinayaan na niya sa akin.
Nagpaalam si Hector bago maghapunan. Dumating na rin si Yandrei. Gulat na gulat nang makita kaming lahat. Pero nagniningning angmga mata pagkakita kay Hector.
Tumikhim si Hector. “Aalis na po ako, Mr. de Silva, Ma’am,”
“Agad-agad? Kain ka muna.” Aya ni Yandrei. Tumayo siya sa may pintuan naparang hinaharang anglalaki.
“Hindi na. Salamat. Maypupuntahan akong meeting.”
Humalukipkip si Yandrei. Nakasuot ito ng pantalong maong at kulay pink na polo shirt. May tatak ngpangalan ng eskwelahan saharap.
“Minsan kalang dumayo rito, Attorney. Dito ka na kumain. Masarap ang pagkain namin!”
Hector sighed. “May ka-meeting ako, Yandrei.”
“Hala? Ba’t ang ganda ng pangalan ko kapag galing sa ‘yo? Ang sarap pakinggan.”
Hinilot ni Hector ang pagitan ng mata niya. Nilingon niya ang dalawang kapatid ni Yandrei pero hindi nagsalita. Binalikan niya lang ulit si Yandrei na hindi umaalis sa pintuan.
“Kailangan ko nang umalis. Excuse me,” marahan nitong hinawi sa braso si Yandrei at pinihit ang doorknob.
Pero hindi nagpapigil si Yandrei. Tinulak niya pasara ang pinto at tinago sa likod ang doorknob.
“Yandrei.” Nick’s warning call.
She smiled at Hector. “Maya ka na umuwi. Baka pwedeng i-cancel mo ang meeting? Minsan ka lang dito sa amin, e. Sige na… please?”
Tiningnan ko ang pagkapikon ng mukha ni Nick sa paglapit niya sa kanya. Hinila niya si Yandrei sa braso. Inalis sa pintuan.
“Kuya naman, e!”
“Paawat ka nga! Kailangang umalis ni Hector!”
Angmga mata ni Hector ay pinanood ang paghila ni Nick sa braso ng kapatid. Medyo nagtagal iyon. Pero hindi lahat sa amin ay nahuli ang ginawa niya. Si Anton ay natatawa lang. At ang mga magulang nila ay nasa hapag na. SI Tatay ay naroon din. Sa pagpipigil ni Nick kay Yandrei, hindi niya napansin ang pagtitig ni Hector sa braso ni Yandrei.
Nakaalis naman ito. Pero nakasambakol ang mukha ng bunsong kapatid ni Nick.
Ito na yata ang pinakatahimik at awkward na hapunan na naranasan ko. Maliban kina Ma’am Kristina, Yandrei, Anton at Jewel. Halos normal ang pagkilos nila habang kumakain. Samantalang ako, bawat subo ko, parang ang bigat bigat ng kubyertos. At kapag napapasulyap ako kay Nick, nahuhuli ko ang tingin niya. Ang titig niya.
Pagkatapos ng hapunan, pumunta kaming lahat sa opisina. Nagserve ng kape sina Ma’am Kristina at Yandrei. Umiling ako. Pero dinalhan ako ng tsaa. Sumimsim ako habang naroon.
“Napag-usapan namin kanina, na hindi kami magsasampa ng kaso laban sa inyong mag-ama, Victorio. Ang sabi rin ni Hector, ang custody ng bata ay nakay Ruby pa rin. Pero dahil wala siya, napapabayaan niya ang anak. Wala ring trabaho si Pearl sa kasalukuyan at maliit lang ang negosyo niyo. Sa makatuwid, wala kayong kakayahang alagaan ang anak ni Nick.”
Halos mabitawan ko ang tasang hawak. Agad kong binaba sa lamesita at tumingin kay Sir Reynald. Katabi niya ang asawa na hinahalo pa ang kanyang kape.
Tulad ko, nagulantang din si Tatay sa tabi ko.
“Sumasapat naman ang kinikita ko sa salon.”
Bumuntong hininga si Sir Reynald. Napatuwid ng tayo angkanyang asawa.
“Ang iniisip namin ay ang kinabukasan ni Jewel. She is a De Silva. Pero hindi kasal ang mga magulang. Kung papabayaan lang ni Ruby ang bata at iaasa sa inyo, mas mabuti pang kunin na ni Nick ang anak at siya nang magpalaki,”
“Hindi po pwede ‘yon.” Angal ko.
“Wala kang karapatang magsabi niyan.” Sagot ni Nick.
Tiningnan ko siya. “Bakit hindi na lang natin daanin sa maayos na usapan imbes na daanin sa ganyang batas? Oo mahirap kami. Pero kaya pa rin naming buhayin ang bata.”
Nakaupo si Nick sa harapan ko. Hindi siya binigyan ng kape pero nagpakuha ito ng basong may yelo. Nagbukas ng alak at iyon ang sinisimsim habang nag-uusap-usap.
“Tayo ang mag-uusap? Ikaw ba ang ina?”
“H-hindi. Pero… habang wala si Ruby, ako ang tatayong ina niya.”
“Pero may ama siya. At nandito ako ngayon. Kaya ako ang may karapatan na magdesisyon tungkol sa makakabuti sa anak ko.”
“Pero nangako ka. Na hindi mo kukunin sa amin si Jewel!”
Kumunot ang noo niya. “Yes, I did. But to her mother. Not to you as her selfless auntie.”
My teeth gritted. “Kapatid ako ng ina niya.”
“Ako ang ama. Kahit dalhin pa natin ito sa korte, ako pa rin ang papaboran ng batas.”
Hinawakan na ni Tatay ang braso ko nanghindi ko inaalis ang sumasamang titig kay Nick.
“Naiintindihan namin ang sinasabi niyong batas, Mr. de Silva. Kaya nagpapakumbaba kami. Huwag niyo namang kunin sa amin ang apo ko. Hindi namin kayo pagbabawalang makita siya at makasama. Kung gusto niyong tumulong sa pag-aalaga, bukas ang tahanan ko. Pero… pakiusap, huwag niyo siyang kunin. Mahirap… apo ko rin iyon.”
Inakbayan ni Ma’am Kristina ang asawa samga balikat. Bumuntonghininga si Sir Reynald pagkatapos ng ilang sandali. Binalingan niya ang anak na panganay.
“Ikaw ang magdesisyon nito, Nick. Kung dadalhin mo pa sakorte o hindi na.”
“Pag-iisipan ko, dad.”
Pumait ang mukha ko. “Bakit kailangan mong pag-isipan? Naging masama ba kami sa ‘yo? Nasagi ba namin ang pagkatao mo? Wala nga si Ruby pero… wala rin ba kaming karapatan o kahit si Tatay na tumayong ama sakanya noong wala ka?”
“Babawi ako sa kanya. Kaya nga iniisip namin ang mas nakakabuti.”
Umiling ako. “Hindi iyan ang nakikita ko sa ‘yo. Mas gusto mong solohin ang bata. At may iba ka pang plano. Hindi ba?”
“Isipin mo nalang kung sinong mas may kakayahan para buhayin siya.”
I scoffed but the pain in my heart is now alive.
“Ang hirap makipag-usap sa ‘yo.”
Biglang tumawa si Anton. Masamang tingin ang reward niya kay Nick.
“Mas okay naman yata kung mag-share sa pag-aalaga sa bata, kuya. Dapat kay Ruby ka galit. Hindikay Pearl.”
“You shut up.” Nick answered.
Mabigat na bumuntonghininga si Sir Reynald. “Mukhang hindi natin matatapos ang usaping ito ngayong gabi. Mabuti pang magsipahinga muna tayo at balikan natin ito bukas.”
Tumayo si Sir Reynald. Napatayo na rin ako at kuha kay Jewel.
“O saan kayo pupunta?”
Ayoko na talagang kausapin itong si Nick. Napipikon din ako. Tapos kung magtanong ay para bang nakakaloko ang ginagawa ko.
“Uuwi na.”
He stood up. Kinuha ang isang kamay ni Jewel. Natigilan ako. Natigilan ang lahat ng tao sa kwarto.
“Anong ginagawa mo?” mangha kong tanong.
Kinuha niya si Jewel. Binuhat.
“Patutulugin na siya sa kwarto. Inaantok na ang anak ko.”
Pinigilan kong siyang lumabas. “Hindi pwede, Nick. Uuwi na kami.”
Tinuro niya ako. “Pinapaalala ko lang, hindi ka rin pwedeng umuwi. Dito kayo matutulog ng anak ko. Kahit si Sir Vic ay dito rin matutulog.”
“Anong…”
Kailangan kong malinawan sa mga sinasabi niya. Kaya kinausap ako ni Ma’am Kristina.
“Pinahanda na ni Nick ang guest room para kay Victorio. Ang ibig sabihin niya kasi, huwag na muna kayong umuwi para mapag-usapan pa natin ang tungkol sa inyo at sa bata. Ang sabi niya, dalawang beses mo na raw binalak na umalis. Kaya ito ang naging desisyon niya. Isa pa, hindi pa tapos ang tungkol sa custody. Dumito muna kayo para maging maayos ang lahat.”
Kay Ma’am Kristina lang ako nakakaramdam ng panatag kapag mahirap kausap si Nick. Sa huli, pumayag na rin kami Tatay.
“Saan po kami ni Jewel, Ma’am?” pangahas kong tanong. Nahahapo na rin ako at inaantok na rin ang pamangkin ko.
“Uh… saan nga ba sila, Nick? Anong kwarto ang pinaayos mo?”
Kabubukas lang ni Nick ng pinto nang lingunin niya kami.
“Sa kwarto ko sila matutulog.”
Nagkatinginan kami ni Ma’am Kristina. Nagulat ako. Siguro mas gulat siya pero hindi kita sa mukha niya. Tinapik niya ang braso ko.
“He’s a bit of his father. Don’t worry. Ang alam ko ay may pag-uusapan pa sila ni Reynald. Kaya hindi iyon matutulog. Kung magpahinga man, baka dito na lang sa baba. Sige na, Pearl. Magpahinga ka na. Bukas na lang ulit.”