Chapter 16

4903 Words
“Kaya lagi namin kayong pinagpe-pray sa Diyos, na sana gawin niya kayong deserving sa buhay na gusto niya para sa inyo. Sana, sa tulong ng kapangyarihan nya, magawa nyo ang laaht ng mabuting bagay na gusto nyong gawin at maging perfect ang mga ginagawa nyo dahil sa faith nyo.” 2 Thessalonians 1:11 -- Chapter 16 Pearl Nakatayo ako sa harapan ni Mrs. Kristina Marie de Silva sa loob ng library ng mansyon nina Dylan at Ruth. Kusa akong tumayo matapos kong mapagtanto ang presensya niya. Naiwan kami. Ako, si Nick, sina Dylan at Ruth. Pinalabas ang mga bata. Sinusundan niya ng titig si Jewel. Pero sinama ang pamangkin ko nina Yale, Deanne at Anton sa labas ng kwartong ito. Sumama si Jewel nang wala ako dahil nalilibang sa pakikipaglaro sa pangalawang pinsan niyang si Joaquin Montevista. Tinapik ni Yale si Nick sa balikat nang hindi inaalis ni Nick ang tingin sa kanyang ina. Kinakabahan ako. Ang makilala at tumayong deretso sa harapan ng Lola ni Jewel. Hindi dapat ako ang narito. Dapat si Ruby! Baka mas makaya niya ang pakiharapan ang Mommy ni Nick. Ilang beses siyang pinakalma nina Ruth. Pinainom ng tubig at pinaupo sa sofa. Tinitingnan niya ako. Hindi matalim. Kundi nanunuri. Sa kanyang mata, ako ang ina ng anak ng kanyang panganay. Ang nagluwal sa bata. Ang kahati sa dugo niya. Ang nabuntis ng anak niya. Ang kawalan ng nalalaman sa loob ng ilang taon, ang naging sanhi ng nakikita kong muhi sa mata niya. Hindi pa pala sinasabi ni Nick sa mga magulang. Pero bakit ang mga pinsan at kapatid ay alam? Bakit? Nahihiya ba siyang malamang may naanakan na siya four years ago? Nilulukot ang puso ko. Akala ko ay plantsado na sa kanyang Partido. Na nag-e-exist na sa kanila ang pamangkin ko at si Ruby. Pero hindi pala. Nick kept them out from his parents. He kept them behind. He kept them unacknowledged. Natahimik silang lahat. Ruth couldn’t smile a bit. Isang beses nilapitan niya ako. Hinawakan sa braso. Bahagyang nilayo sa Auntie niya. Nick saw what she did. He sighed deeply. Tinititigan siya ng mommy niya. Ang labi nito ay dumiin. Parang naiinis pero nagpipigil. But her beauty and elegance didn’t falter a bit. Napapatitig ako sa maganda niyang mukha. Hinahanap ko ang resemblance ni Nick sa kanya. Pero ang nakikita ko ay mukha ni Yandrei. Siguro ay mas kamukha ni Nick ang daddy niya. Pinagkukurut ko ang daliri ko. Yumuko ako nang magtama ang mga mata namin. Lumakad si Nick sa likod ko. Hindi ko siya binalingan. Si Dylan ay nakaupo na sa edge ng kanyang mesa. Habang si Ruth ay nakatayo isang dipa ang layo sa gilid ko. “Alam ng mga pinsan mo ang tungkol sa anak mo, pero hindi mo sinasabi sa amin ng dad mo?” “Mom, I can explain- “Explain what? What? Nandito kayo kina Dylan at Ruth. Kasama pa sina Yale at Deanne… Bakit kailangan mong ilihim sa amin ‘to? Kung hindi pa nadulas ang dila ni Anton ay hindi ko pa malalamang dumalaw sila rito! At wala kang sinabing kahit na ano na dapat ay kami na magulang mo ang unang nakaalam!” “Okay. I’m sorry for not telling you about my daughter- “Your daughter! Oh my… nahihilo na naman ako…” “Tita Tin relax lang po. Uminom po kayo ng tubig,” Ruth ran to her side. Inabot niya rito ang baso ng tubig. Pinainom. Hinagod niya sa likod. Tiningnan ko ang ventilation ng room. Nakabukas ang bintana. Wala akong makitang electric fan para sana ay buksan at makahinga siya nang maluwag. Pwede ring pamaypay. Pero wala rin akong makitang pamaypay maliban sa matitigas na folder at envelope sa working table ni Dylan. My foot moved a bit. Gusto kong kumuha no’n sa mesa pero nakapako ang mga paa ko sa sahig. “Ang mabuti pa iuwi na muna kayo ni Anton sa bahay- “Don’t you dare.” Napatda ako sa madiin pero mahinang boses ni Mrs. Kristina de Silva. Natigilan agad si Nick. Her mother threw a furious glance at her own son. Natitiyak kong sakit sa dibdib ang papalit sa galit nito. Magkasamang shock at disappointment. Kombinasyong mahirap pagalingin at katumbas ay latay sa alaala. “Ilang taon na ang bata?” She looked at me. Napatuwid ako ng tayo. “Three years old po, Ma’am.” I informed her not as the mother but as Jewel’s aunt. I said it simple and clear. “Three?! And it’s been four years and you never tell us, Nicholas de Silva! May apo na pala akong lumalaki pero ni isang beses ay hindi ko pa nakikita! Kung totoong may balak kang sabihin sa amin ng daddy mo ang tungkol sa kanya, dapat nagawa mo na sa loob ng apat na taon! Anong ginawa mo sa mga panahon na ‘yan, Nick?” Nick didn’t answer that. Nakatingin siya sa Mommy niya. Pero hindi natitibag ang pagkakatayo. Tumayo si Mrs. de Silva. Tiningnan ako. Nilapitan at pinasadahan ng kanyang mata. “Anong pangalan mo, hija?” I gulped nervously. “Ruby Herrera po, Ma’am.” “Ilang taon ka na?” “Twenty-three po.” “Then, you were only nineteen when my son got you pregnant! Nineteen and alone!” Lumipat siya kay Nick. I can see her delicate jaw clenching while staring furiously at her son. Mabagal siyang umiling. Parang sasabog ang dibdib ko sa bawat kilos at salita ng mommy niya. Pero si Nick… parang walang kahit na anong damdaming pumapasok sa kanya. Kaya niyang tingnan nang walang reaksyon ng ina niya. Kaya niyang magsalita nang hindi nauutal. Na parang pinaghandaan naman niya ito. Pinag isipan. Pinagplanuhan. Parang business plan na hindi matitibag. Dylan cleared his throat. “I’m sure Nick can give you his own version of this, Tita. Kami rin naman po ay nagulat. Pero ang sabi niya ay paghahandaan pa niya ang pagsasabi sa inyo ni Tito Reynald.” The Madam looked at his nephew with cold and sadness rushed in her eyes. I bit my lip a bit while staring at her face. “Naghahanda pa ba kayo ng engrandeng meeting o dinner o party para ipakilalang may apo na kami? Can you imagine my shock after learning that my own son deprived us to know about the existence of my grandchild? Hindi ko matatanggap ang dahilan na ‘yan, hijo. Sa lahat, kami dapat ang unang nakaalam. Hindi iyong lahat ng kayong magpipinsan, nasabihan na. Minamaliit ninyo ang ganitong sitwasyon.” “Nahirapan lang din po si Nick, Tita. Wala silang malinaw na relasyon ni Ruby nang mabuntis ito. They didn’t even communicate for the past years. Recent lang nang bumalik si Nick sa Pilipinas. We were struggling towards our security, then. At iyon ang inuna niya bago ito.” “Ayun na nga e. Magkakasama tayong lahat sa States. Sa haba ng apat na taon, may isang araw siya para ibalita sa amin na may anak na ang pinsan mo. Alam niya. Pero tinago. Bakit? Dahil walang relasyon? Hindi man lang inisip ang magiging kalagayan ng mag-inang iniwan sa Pilipinas? Nagpapadala ba siya ng sustento man lang?” Bumaling siya sa akin. Napasinghap ako. Tiningnan ko si Nick. Siya ng gusto kong sumagot no’n. Pero sa nakikita ko sa kanya, hahayaan niyang ako ang sumalo sa tanong na iyon. “Nagbigay na po siya ngayon, Ma’am. I mean, willing naman pong tumulong si Nick sa gastuhin para kay Jewel.” I heard Ruth loud sigh. I gulped. Nick still didn’t move even a single bit. “So, ngayon lang. Kung kailan tatlong taon na ang bata. I’m so disappointed with you, Nicholas. Hindi ko matangggap na… may pinabayaan kang anak sa loob ng apat na taon. At babalikan mo lang dahil malaki na ang bata? Wala akong maalalang tinuruan ka naming maging iresponsableng tao.” “No, Tita. Please. May paliwanag naman po si Nick,” “Enough, Ruth. Hindi niyo maipagtatanggol sa akin ang sarili kong anak. He has all the means to support this woman and their child. It is a man’s responsibility to take care of his woman and baby. His father followed me when I left. May hindi kami pagkakaintindihan pero walang De Silva ang nagpapabaya ng kadugo at anak. Wala. At ilang pagkakataon ang pinalagpas niya. Kung may matibay man siyang paliwanag, masakit pa rin itong ginawa ninyo sa amin ng ama niya.” Malungkot na humawak si Ruth sa braso ng kanyang Tita Kristina. She tried to console her. She squeezed her arm like a daughter who’s taking care of her mother. Dylan sighed heavily from his table. Ramdam ko ang pagkatalo niya. Hindi niya kayang ipagtanggol ulit si Nick kung pagbabasehan ang sama ng loob ng Tita niya. Nagulo na ang lahat. Ang sitwasyon. Ang atmosphere ay naging gloomy. Sad. Delicate. Humuhuni ang mga ibon sa labas ng bintana. Ang dahon sa puno ay lumalagaslas sa indayog ng hangin. At bawat paghinga ko ay nauubusan ng pag-asang sa pagkatapos ng araw na ito ay magiging maayos din ang lahat. Pero hindi iyon gano’n kadali. Galit ang Mommy ni Nick sa kanya. Ang kanyang mata ay malungkot. Hindi ko alam kung bakit ganoon iyon katindi. Siguro talagang malaking bahagi ng buhay nila ang nasayang na sana ay nakasama nila mula pagkaluwal kay Jewel. Naghahanap din sila. Nangangarap ng batang tatakbo takbo sa kanilang mansyon. May tumitili. May umiiyak at kanilang aaluin at mamahalin nang walang kapantay. Nananabik sila sa ganoong pakiramdam. Nananabik sa ganoong tanawin. Pero sa ginawa ni Nick, umukit ng sugat sa puso ang kasalanan nito. I looked at him who’s standing straight beside me. Mabigat na nakatikom ang kanyang labi. Like Ruth to her Auntie, I wanted to do the same with Nick. I wanted to lock my arms on his arm. I wanted to console him. But I immediately erased that thought away. Si Ruby ang gagawa no’n at hindi ako. Tita lang ako ni Jewel. At baka kapag nalaman ng Mommy niya kung sino ako ay ganitong galit ang ipataw niya sa akin. I looked down and ate my wishes. There were useless and meaningless. Tinitigan ako ulit ng mommy ni Nick. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Para kay Jewel, natutuwa ang puso ko na mayroon siyang ganitong Lola Kristina. May pananabik sa kanyang mga mata. May pagtatanong. May kuryoso pero mas gusto nitong makielam para matalo ang sakit na namuo sa dibdib niya. Siguro sa tulad nilang mayaman, mahalaga ang koneksyon at pagmamahalan ng pamilya. Hindi ba sila namimili ng tao para miyembro nila? O nagkataon lang na naanakan ni Nick si Ruby? But who am I to judge? “Gusto kong makita ang apo ko, hija. Pwede ba ko ba siyang ma-makilala?” Napatda ako sa maamo niyang boses. Nick sighed deeply. Akala ko ay pipigilan niya ang Mommy niya kaya gano’n. Pero nang magkatinginan kami, malamig pa sa yelo ang nakuha ko sa mata niya. But I licked my lips nervously. “O-opo, Ma’am.” Binigyan nila kami ni Jewel ng sariling pagkakaton na makapag usap. Bago ko siya ipakilala sa Mommy ni Nick. Pinapasok ni Anton ang bata sa library. Lumabas silang lahat pati si Madam. Inaalalayan siya ni Nick palabas pero ang mata nito ay naiwan sa kanyang apo. Namumula ang mata at ilong niya. Walang kaalam alam si Jewel. Ni hindi nagtatanong kung bakit siya tinitingnan nang ganoon ng ginang. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Pinaraktis ko sa isip ang tamang salitang gagamitin. Pinili nilang magkasarilan muna kami ni Jewel para makalma muna ang Lola niya. And I think Nick needed to talk with her too. Hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili kanina. “Sino po ‘yon, Mommy?” I cleared my throat. Inayos ko ang bangs niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti. “’Yung babaeng dumating kanina, siya ang mommy ng daddy Nick mo. Siya ang Lola Kristina mo, Jewel.” Ilang beses siyang kumurap kurap. Hindi siya nagulat. Bahagyang kumunot ang noo pero nalusaw din. “Lola ko po at Mommy ni daddy Nick? Wow. May Lola rin ako, Mommy? Wow!” she giggled. I smiled. “Oo, Jewel. Gusto ko niyang makilala. Kaya ipapakilala kita, ha? Promise me, na makikinig ka at kakausapin mo siya, okay? Gusto ko maging magalang ka sa kanya. Sumagot ng may “Po” at “Opo”. At huwag kang magtatago kapag tiningnan ka. She loves to meet you, baby.” “Mommy, hindi naman po siya scary, e. Dati ikaw gano’n. Pero nagbago ka na. Love rin po ba niya ako? Like you and daddy Nick?” Nag ipon ako ng hangin. I tilted my head a bit. Like as if familiar letters slipped in my mind unnoticeably. Tumango ako. “Opo. Excited siyang makilala ka.” Sunud sunod siyang tumango. Ngumiti na parang pupunta kami sa Mall. “Sige po, Mommy!” I caressed her rosy cheek. “Don’t be scared, okay? Nandito lang ako.” “Yes, Mommy. Si Daddy din po!” Magkahawak kamay kaming lumabas. Pinuntahan namin silang lahat sa sala. Nakatayo ang mga lalaki. Parang may poste na may kanya kanyang lakas. Anton saw us first. Tinawag niya si Nick. Pinapanood nito ang Mommy niya sa tabi nina Deanne at Ruth. May hawak na cellphone ang ginang. Kalmado. Pero namumula pa rin ang mata habang nakikipag usap sa phone. It’s a video call. Paglipat niya ng tingin sa amin, sinabi niya rin sa kausap ang nangyari. At ang mata ay tinutok kay Jewel. Dahan dahan kaming lumapit. Tumakbo si Joaquin kay Jewel. Pinakita nito ang nasa screen ng kanyang Ipad. “Wow! Anong laro ‘yan? Ako naman,” “Mamaya na, Jewel.” Bulong ko. Tiningnan ako ni Joaquin. I slightly smiled at him. Tinawag ni Yale ang anak. Sinundan ni Jewel ng tingin ang gadget nito papalayo. Nick is watching her. I cleared my throat. Lumapit kami sa kanyang Lola Kristina. I saw her lips trembled. Nag squat ako sa gilid ni Jewel. Kinuha ko ang atensyon niya at tinuro ang ginang. Nanginig ang boses ko pagkatapos. Tiningnan ni Jewel ang Lola niya. Kinuha ng Mommy ni Nick ang maliit na kamay ni Jewel at pinatakan ng halik. Kinuha ni Deanne ang cellphone nito. Tinapat sa kanila. I saw a man on the screen. Napatitig ako. Kay Jewel siya nakatingin. And I finally saw Nick’s future. This is his father. “Oh my… you are my granddaughter! J-Jewel, right? You have a beautiful name, hija.” She touched her tiny face, hair and even arms. Tumayo ako sa isang gilid. Tinitigan niyang maigi ang apo. Totoo ang pananabik na nakikita ko. Para bang matagal na niyang kilala ito at matagal na hindi nagkita. Her eyes reddened more. Tumakas ang bukal ng luha sa kanyang pisngi. A decade added on her face but when she smiles it fades away. She put her arms around my niece and embraced her tightly. Bahagya akong yumuko. Iniwas ako ang tingin. Gusto kong bigyan sila ng oras na magkakilala sa unang pagkakataon. Hindi ako umalis dahil baka umiyak si Jewel o humabol. Natutuwa ako at proud na hindi siya umiyak na may kausap na iba. Walang boses na lumalabas sa kanya pero naroon naman ito at tinitingnan ang lola niya. Mukhang panatag din naman. Lukso ba ng dugo ang tawag dito? Baka nga. “Out of town si dad kaya hindi siya makakapunta rito,” Anton said. Nakapamulsa ito. Nilingon niya ako. He said that to me. So, I just nodded. Umiyak ang Mommy nila. Umawang ang labi ko. Dinaluhan siya agad ni Nick. But she refused to be handled by him. Imbes kumapit ito kay Dylan. Tinulungan siyang makaupo ulit. Dylan glanced at his cousin and tapped his shoulder. “Kristina…” Ilang beses siyang tinawag ng lalaki sa phone. Kinuha ni Nick ang cellphone. Kinausap ang father niya. Lumayo siya nang kaunti. Mayroon siyang pinindot sa screen. Kung hindi ako nagkakamali, hinarap niya sa Mommy niya at kay Jewel ang camera. Umupo ang pamangkin ko sa tabi ng lola niya. Tumayo si Ruth para magkasarilinan ang mag-lola. Si Deanne ay lumipat ng upo kay Yale at Joaquin. They talked more privately. Lumipat din si Anton sa tabi ng Mommy niya. Pinagsalikop ang mga kamay. Tiningnan si Jewel. “Kamukhang kamukha mo ang Mommy mo, ah. You are her mini version, Jewel. And nice name. I’m your Uncle Poging Anton, baby.” He held out his hand. Binuhat at kinandong na ng mommy niya ang apo. No’ng una, namilog ang mata ng pamangkin ko. Niyakap siya ulit. She looked so surprised but then afterwards she smiled at her. Mukhang madaling nakapalagayan ang Lola niya. Nagbaba ng meryenda at inumin ang kasambahay. Kinuha ng cookies ni Ma’am Kristina ang apo. Umiling si Jewel. Busog pa. Iyong orange naman ang binigay. Pero ayaw pa rin. “Anong gusto ng apo ko, mm?” Jewel pouted. “Chuckie po…” sabay tago ng mata. Tumawa ang Lola niya. Hinanap nito si Ruth at humingi ng chocolate drink. I bit my lip. Lumagpas ang tingin ko kay Nick. I found him staring at me while having conversation with his father. “Ikukuha ko po, Tita Tin.” “Thank you, Ruthie.” I declined myself to be intimidated towards him. Hindi ko kinakaya ang titig niya. Ginawa kong manhid ang isip. Pinanood ko ang masayang pag-uusap ng maglola sa gilid. I watched Jewel smiling and giggling. Sumasali si Anton. Isang beses niyang kinurot sa pisngi si Jewel. Tiningnan niya ang kuya niya. Kinuha ni Ma’am Kristina ang cellphone. Through video call, ipinakilala niya ang apo sa Lolo Reynald nito. Tahimik akong nakatayo nang ako naman ang tinawag ni madam. “And this is Ruby Herrera, Reynald. Ang mommy ni Jewel.” Napahawak akong mahigpit sa kamay ko. The man on the phone smiled a bit. Just enough smile. The polite way. Ngumiti rin ako. Pero nauutal. Halos manliit ako sa mga nasabi ko. Gayong pangalan lang naman ang nagawa ko. “N-nice to meet you po, Sir.” Tumawa si Ma’am Kristina. Uminit lalo ang pisngi ko. “Sweetheart, kailan ka ba uuwi?” Nang magkausap ulit ang mag-asawa, dahan-dahan akong umatras palayo. I gave them more privacy. But when I lifted my eyes, I saw Deanne quietly and menacingly staring at me. She then smirked and cling her hands on her husband’s arm. Bumalik ang kaba sa dibdib ko sa tingin na iyon ni Deanne. Hindi ko alam kung ganito ba talaga siya makatingin o ngayon lang. Pero ramdam ko namang mabait siyang tao. Naalala ko ang paglapit niya sa akin sa tabi ng pool. At sa pagtawa niya at sweetness kay Jewel, ramdam kong totoo iyon. Humihikab na si Jewel nang magpabuhat sa akin. Pinatong niya ang pisngi sa balikat ko. Tumayo si Ma’am Kristina. Hinagod ang likod ng apo. Ilang sandaling walang nagkikibuan sa aming lahat. Nanonood ang miyembro ang kanilang pamilya sa amin. Iyon din ang ginagawa ni Nick sa sulok. “Ikaw lang ba ang nag-aalala sa apo ko, Ruby? Paano ang gastusin ninyong mag-ina? Hindi ka ba nahihirapan? Ilang taon na lang, magsisimula na siyang pumasok sa eskwela,” “Tumutulong naman po ang Tatay ko sa pag-aalaga, Ma’am. Katunayan, sa kanya po kami nakatira. Pati ang isang salon staff namin ay paminsang-minsang nag-aalala sa kanya kapag wala po ako.” “Salon staff? May salon kayo, hija?” Tumango ako. “Tatay ko po ang may-ari, Ma’am.” Kumurap kurap siya. Tapos ay tumango. Siguro, iniimagine ang negosyo ni Tatay. “Naiiwan kayo sa bahay kapag pumupunta sa salon ang Tatay mo?” “Hindi po, ma’am. Iyong sala po namin ang ginawang pwesto ng salon.” “Ah. Doon din kayo natutulog lahat? Ang Nanay mo?” Natigilan ako panandalian. Tahimik pa rin sila. Tila nakikinig sa pinag uusapan namin ni Ma’am Kristina. “Sa second floor po ng bahay kami natutulog. W-wala na po ang Nanay Clara ko. Matagal na po siyang namayapa.” And I ended it with quiet period. “Oh. I’m sorry, hija. Kayo na lang pala ng tatay mo at ni Jewel. Wala kang ibang kapatid?” I nervously glanced at Nick. Mabilis. Umaakatibo ang t***k ng puso ko sa pananaliksik ni madam sa pamilya ko. Pero hindi ko naman kailangang magsinungaling sa parteng iyon. Hindi pa dapat. Nilunok ko ang nerbyos. Tiningnan ko siya sa mga mata. “May kakambal po akong nakatira sa Cebu, Ma’am. Tagaroon po kasi ang Nanay Clara.” Natigilan siya. Sinulyapan niya sina Deanne. Bago binalik ang tingin sa akin. “May kambal ka rin pala. Babae o lalaki?” “Babae po.” A genuine smile painted on her lips. “With that face, I’m sure napakaganda rin niya. What’s her name? Emerald?” “Hindi po. Pearl po…” Someone cleared a throat. Sa paglagpas ko ng tingin sa likuran ni Madam, natagpuan ko ang madilim at kasing lamig ng bagyo ang paningin ni Nick. “Beautiful name. Well, lalo na sa apo kong si Jewel. Sana ay nakita ko kung paano siya noong sanggol pa lang. Pagpasensyahan mo na ako, hija. Sabik lang siguro akong magkaapo. Kita mo naman ang gulat ko kanina. Kaya sana… kahit hindi naging visible ang anak ko sa buhay ninyong mag-ina years ago, mabigyan mo kami ng pagkakataon na makilala at makabawi sa apo namin. Alam kong ngayon pa lang tayo nagkita. Ang hiling ko, mapagkatiwalaan mo kami. Lalo na kaming mag-asawa.” Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagdukot sa puso ko. Parang nagmamakaawa ang kanyang boses. Nilulukot ang dibdib ko sa kirot at lumulutang ang konsensya. Pero kay Jewel naman ito. Siya ay kamag-anak niya. Ang role ko lang ay gabayan siya, bantayan. Gusto kong kilalanin din ang Partido nila pero kung para sa ikabubuti ng pamangkin ko, wala akong karapatang ipagdamut iyon sa kanya. Kailangan din niya ng suporta. Hindi lang materyal. Kailangan niya ang kalinga ng pamilya. Nandito naman kami ni Tatay. Pero iba pa ring may iba pang nagmamahal sa kanya. Ngumiti akong matamis kay Ma’am Kristina. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko napigilan ang sarili. Pinisil ko ang kamay niya at hinatid sa ngiti ko ang kasiyahan ko sa pagkasabik niya kay Jewel. “Ma’am, kung matatanggap niyo po si Jewel bilang pamilya ay hindi ko siya ipagdadamut sa inyo,” She gasped with worried etched on her face. “Ang pangarap ko lang naman sa kanya ay mapabuti ang kalagayan niya. At matatanggap siya sa kung sino siya. Hindi po kami hihingi ng kahit na ano kundi galing sa puso na pagtanggap. Masaya po ako na nakilala niya kayo ngayon. Hindi man po ito inaasahan at may hindi pagkakaintindihan sa parte ng ama niya, masaya pa rin ako na dumating kayo. Kahit si Jewel ay natuwa na may Lola pa siya. Ang pagkakaroon ng pamilya ay biyaya kong maituturing. Wala pong problema sa akin kung gusto ninyong makasama at makilala ang bata. Ang nag iisang hiling ko lang po ay tanggap siya at mahal bilang kapamilya. Iyon lang po, Ma’am Kristina.” Namula agad ang mata niya. Kinulong niya ang kamay ko. Tears suddenly were there even if I saw joy in her eyes. Ang masasabi ko, napakaswerte pala ni Ruby at Jewel na makatagpo ng ganitong tao. Mataas kong masasabi sa antas ng lipunan sina Madam. Pero ang turing sa ordinaryong tulad namin ay kamangha mangha. Malawak ang pag iisip niya. At nasa tamang pamilya ang pamangkin ko. Kung sakaling kailangan ko nang bumalik sa Cebu, maiiwan ko naman siyang ligtas at mahal. “Tanggap na tanggap namin kayo, hija. Wala kang dapat alalahanin. Kung iniisip mong… matapobre kami o ano, nagkakamali ka. Hindi ganoon ang pamilya. Patawad kung napabayaan kayo ni Nick. Hindi ko rin matanggap iyon. Na-disappoint ako. Kaya babawi kami sa inyong mag-ina. Sisiguruduhin kong magiging parte kayo ng mga De Silva.” “Hindi na po, Ma’am. Si Jewel lang po.” “Wala ba kayong balak na magpakasal ni Nick?” Tumigas ang lalamunan ko. Mabilis akong umiling. Takot at kabado akong umiling. Hindi pumasok sa isipan ko iyon. At bakit naman? May boyfriend nang iba si Ruby. At sa tingin ko ay wala rin siyang balak na makipagbalikan sa ama ng anak niya. Nilingon ni madam ang panganay niyang anak. “Wala pa kayong plano para sa future ni Jewel,” “Wala po, Ma’am. Ang ibig kong sabihin--sa pagpapakasal. Para kay Jewel lang po ang pinag uusapan namin.” She looked back at me again. “May asawa ka na bang iba, hija?” “Ahh… wala naman po.” “So, you’re single. E, boyfriend?” “Wala po, Ma’am.” “So, wala tayong magiging problema sakaling magpropose sa ‘yo ang anak ko, hija? Wala rin namang girlfriend itong si Nick. Siguro dapat mapag usapan na ang magiging kinabukasan ninyo at ng apo ko. Ano sa tingin mo, hija?” “Po?” Wala na akong naidugtong pa. Tiningnan ko na si Nick para humingi ng tulong. Sigurado akong hindi rin siya sasang-ayon kung personal niyang buhay ang nakasalalay. Pero hindi pa rin siya umiimik. Ni sa pagkakatayo ay hindi natitinag. Nakahalukipkip na siya. Para siyang tauhan na nagbabantay sa amin. Hindi ba niya sasanggain ang mga sinasabi ng Mommy niya? I saw Dylan smirked and looked at him. Kunot noo siyang binalingan ni Yale habang nakaakbay sa asawa. Sina Deanne at Ruth ay nagkatinginan. Pero walang reaksyon. While Anton only scratched his neck like as if he’s having fun. Kung ganoon, ako ang tatanggi. Sa kahit na anong anggulo, hindi ako magpapakasal kay Nick. Mailalagay ko sa alanganin ang kambal ko. Paano kung bumalik na siya? Malalaman na lang niya kasal na siya kay Nick at ako nag proxy? No. Hindi. Hindi ko na iyon kaya. “Hindi bale. Saka na natin pag usapan ang tungkol sa inyo. Ang gusto ko ngayon ay makabawi sa apo ko.” Hiningi niya sa akin ang address namin. Pati ang cellphone number ko. Ibinigay ko ng walang pag aalinlangan. “Ipapasundo ka namin sa driver o kaya kay Anton para makapunta kayo sa bahay.” “Ako na po ang susundo sa mag-ina ko, Mommy. Ihahatid ko sila sa inyo.” Bumaling kaming dalawa kay Nick. Nakita ko ang pagbabago sa mukha ng ginang. Pero hindi naman nagprotesta. Isa pa, madiin ang boses ni Nick. Tahimik kaming hinatid ni Nick sa bahay. Nagpasalamat ako kina Dylan at Ruth sa pag imbita sa amin. Pati na rin kina Yale at Deanne. Hindi na nakapagpaalam si Jewel kay Joaquin dahil tulog na ito nang sumakay kami sa sasakyan. Parang ayaw pa kaming paalisin ni Ma’am Kristina. Inakbayan siya ni Anton. Gusto ko siyang lapitan at aluin sana pero kailangan na naming umuwi. She’s emotional. Parang dinadakot ang puso ko sa itsura niya. Naroon naman sina Deanne at Ruth. Ang siyang umaalu sa kanya. Pagdating sa bahay, hindi na nagtagal si Nick. Iniiwasan ko ring magtagal ang mata ko. Paglapag ko sa kama kay Jewel, bumaba agad ako para ihatid siya. Busy sa salon sina Dyosa kaya hindi ito ma-entertain masyado. “Mag-ingat ka sa pagdrive.” Lumabas ako ng bahay. Ayokong marinig nina Dyosa ang pagpapaalam ko kay Nick. Pero ang ilang kapitbahay namin, naghahabaan ang leeg sa kanya at sa dalang sasakyan. Natigilan sa pagbukas ng pinto si Nick. Lumipad ang seryoso niyang mata sa akin. Napahawak ako sa braso ko. Para bang nagtayuan ang balahibo ko. I can feel the narrowness of that eyes. Para kang pinapako sa dingding. Pini-freeze ang daluyan ng hangin. Lumunok ako. Lumakad siya palapit. Hindi ako nakagalaw nang malapitan niya akong tiningnan. Tiningnan ko ang kapitbahay naming nagwawalis sa tapat ng bahay niya. Pasulyap sulyap ito. Ang paglapit ni Nick nang ganito… ay gumagawa ng mapag uusapan. Baka kako may sasabihan pa siya. Pero hindi ko na sinalubong ng tingin niya. “Gusto mo bang magpakasal tayo?” Namilog ang mga mata ko. Napatda. Samantalang kita ang lakas ng loob sa mukha niya. Umawang ang labi ko. “Walang problema sa akin. Para kay Jewel naman…” Nang makabawi, napagtanto kong baka nagpe-pressure si Nick. Panganay siya. Nakagawa pa ng pagkakamali. Baka gusto niyang bumawi sa ganitong paraan. Nalulungkot ako para sa kanya. Nababakas pa rin ang kalamigan niya mula kanina. At ayokong dagdagan pa ang pressure na nakikita ko sa mukha niya. “’Wag na, Nick. Alam kong hindi naman kailangan iyon. Sapat sa aking tanggap niyo si Jewel.” Tinitigan niya ako. “Paano ka?” Nagkibit ako ng balikat. “Ayaw mong magpakasal sa akin?” “Alam mo, hindi naman kasal ang sagot dito. Pwede pa rin nating bigyan ng masayang pamilya si Jewel nang hindi nagpapakasal. ‘Wag kang mag-alala. Hahayaan naman kita sa gusto mo talaga.” At hindi ako si Ruby. May boyfriend na siya. Mailalagay ko lang ang kambal ko sa maling sitwasyon pagbalik niya. “Paano kung… gusto kong magpakasal tayo? Hindi lang para kay Jewel…” he trailed off. My lips parted. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin. Pero tila natatakot na ako sa mga susunod niyang hakbang. Nakipagtitigan ako kay Nick. Tinitigan ko ang unti unting paglitaw ng determinasyon sa mukha niya. “Gusto kong maging pamilya tayo. Si Jewel na anak natin. At ikaw bilang asawa ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD