Chapter 17

4205 Words
“At dahil dyan paparusahan ang lahat na ayaw maniwala sa katotohanan pero tuwang-tuwa sa kasalanan.” – 2 Thessalonians 2:12 -- Chapter 17 Pearl He is the President and CEO of the most respected TV Network in the Philippines. His family literally owns an empire. In the world of business, their name is always on top. Unstoppable. Risk takers. A monster in the field. But there is one thing I can include in this narrative, he is determined in every thing he do. He wanted to have anything he wants to. He asked me to be his wife that day. So casual in tone. So immovable. Almost a business proposal in my ears. Pero hindi ako ang gusto niyang pakasalan. Ang kambal ko. Kaba lang ang naramdaman ko. Nang maisip ko ang future ni Jewel sakaling tuluyan siyang maging legal na anak ni Nick de Silva, wala na yata akong mahihiling pa. Para sa pamangkin ko, maganda ngang balita. Pero kung sa akin… dapat na akong pamahayan ng takot. “Pag isipan mong mabuti. Para rin kay Jewel ang inaalok ko sa ‘yo.” Seryoso ang mukha niya. Halos tumalon ang puso ko galing sa pinagtataguan nito. He can look straight in the eyes. Ilang beses akong kumurap kurap. Para niya akong kinorner sa sulok at wala akong mapuntahan. “Hindi na kailangan. Makakaya nating palakihin si Jewel nang hindi natin tinatali ang isa’t isa. Magtulungan tayo. At huwag kang magpadalos dalos.” “Pag isipan mo pa rin. Oo, tutulong ako sa lahat ng pangangailangan ng bata. I won’t ever leave. Pero iba pa rin kapag kasal tayo. Medyo… tradisyunal ang pamilya ko. Kita mo naman. Maraming tinanong sa ‘yo kanina si Mommy.” “Y-yes. It’s because she was shocked. You didn’t tell them about Jewel. Emosyonal ang mommy mo kanina at kaya siguro niya natanong ang tungkol sa atin. Nalagpasan ko naman iyon. Ipaliliwanag ko pa para hindi umabot sa kasalan. Hindi mo kasalanang nagkaproblema kayo years ago kaya kinailangang lumipad ka sa Amerika. Sapat nang bumabawi ka ngayon. Nagalit ako sa ‘yo no’ng una pero… nakikita ko naman ang effort mo, Nick.” “Madali lang sa akin mag-abot financially. Baka makisali pa ang parents ko. Sigurado akong naghahanap na sina mom at dad ng private school na papasukan ng bata balang araw. Wala lang iyon. Kahit saang eskwelahan kaya ko siyang pag aralin. Pero ang nilalapit ko sa ‘yo ay maging pamilya tayo. Buo. Nakatira sa iisang bubong. May tatay at nanay si Jewel. Kasal na legal sa simbahan at batas. Iyon ang gusto ko.” “Nick kasi…” “May gusto ka bang iba kaya ayaw mong pakasal?” Namilog ang mga mata ko. “W-wala! Pero kasi- “Pag isipan mo muna bago mo ako bigyan ng sagot ngayon. It’s all about the child, Ruby. I don’t care if we marry because we have a child. Ang mahalaga, gusto kong maging pamilya tayo. Importante naman iyon sa ‘yo, ‘di ba?” “Oo. Pero matatanda na rin tayo para pumasok sa ganyang sitwasyon. Siguro ngayon wala kang ibang gusto. Pero paano sa mga susunod na araw? Buwan? Taon? Paano ka kung nakatali ka na sa akin? Hindi mo ba naisip iyon?” Umiling siya. Tulad kanina, mukhang business proposal ang inaalok. “I won’t hurt our marriage. I promise you that. Family is very important to me. I won’t dare ask you if I am not in clear mind. If you will marry me… I’ll take care of you. Of Jewel. I’ll take care of everything. You just have to be my wife.” Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos no’n. Umalis siyang tahimik. Pinaandar ang sasakyan at lumayong parang hindi kami nagtalo. What he said or offered bugged me most of my time. Natutulala ako. Halos hindi ako makakain dahil sa libo libong kulisap sa tyan ko. Pero mas malala ang bagabag sa isipan ko at dibdib. No. I won’t bite that even a bit. At bakit? Si Ruby ang gusto niyang pakasalan. At may boyfriend pa siya. Sumagi sa isip kong… magtapat na. Kahit kay Nick lang. Na baka maintindihan niya ako. Pero paano ang nilabas niyang isang bilyon para sa tinakbuhan ng kapatid ko? Iisipin kaya niyang… manloloko rin ako? S’yempre! At sasabihin niyang, “Magkadugo nga kayo.” Magagalit siya. Mamumula ang mukha niya at mangangatal ang mga ngipin. Pipigilan niya akong umuwi ng Cebu. Hindi siya papayag na walang mananagot sa ginawa ni Ruby. Pati na rin ang pagpalit ko sa pwesto niya. Hindi ko kailangang pag isipan pa kung papayag akong magpakasal sa kanya. Dahil hindi mangyayari iyon. Umamin man ako o hindi, walang kasal na magaganap. I am not Ruby. And I don’t know if she would bite that. Kung para kay Jewel, magandang kinabukasan ang naghihintay sa bata. Pero para sa kapakanan naman ni Ruby, hindi ko nasisiguro kung magiging maligaya siya. Tradisyunal daw ang pamilya niya. Pero kung talagang naniniwala siya roon, hindi niya dapat nabuntis ang kapatid ko nang walang basbas ng kasal. Parang palabas lang ang tinutukoy niya. Para lang walang masabi ang mga tao sa paligid niya. Maybe… he is talking about his reputation. His image. Or his name. Baka may mga tao pang sumasama ang tingin sa taong nagkaanak nang hindi kasal. O nagkaanak sa taong hindi nila kapantay. Hindi ko sigurado. Ayokong magsalita ng tapos. Wala akong ibang naramdaman sa proposal niya kundi takot. Takot na maaaring makasama sa kambal at pamangkin ko. Kung willing siyang pakasalan ang ina ng anak niya, kailangan kong umalis at pabalikin na si Ruby. Siya ang magdesisyon kung papayag siya sa ngalan ng kinabukasan ng anak nila. Sa ngayon… ginugulo ang isipan ko ni Nick de Silva. “Tama ba ‘tong nadinig ko. Nagtalo raw kayo ni Nick noong hinatid kayo? Kaya ba hindi ko napagkikita ngayon dito sa atin?” Tumatagaktak ang pawis ko sa pagluluto ng sopas. Inaasahan ko na ang pagtanong ni Tatay tungkol sa kanya. Ilang araw na niyang napapansin ang katahimikan ko. Dumaan ang araw ng linggo at hindi dumalaw si Nick. Wala akong sinabi. Hindi rin naman siya kumukontak. At ngayong araw ng Biyernes-Santo, tahimik kaming naghahanda para sa Caridad, saka lang nagtanong si Tatay. Nasa labas ng bahay si Jewel. Nakikipaglaro sa kapitbahay. Sarado ang salon hanggang linggo kaya maluwag luwag kami. Si Dyosa ay mamayang alas tres pupunta para tumulong sa pamimigay ng pagkain. Sina Mariposa at Gelay ay hahabol na lang daw pero hindi sigurado. Ngayon ko lang nalaman na panata ito ni Tatay Vic kada biyernes-santo. Sa mga tiyahan ko sa Cebu, nagsisimba lang kami at sunod sa prusisyon. Pagsapit ng alas tres ng hapon ay nasa simbahan na kami. Dito sa Maynila ko mararanasan ang magpa-caridad. Okay na sana na naging busy ako sa pagluluto. Sa paghahanda at alaga sa pamangkin. Pero nang matanong niya, bumalik ang pagbilis ng t***k ng puso ko. “Busy lang po iyon sa trabaho, ‘tay. Saka… wala naman siyang sinabing pupunta siya.” Inaayos na ni Tatay ang mga styro cup at plastic spoon sa mesa. Naroon din ang mga tray na paglalagyan no’n. Umismid siya. “Baka naman pinagpapaliwanag pa rin siya ng mga magulang niya. O kaya inaalam ang background natin para naman hindi makasira sa pangalan nila. Ewan ko naman kasi ritong kay Ruby. Bakit kay hilig dumikit sa mga mayayamang tao. Sobrang taas ng standard sa pakikipagrelasyon pero hindi iniisip ang magiging resulta. Sino ngayon ang maiipit kung sakali? Edi ang bata. Baka mamaya niyan… may abugadong pumunta rito at kuhain ang apo ko.” Tumigil ako sa paghalo ng sopas. Hininaan ko ang apoy. Dumoble yata ang pagod ko at medyo nabahala ako sa sinabi ni tatay. Pero kung babalikan ko ang mukha at salita ni Ma’am Kristina, pakiramdam ko ay walang ganoong mangyayari. Mabait naman siya. Mukhang hindi mapagmataas. “Hindi naman po siguro, ‘tay. Maayos namang kausap ang pamilya nila. Lalo na si Ma’am Kristina. Katunayan nga po, nakiusap siya sa akin kung pwedeng makilala pa si Jewel. Kung masama ang balak niya, hindi na siya makikiusap pa.” And I still remember her beautiful face. Ang kanyang mga mata. Ang patak ng luha niya at pangungulila. Sana hindi magbago. At huwag sanang magkatotoo ang sinabi ni Tatay Vic. “E, ako naman ay nagpapaalala lang, Pearl. Hindi natin kilala ang mga taong iyon. Si Ruby lang ang makakapagsabi kung masama ba sila o hindi. Siya ang nakasama. At huwag naman sanang daanin tayo sa pera. Dahil nakakabulag ‘yon. Wala pa tayong laban. Ano bang sabi ni Nick nang malaman ng nanay niya?” Nagkibit ako ng balikat. “Tahimik lang po siya. Halos ayaw siyang kausapin ng mommy niya. Parang masamang masama po ang loob sa kanya dahil walang sinabi tungkol sa pamangkin ko.” Mabigat na bumuntong hininga si Tatay. Hinila nito ang upuan at naupo na lang. “Kung gano’n pala, naglilihim pa iyang talaga. Ano naman ang rason at hindi agad sinabi? Pero alam ng mga pinsan kamo? Oh? Bakit naman ganoon?” “Hindi ko rin po alam sa kanya, ‘tay. Baka pinaghahandaan pa niya. Wala kasi ang daddy niya no’ng malaman ni Ma’am Kristina. Pero ‘tay, mukha naman pong mabait ang Lola ni Jewel. Hindi niya ako pinagsalitaan nang masama. Kinausap naman niya ako nang maayos. Palagay ko po… mas nagalit pa siya sa anak niya. Imbes na sa akin din. Kasi kung tutuusin, damay din dapat ako sa galit niya, ‘di ba po?” “Hay nako, anak. Napakainosente mo pa para sa ganyan. Hindi ka nga dapat nadadamay sa problema ng kapatid mo pero iniintindi mo pati ang pamilya ni Nick. Bakit naman siya magagalit sa kambal mo, e, mas matanda malamang anak niya. Hindi ko sinasabing menor de edad si Ruby ng magdalang-tao pero mas nakaka-advance naman ang pag iisip nu’ng anak niya. Baka iyon ang kinagalit ng nanay niya. Mabuti nga’t hindi ka pinagalitan. Dahil susugod ako roon at pagsasabihan sila.” Ewan ko pero napangiti ako sa huling sinabi ni Tatay. Ang sarap sa puso ng sinabi niya. “Siguro ay tama si Nick, ‘tay. Pinalaki sila nang nakaapak sa lupa. Ang magkaroon ng ganoong pamilya ay biyaya para sa pamangkin ko.” “Hmm. Magandang pakinggan. Pero sana matanggap nila ang apo ko ng bukal sa puso. Dahil galing siya kay Nick. Hindi man nila matanggap si Ruby, magpapasalamat akong nasa mabuting pamilya ang apo ko. Iyon naman ang importante. At saka, sa tingin mo makikipagbalikan pa ang kambal mo kay Nick? E hindi nga mahiwalayan ‘yang si Preston kumag na ‘yan. Lokang loka siya ro’n.” Napalunok ako. Tiningnan ko ang kalan. Kumukulo ang sabaw ang sopas. Pinatay ko ang apoy. Tinakpan ko ang malaking kaldero. Para akong sinisiliban sa mukha. Ang pawis ko ay umiiyak sa noo at leeg. Tumingin ako ulit kay tatay. Halos patapos na sa paglatag ng mga baso. Kinabahan ako. “Tay…” “Oh?” Kinurot kurot ko ang daliri ko habang nakatingin sa kanya. “Nabanggit po kasi ni Ma’am Kristina ang tungkol sa kasal,” Nalaglag ang siko niya galing sa mesa. Napabaling siya sa akin. Bilog ang mga mata at parang babagsak sa sahig ang panga. “A-ano kamo?!” Lumapit ako sa likod ng upuan. Kumapit ako sa sandalan at doon diniin ang kamay. “No’ng hinatid po kami ni Nick, medyo nagtalo po kami tungkol doon. Gusto niya pong magpakasal sila ni Ruby.” “Aba’y hindi pwede ‘yan!” sabay tayo nito. Napangiwi ako sa paggasgas ng paa ng upuan sa sahig. “Iyon nga po ang ginawa ko. Ang nasabi ko po, hindi na kailangan ‘yon. Pero pag isipan ko pa raw bago ko siya sagutin. Para naman daw kay Jewel. Gusto po yata ni Nick na mabuo ang pamilya niya.” Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Tatay Vic. Naging maligalig siya. Hindi rin nakapagsalita. Namaywang at tumitig sa ibang dereksyon. Takot at problema ang naging hatid sa amin ng proposal ni Nick sa akin--kay Ruby. At sa pagpapanggap kong bilang kambal ko, malalagay kami sa hindi kaaya ayang sitwasyon. Lumapit si Tatay at hinawakan ako sa braso. “Ano kaya kung… bumalik ka na kina Ate Adora? Palihim. Huwag nating ipalaam sa kahit sino para makaalis ka?” “Paano naman po kayo rito? Anong sasabihin niyo kung hanapin si Ruby?” Napalunok si Tatay. His face is full of worries and anxiety. Nadale rin ako ng takot. Ang problemang ayokong iakyat na problema ay parang lumala pa. “Na umalis siya ulit. Hinahanap ang kausap sa casino para ibalik ang pera dahil wala namang mapapala kung hahanap pa ng trabaho. Mas mapapanatag ako kung na kina ate Adora ka na ulit. Makabalik ka sa dati mong buhay. Anong kasal ang sinasabi nila? Hindi ka pwedeng magpakasal dahil hindi ikaw si Ruby!” “P-pero tay… naglabas ng pera si Nick. Paano po ‘yon? Sinong magbabalik sa kanya?” “Ako na. Ako na ang bahala sa lahat. Kung kailangan kong ibenta itong bahay at salon, bahala na! Makaalis ka lang ng maynila, Pearl.” “Hindi po ba kayo natatakot sa kanya o sa impluwensya ng pamilya De Silva?” “Wala akong kinatatakutan pagdating sa kaligtasan ng mga anak ko at apo ko. Hindi ako papayag na mapunta sa kasal ang pagpapanggap mo. Hindi na tama. Nagsisinungaling na nga tayo, madaragdagan pa. Ano pa ang itatawag sa atin, ha? Mga walang konsensyang Herrera. Ginamit ang dalawang anak para sa pera!” “Tay… baka nagkakamali lang tayo,” “Matagal ko nang sinasabi sa ‘yo na hindi talaga ako boto sa pagpapanggap-panggap na ‘yan! Mapapahamak ka lang! O kita mo ngayon? Inaaya ka nang magpakasal! Inako mo na ang pagiging ina sa pamangkin mo, papasukin mo pa rin ba pati pagiging asawa ng ama niya? Ayokong patagalin mo pa ito, Pearl. Hindi na maganda ang pakiramdam ko d’yan. Bumalik ka na sa Cebu!” “Hello, hello, hello anong meron? Ay wow pagkain! Penge ako, Mamey! Sinong nagluto, aber?” Tinalikuran ko si Tatay. Kumuha ako ng tasa. Binuksan ko ang takip ng kaldero at pinagsandukan si Dyosa ng sopas. Nanginginig ang panga ko, ang kamay ko at pati ang dibdib ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Lumalabo na ang paningin ko nang ilapag ko ang tasa at lagyan ng kutsara. Tahimik na kinuha ni Dyosa ang sopas niya. Napaso pa. Tinitingnan niya si Tatay na hindi maipinta ang mukha. “Bakit ka umiiyak, Perlas?” Suminghap ako. Pumalag ang luha ko at lumandas sa pisngi. Agad kong pinunasan at umiling sa kanya. “Mmm, h-hindi. Ano… tikman mo na kung anong lasa. Ako kasi ang nagluto niyan,” tumikhim ako. Tinalikuran ko siya ulit. Binuksan ko ang gripo. “Parang may kung ano rito. Anong nangyayari, Mamey? Umiiyak si Perlas, oh.” Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Tatay. Umalis ito ng kusina. Narinig ko na lang ang pagbukas niya ng TV. Sinundan siya ni Dyosa at doon na rin kumain. Pinatay ko ang gripo. Inabot ko ang basahan pero ni hindi ako gumalaw para punasan ang lababo. Babalik na ba ako ng Cebu? Ito na ba ang tamang pagkakataon? Dito ko na ba tatapusin ang pagpapanggap at para makaiwas sa kasal kay Nick? Ang pinakamasakit siguro sa akin ay iyong pinapauwi na ako sa Cebu. Natatakot na si Tatay. Idagdag pa ang pagiging De Silva ni Jewel. Hindi rin ito madali sa kanya. May risk din. At kahit ipangtakip pa ang nasisilip kong kabaitan sa pamilyang iyon, hindi pa rin siya mapapanatag. Pagkatapos kong salinan ng sopas ang mga cup, tinuyo ko ang sarili sa pawis. Nakaligo na ako kanina. Mapapasma raw ako kapag pagkatapos magluto ay saka maliligo. Nagpalit na lang ako ng kumportableng damit. Isang puting sleeveless blouse at denim mini skirt. Tinirintas naman ni Dyosa ang buhok ko pagapang mula tuktok hanggang dulo. Saka tinalian ng black rio. Ganoon din ang buhok ni Jewel. Nag-flat sandals ako. Susunod kami sa prusisyon mamayang alas kuatro ng hapon. Pawis na pawis pa rin ako sa tindi ng init ng araw. Kahit mag aalas tres na ng hapon, punas ako ng punas ng noo at leeg. Inilabas na nina tatay ang mesa sa tapat ng bahay. Kinuha ko ang tray ng mga baso. Naabutan kong pumipila na agad ang mga tao sa labas kahit wala pa ang sopas namin. “Ang init dito, Perlas. Doon ka na lang sa loob kaya.” Nginitian ko lang ang suhestyon ni Dyosa. Pagkalapag ko sa mesa, at eksaktong alas tres, ang oras ng kamatayan ni Jesus Christ, nag start na rin ang pa-caridad na panata ng tatay ko. Mga kapitbahay namin, mga bata, kalaro ni Jewel, kumare nina Dyosa, kilalang istambay at pati mga dumaraan na tao ay nakakuha ng sopas. Ang iba ay sa tabing kalsada na kumain. Hindi ko namalayang, nag e-enjoy na rin ako sa ginagawa. Hindi ako masyadong nakikipagkwentuhan sa mga tao. Paminsan minsan ay ngumingiti. Pumasok ako ulit para kunin ang huling tray dahil paubos agad ang iba. Wala pang sampung minuto, ubos ang sopas ko. “O tabi kayo muna kayo. May sasakyan.” Nilalapag ko ang panghuling tray sa mesa nang igilid ni Nick ang sasakyan niya. Hindi siya makakaabante pa dahil sa mesa namin. Pati ang mga tao ay nakaharang. Nagkatinginan kami ni Tatay. Umiling ako. Hindi ko alam na pupunta siya. Wala siyang abiso. Nagpatuloy lang ako sa pagmimigay ng sopas. Nakita kong patakbong nilapitan ni Jewel si Nick pagkababa nito. Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng ‘Daddy Nick!’. Ang ibang kalaro niya ay nagsinuran pa sa kanya. Siniko ako ni Dyosa. Bumulong ng, “Mukhang tanggap na tanggap na siya ni Jewel, ah. Sanay ng mag-daddy Nick. Pagbalik ni Ruby, siya naman ang magugulantang.” “Sssh.” Sagot ko. Nakasuot si Nick ng puting v neck t shirt at pantalong maong. Bagong ligo at ang bango bango niyang tingnan. Hindi naman kami nag usap pero pare pareho ang kulay ng suot naming tatlo. He is smiling while talking to his daughter. Nang makalapit siya sa amin, may natira pang isang baso ng sopas. Wala nang nakapila. Ang mga tao ay kung hindi tapos kumain, nakauwi na’t kumakain pa. Kinuha ko iyon. Inabot ko sa kanya. “Sopas. Pa-caridad namin.” Nalusaw ang ngiti niya. Tiningnan niya ang basong hawak ko. Nanginig ang kamay ko. Para kasing aayawan niya. Pero tinuro ni Jewel ang lalagyanan. “Luto po Mommy!” “Really? Nagluluto pala ang Mommy mo.” Napabaling ako kay Dyosa. Hindi nga pala magaling sa kusina si Ruby! Tumikhim ako. “Nagpaturo ako kay tatay. Wala kasing magawa… kaya… napaluto.” His lower lips pouted a bit. Tumaas ang kilay. Inabot niya ang baso at tiningnan. Nilapit sa ilong para samyuin ang aroma. “Nagpapractice ka na?” “Ng alin? “Magluto. Para sa bahay,” Umawang ang labi ko. Hinalo niya ang laman at tinikman. Tumango tango siya bago bumaling sa akin. “Masarap. Pwede na.” titig pa niya. Bumuntong hininga ako. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Pinagpatung patong ko ang mga tray at pinasok sa loob. Si Dyosa naman ay tiniklop ang mesa. Nilagay ko sa mesa ang dala at pupunasan na lang mamaya. Mula sa sala, narinig ko ang magalang na pagbati ni Nick kay Tatay Vic. Nag usap sandali. Tapos ay tumahimik. Habang nagliligpit ng ilang kalat, narinig ko ang pakikipagkwentuhan ni Jewel sa ama niya. Pumasok si Dyosa. Sinutsutan ako. “Sasama raw sa simbahan ‘yun.” “Ahh, sige.” Pinanliitan niya ako ng mga mata na para bang may maling nakapinta sa mukha ko. Sa pagmamadali ko, naibagsak ko ang isang tray sa sahig. Napaigtad ako sa gulat. Pinulot ko at tinabi sa mesa. Nang tawagin ako ni tatay para umalis, iniwan kong medyo magulo ang mga tray doon. Babalikan ko na lang mamaya. “Bakit hindi ka nagtext o tawag na pupunta ka?” bigla kong natanong pagkasakay nina Tatay at Jewel sa sasakyan niya. Napahinto siya sa pagbubukas ng pinto para sa akin. Kumunot ang kanyang noo. Napalunok ako. At sabay iwas ng tingin. “Akala ko nakabakasyon ka. Holy Week, e. Baka nag-beach o out of town.” Naisip ko lang ang kakaibang ginagawa ng mga tao kapag Semana Santa. Noong nabubuhay pa si Nanay Clara. Tinanong ko siya kung bakit nagbabakasyon at nag sswimming ang mga tao tuwing Holy Week. Sina Tiya Adora ay aktibo sa simbahan. May Daan na Krus sa bahay. Umiiwas sa pagkain ng karne at nagf-fasting. Maraming matatanda ang nagdarasal ng taimtim. May hawak na rosaryo. Tapos iba ang line-up ng palabas sa TV. Nginitian ako ni Nanay Clara at sinagot, “Baka iyon lang ang time nila para magbakasyon. At maaari ring hindi nila alam ang meaning ng Semana Santa.” Lumabi ako sa narinig kay Nanay. Ang alam ko, pinahirapan at ipinako sa krus si Jesus Christ para sa mga makasalanan. Para sa atin. Kung ganoon, bakit masasaya ang iba kapag ganitong panahon? Tiningnan ko ulit si Nick. Nakatitig pala sa akin. “Hinihintay mo ba ang text ko?” “Hindi!” He sighed. “Nasa bahay lang ako. Maluwag ang kalsada ngayon kaya… napabyahe.” Binuksan niya ang pinto at sumakay na lang ako. Kung ganoon, wala siyang ginagawa tuwing Holy Week? Nagsimba kami. Pagkatapos ng misa, naghintay kami sa labas para sa gagawing prusisyon. Bumili ako ng mga kandila na paninda sa paligid ng simbahan. May karton iyon malapit sa mitsa. Kumuha ako ng tatlo. Si Nick agad ang nag abot ng bayad. Isa isang nilalabas ang mga karo. Binuhat ko si Jewel para hindi maipit ng mga tao. Lalo na may kanya kanya silang sinusundang karo. Tinuro ni Jewel ang imahe kung saan buhat buhat ni Jesus Christ ang mabigat at napakalaking krus. May nakapatong na koronang tinik sa ulo niya at duguan ang mukha at katawan. “Mommy… kawawa si Papa Jesus.” I kissed her cheek. Nang makita ni Jewel ang umiiyak na imahe ni Mama Mary, nalungkot din siya. Sa pinakahuling karo kami sumunod. Tinawag ako ni Tatay nang ilabas iyon. Ang imahe ni Jesus Christ na nakahiga at may takip ng salamin. Ang imahe niya na siyang ililibing pagkatapos ng prusisyon. Sinindihan ni Tatay ang kandila namin. Nagpababa muna si Jewel pero kinuha siya ni Tatay na naglalakad sa harapan namin ni Nick. Ilang hakbang pakalayo sa simbahan ay huminto ang prusisyon. Inaayos pa ang pila sa magkabilang gilid. Para kaming mga tali. Katabi ko si Nick na hindi umiimik. Pagkalipas ng ilang minuto, naririnig ko ang kahoy na iniikot ng Sakristan. Lumakad ulit ang prusisyon. Mga mga taong nanood sa mga bintana ng bahay at labas ng bahay. Taimtim ang mga tao. Hindi maingay maliban sa malapit na sasakyan. May mga nag uusap pero napuputol din agad. Nag angat ako ng tingin kay Nick, seryoso ang mukha. Pero pinagpapawisan na ang noo. Nilabas ko ang pamaypay ko at pinahanginan siya. Tiningnan niya ako. “Pamaypay?” Walang kibo niyang kinuha. Pero ako ang pinaypayan kaya nilayo ko ang kandila ko. Kaya lang ay namatay din. Huminto siya sa pagpaypay at sinindihan ulit iyon. Kinalabit siya ng isang matandang babae sa likod niya at humingi ng sindi sa kandila niya. I felt his hand on the small of my back. May ilang minuto na kaming naglalakad nang magpabuhat si Jewel kay Tatay. Inalis ni Nick ang kamay sa likod ko at lumapit sa kanila. “Ako na po, Sir. Jewel,” Lumipat naman si Jewel sa kanya. Pinahinga nito ang pisngi sa balikat ng ama niya. Pumikit pikit. Napangiti ako. Hinagod ko ang likod ng pamangkin. Mukhang napagod agad at inantok na. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi rin nagrereklamo si Nick. Papagabi na nang makita kong napapatigil ang mga tao. Iyon pala, may libreng mineral water at tinapay na nakahanda sa pwesto nito sa gutter. Nanunuyot na rin ang lalamunan ko. Kumuha si Tatay. Sumunod ako. Kinuha ko rin si Nick. Tubig lang. Pagbalik namin sa pila, binuksan ko ang sa kanya. “Si Jewel muna, hon.” Sumasakit na ang binti ko at paa. Hindi ko na lang pinansin ang sinambit niya. Uhaw na uhaw si Jewel. Halos maubos niya ang maliit na plastic bottle. Nang umayaw, inubos ko ang laman. Saka ko binuksan ang para kay Nick. Pero umiling siya. “Mauna ka na.” “Ha? Sa ‘yo ‘to,” “You first.” Hindi na ako nakipagtalo. Umiiyak sa lamig ang plastic bottle. At nauuhaw pa rin ako. Pero hindi ko inubos. Kaya lang, nag alangan akong ibigay sa kanya. “Are you done?” “O-oo. Pero nalawayan ko na, e.” “Akin na.” Kinuha niya sa akin ang bote at dere-deretsong uminom sa kung saan ko na nainuman. Nasaid niya ang laman. Nang may madaanang drum ng basura, tinapon niya roon ang basura namin. Pagbalik niya sa tabi ko, hinawakan niya ako ulit sa baywang. At si Jewel ay bagsak din sa balikat niya. Wala siyang selan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD