NAKAPASOK NG venue ng party si Zyren dahil sa kanyang kuneksyon sa pamunuan ng hotel. Marami rin naman kasi siyang naging kaibigan doon na siyang tumulong sa kanya ngayon. Agad niyang hinanap si Konrad at mabilis naman niya itong nakita. He was with Yvonne who was busy talking to the people in their group that she hardly notice his boredom.
“My poor bebeh,” sambit niya. Pumuwesto siya sa bar counter kung saan makikita siya nito agad kung titingin lang ito diretso. Hindi naman siya nabigo. “Hi, beh. Kumusta ka na? Na-miss din kita. Huwag kang mag-alala, akong bahala sa iyo.”
Kung ano-anong senyas ng ginawa niya para lang ma-gets nito na gusto niya itong lumapit sa kanya sa bar counter. But he just looked at her with an obvious amusement in his eyes.
“Pambihira ka naman, Konrad!” reklamo na niya. “Ang hina mo pala sa larong charade. Hay!” Kaya itinaas na lang niya ang baso niya sa direksyon nito. “Cheers na lang tayo.”
And then she saw him smiled. Smiled! He smiled again! Hallelujah! But then Yvonne took him away and moved to another group. Hindi na niya ito sinundan pa ng tingin. Wala yata talaga siyang panama sa isang fiancée.
“Ma’m Zyren, mabuti naman at nadalaw uli kayo rito sa amin,” wika ni Ariel, ang bartender na under niya noong supervisor pa siya roon. “Na-miss namin ang kakulitan ninyo.”
“Bakit, wala bang pumalit sa trono ko?”
“Huwag kayong maingay, Ma’m, ha? Pero kasi, ang boring ng bago naming supervisor. Hindi man lang mangiti. Ang sungit pa.”
“Hindi lang kayo ang namumuroblema sa mga taong ganyan ang ugali.” Patungga na siya sa kanyang inumin nang mawala iyon sa kanyang mga kamay. “What the—“
“You shouldn’t be drinking.” Konrad was at her side now. Ito rin ang umagaw ng baso niya.
“This is a party. Allowed kahit sino na uminom.” Pero hindi na rin niya binawi rito ang kayang baso. “Nasaan si Ivon?”
“Yvonne,” pagtatama nito. “She’s talking to some of her friends. Ikaw, anong ginagawa mo rito? Hindi ko alam na ka-batchmate ka pala ni Yvonne nung highschool.”
“Of course not. Never akong magkakaroon ng kuneksyon sa babaeng iyon, ‘no? Anyway, I used to work here.”
“So, you gatecrashed.”
“Was that a crime?”
“Sinundan mo ba ako rito?”
“Was that a crime?”
Hindi ito sumagot. Bagkus ay ininom na lang nito ang kanyang alak. Wala man lang ba itong sasabihin sa mga nabanggit niya? She just told him she followed him there! Ah, what the hell! She was there to take him away from Yvonne, not take him away to have him for herself.
“Boyfriend ninyo, Ma’m?” pasimpleng tanong ng bartender.
“Ano sa tingin mo?”
“Bagay kayo, Ma’m. Hindi dehado ang ganda nyo.”
“Thank you.” Nilingon niya si Konrad. Narinig mo iyon? Tinawag na ng ibang customer si Ariel kaya nagawa na niyang kausap ng personal ang binata. “So, you’re engaged to Yvonne, huh. Paano nangyari iyon? Hindi naman kayo bagay.”
“Why do you say that?”
“She’s stiff and looks boring. Ikaw ganon din. You’ll have a dull and boring life together if you ended up with her.”
Nilingon na rin siya nito. “I’m boring?”
“Well, you don’t talk much, you don’t smile much, you don’t laugh. That’s boring. You need someone spontaneous, someone who don’t look like she’ll break her neck if she looked down once in a while.”
“Someone like…you?”
Natigilan siya. Once again, dinala na naman siya sa isang alanganing sitwasyon ng kanyng kadaldalan. Someone like me, huh. Maybe. Gumapang na naman ang kalungkutan sa kanyang puso. Someone, dahil hindi naman siya puwede. Someone na kapareho niya ng ugali. Someone like her, but not her.
“Sa tingin mo, saan ako makakakita ng babaeng gaya mo?”
Wala! Nag-iisa lang ako sa mundo! “Ewan ko. Diyan siguro sa tabi-tabi. Basta hindi kayo bagay ni Ivon. You deserve someone better.”
“That’s a nice thought, Zyren.”
“Kaya nga makipaghiwalay ka na kay Yvonne.”
“Don’t you think you’re being a little rude?”
“No. Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung ayaw mo akong pakinggan, bahala ka. Ikaw naman ang mababato sa buong buhay mo kapag siya ang pinili mong pakasalan.”
“Didn’t it ever occur to you that the reason I might have asked her to marry me is because I love her?”
She felt something stabbed her heart. “Do you?”
“Do me what?”
“Do you really love her?”
Pareho silang napatingala nang umalingawngaw ang isang ballad song sa paligid. Isang lalaki ang lumapit sa kanya.
“Hi, Miss. Puwede ka bang maisayaw?”
“No,” sagot ni Konrad para sa kanya. “She’s dancing with me.”
He led her to the dancefloor and held her tight against his body as they slowly moved to the music. Malakas ang pagtutol ng isip niya na ilapit pa ang sarili sa binata dahil batid niyang hindi na nga maaari. Subalit hindi nagpatalo ang puso niya. At ito ang pinakinggan niya sa huli. She closed her eyes as she breathed in her favorite masculine scent of him, felt his solid body against her, and marveled at the feeling of being surrounded by his strong and gentle arms.
This is what she’d been waiting for her whole life. The feeling of having the man of her dreams in her arms, of being held by him, being this close to him. Ngayon lang din niya masasabi nang husto sa sarili kung gaano niya kamahal ang taong ito. Kaya lang kailangan din niyang tanggapin na may katapusan din ang lahat ng panaginip. Dahil sa labas ng kanyang mga panaginip, hindi siya nararapat para rito. He belongs to someone else. So, she’s leaving to let her heart recuperate from her first heartache. Mas malayo, mas madali daw makakalimot. Sana nga totoo ang teoryang iyon. In the meantime, she’ll cherished this moment with him.
The song ended. Ngunit hindi siya agad pinakawalan ni Konrad. Pinagmasdan niya ang guwapo nitong mukha. Hindi na yata talaga siya magsasawang pagmasdan ang mukhang iyon. Ang mukhang iyon na labis niyang minahal. Hindi niya mabasa ang ano mang reaksyon sa mga mata nito. But she noticed that his face was slowly descending down on hers.
Was he going to kiss her? She closed her eyes and shook her head fiercely. Aaah! Gumising ka, Zyren! Tama ng pangangarap iyan. Harapin mo na ang reyalidad.
“Konrad, what’s the meaning of this?” Nagmulat siya ng mga mata at nakita niyang magkasalubong ang mga kilay ni Yvonne na nakatitig sa kanya. “At ano ang ginagawa ng babaeng iyan dito? She’s invited.”
“Nagkamali lang ako ng napasukang venue,” sagot niya saka bumitiw kay Konrad. “Excuse me.”
But he caught her arm again before she could leave. “Mauuna na kami sa inyo, Yvonne.”
“What?”
“Enjoy the party.” Pagkatapos ay ito pa ang naunang lumabas ng venue na iyon, hila siya.
“Konrad, what are you doing?”
“We’re leaving. Hindi ba’t kaya ka naman nagpunta rito ay para sunduin ako?” Bumukas ang elevator at sabay silang pumasok. “By the way, thanks for coming after me.”
“Ah…no problem?”
“And my engagement to Yvonne has been cancelled.”
“What?”
“Its been five months now. Hinahayaan ko lang siyang hindi i-announce sa lahat ang tungkol doon. It’s the least thing I could do for calling it off.”
“You called it off?” Tumango ito. “Pero kanina…”
“I just thought its about time that the people know.”
“But why?”
“You said so yourself. She’s boring. And I thought it was unfair na itatali ko siya sa akin samantalang hindi ko naman talaga siya mahal. I asked her to marry me because I thought she would be perfect for my lifestyle. Pero habang tumatagal ang engagement, nakikita kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng buhay naming pareho. She’s trying to control me and I don’t love her. So, I called it off.”
Dapat ba siyang matuwa sa mga narinig? Matagal na itong walang relasyon kay Yvonne. Matagal ng naging libre ang puso nito. At hindi naging isang pagkakamali na hinangad niya ang pag-ibig nito. Bumukas na ang elevator at sabay na silang naglakad sa mahabang pasilyo patungong lobby ng hotel.
“I was married once,” wika nito. “Eight years ago. We had a child. Masaya kami hanggang isang araw, kunin na lang sila sa akin ng isang malagim na aksidente. Kaarawan ko nang araw na iyon at hinihintay ko sila sa Vallente Mansion dahil gusto ko silang sorpresahin. That big house was supposed to be my gift to them. That’s right, I don’t really care about my own happiness just as long as they were happy. Dahil sila nag buhay ko, ang kaligayahan ko. Nang mamatay sila, namatay na rin ang kaligayahan ko. Minsan nga naiisip ko kung bakit nabubuhay pa rin ako samantalang ang mga dahilan ko para mabuhay ay wala na.”
“Siguro kasi, hindi mo pa natatapos ang misyon mo dito sa mundo.”
“A mission, huh. And what could it be?”
“Making someone else happy.” Nilingon siya nito. “Hindi lang ako, Konrad. Marami pang iba ang napapasaya mo nang hindi sinasadya. And since you’re still alive, ibig sabihin ay mas marami pa ang mapapasaya mo. There’s still a lot of reason why we should go on with our lives.”
Natahimik na sila habang papalabas ng hotel. At hindi pa rin sila nag-iimikan hanggang sa makarating sila sa abangan ng mga sasakyan. Gusto sana niyang magtanong kung ano ang ginagawa nila roon at bakit hindi nito kinuha ang sarili nitong sasakyan. Tila narinig naman nito ang kanyang iinisip.
“I didn’t bring my car. Si Yvonne ang sumundo sa akin kanina.”
“Ibig mong sabihin hahayaan mo sana siyang dalhin ka kahit saan niya gusto kung sakaling hindi ako dumating?” Hindi ito sumagot kaya pinalo niya ito sa braso.
Tumawa lang ito. Her heart once again melted at the sound of his laughter. Habang pinagmamasdan ito nang mga sandaling iyon, naitanong niya sa sarili kung ilang ulit kaya matutunaw ang puso niya kapag nasa tabi niya si Konrad. Siguro paulit-ulit. Dahil ito rin naman ang nagre-revive ng puso niya sa tuwing made-depress iyon, malulungkot, o matutunaw.
Weird.
Napapapikit siya sa tuwing may dumaraang sasakyan dahil sa mga headlights niyon.
“Nasisilaw ka?” Iniharang ni Konrad ang katawan nito sa harap niya upang hindi siya direktang tamaan ng ilaw ng mga sasakyan. “Eto may bus. Halika na.”
“Bus?” Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito dahil mahigpit pa rin nitong hawak ang kanyang kamay. Kaunti lang naman ang sakay ng bus kaya agad silang nakaupo. “Bakit tayo nag-bus?”
“Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakasakay dito. Gusto ko uli ma-experience ang mga dati kong ginagawa.”
“Nagba-bus ka rin dati?”
“Oo, noong nag-aaral pa ako. Eksperto ako sa pagsabit-sabit sa mga estribo.” He turned to the gift she had given him. Binuksan nito iyon. “What’s this?”
“Damit ng teddybear mo. Naisip ko lang na cute siya lalo na kapag may damit.”
“Thank you.” Inakbayan siya nito.
At sa sobrang pagkataranta ay bigla na lang siyang tumayo. “Mama! Bilisan nyo naman! Nadyi-dyinggel na ako!”
“E, di bumaba ka at umihi ka diyan sa labas!” sigaw ng antipatikong driver.
Napilitan tuloy siyang bumalik sa kinauupuan. She could she Konrad was suppressing a smile.
“Its not funny,” banta niya rito.
“Wala naman akong sinasabi.” Nilingon siya nito at tinitigan. Matagal. Pagkatapos ay ibinaling nito sa labas ng bintana ang pansin.
“What?” untag niya rito.
“Nothing.”
“Nothing ka diyan.”
“May gusto akong sabihin, but I don’t think this is the right place for it.” Tumayo ito nilapitan ang driver na balak yatang suyurin ang lahat ng stop over sa kahabaan ng EDSA. “Manong, huwag na kayong kumuha ng pasahero. Aarkilahin ko na lang itong bus ninyo para makaalis na tayo agad. Nadyi-dyinggel na kasi ang girlfriend ko.”
“Areglado! Basta ikaw, bossing! Saan tayo?”