CHAPTER 17

873 Words
HINDI NA nakapaghintay si Zyren ng kinabukasan.  Dahil nang araw din na puntahan siya ni Konrad sa bahay nila ng pinsan niya ay sumugod na siyang muli sa mansyon.  Isasapuso na niya ang kanyang motto na, ‘I’ll enjoy every minute with Konrad until its time to say goodbye’.  Masaya ang mga katulong nang makita siya.   “Mabuti bumalik ka.  Ang lungkot nang wala ka, eh.” “Oo nga.  Walang maingay.” “At wala kaming tagapagtanggol.” “Sus!  Kayo talaga, nawala lang ako ng isang araw, naging madrama na kayo.”  Nilingon niya ang mayordoma.  “Manang Sara, nandito na naman ang pinakamakulit ninyong alaga.” “Oo nga, eh.”  Natatawa nitong sagot.  “Maligayang pagbabalik, hija.” “E, Zyren, magtatrabaho ka na uli dito kahit hindi ka naman pala totoong katulong?” “Wala akong trabaho ngayon.  Ito lang.  Kaya totoo na akong katulong.  So, anong agenda natin ngayon?” “Heto nga namumuroblema kami.  Hindi kasi namin alam kung paano namin ibibigay kay Sir ang regalo namin.” “Regalo?” “Birthday ni Sir Konrad ngayon.  Kaya lang ang lukaret na Yvonne na iyon, tinangay na naman kung saan ang amo natin.” “Oo, nasabi nga ni Konrad kanina nang puntahan niya ako sa bahay.  May lakad daw sila ni Ivon.” “Yvonne,” pagtatama ni Marcy. “Oo nga.  Ivon.”  Napakunot ang kanyang noo.  “Magsi-celebrate silang dalawa lang?” “Hindi.  hindi kasi nagsi-celebrate ng birthday niya si Sir Konrad.” “Bakit?”  Nagkatinginan sa isa’t isa ang mga katulong, na tila ba humihingi ng kumpirmasyon sa isa’t isa kung sasabihin ba sa kanya ang alam ng mga ito o hindi.  “Sige na, ipinagtanggol ko naman kayo kay Ivon, ah.  Hindi pa ba tayo close nun?” Kay Manang Sara napadako ang tingin ng mga ito.  “Sabay kasing namatay sa isang aksidente ang asawa at anak ni Sir Konrad.” “Ha?  Dating may pamilya si Konrad?” “Oo.  Walang taon na ang nakakalipas mula nang mangyari ang trahedyang iyon.  Pero hanggang ngayon, nagluluksa pa rin siya.” Bumalik sa alaala niya ang naging reaksyon ni Konrad nang minsan niyang matiyempuhan ang isang lumang teddy bear sa kuwarto nito.  Kaya pala ganon na lang ang galit nito sa kanya.  He must have thought she was going to throw away the only thing that reminds him of his son.  At kaya rin laging madilim ang mundo nito. “Kaya tuwing kaarawan niya, nagpupunta siya sa kung saan-saang party para lang makalimutan pansamantala ang pait na hatid ng araw na ito.” “Nakakaawa naman pala siya.  Kaya naman pala ganon na lang siya kasungit minsan.”  She wanted him to feel better.   Iyon agad ang pumasok sa isip niya nang malaman ang parteng iyon ng pagkatao nito.  At handa siyang gawin ang lahat.  kaya lang, paano niya gagawin iyon kung wala naman siyang puwang sa puso nito? “Nagbago lang siya mula nang dumating ka rito, Zyren,” wika ni Anita.  “Mas marami na siyang ipinakitang emosyon kaysa dati na laging seryoso at malungkot.” “Oo nga, ano?” sang-ayon ni Rosita.  “Ngayon marunong ng magalit si Sir Konrad.  Marunong na rin siyang mang-asar at mainis.” “Parang hindi yata naging maganda ang impluwensiya ko sa kanya, ah.  Puro negatibo kasi ang mga sinabi ninyo.” “Hindi,” singit ni Manang Sara.  “Ang totoo, mabuti iyon para kay Sir Konrad.  Ang ibig sabihin kasi, marunong pa rin siyang makaramdam.” “Kaya kunin mo siya kay Yvonne, Zyren!” “Oo nga!  Kayang-kaya mo siyang agawin sa bruhang iyon!  Natutuwa sa iyo si Sir Konrad.  Nakita namin kung paano ka niyang na-miss nang hindi ka rito umuwi kahapon.” Na-excite naman siyang bigla sa sinabi ng mga ito.  “Talaga?  Na-miss niya ako?” “Oo!  Maya’t maya ka niyang itinatanong sa amin kung dumating ka na raw ba.  Tinanong din niya kami kung sino ang nakakaala ng cellphone number mo.” Kinilig na siya nang husto.  “Sige, ano pa?” “Sa tingin namin, may gusto siya sa iyo, Zyren!” Nais sana niyang i-indulge ang sarili sa mga ilusyong iyon ngunit pinigilan niya ang sarili.  Tama na ang malama niya sa mga ito na hinahanap din pala siya ni Konrad nang mga panahong iniisip niya kung naiisip din ba siya nito. “Agawin mo siya kay Yvonne, Zyren.  Hindi sila bagay ng babaeng iyon!  ipapan-display lang niya si Sir Konrad.” “What?  Anong palagay niya sa bebeh ko?  Figurine?” May nag-abot sa kanya ng isang sobre.  Invitation iyon para sa isang party.  “Naiwan ni Sir iyan kanina.  Sa palagay ko, diyan sila pupunta ni Yvonne.  Puntahan mo at kunin mo si Sir.” “Ilayo mo siya sa impaktang iyon!” Sinipat niya ang card.  Nakilala niya ang hotel na pagdarausan ng party.  Dahil doon siya dating nagtrabaho. “Sige, ako’ng bahala.” Payag siyang mapunta kay Yvonne si Konrad kung talagang mahal ito ng lalaki.  Pero hindi siya papayag na gawin lang itong accessories ng babaeng iyon.  Ipapa-intindi niya iyon kay Konrad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD