CHAPTER 16

1490 Words
“ANO KA ba, Zyren?  Huwag kang magmukmok sa isang tabi.  Napakaraming lalaking nagkalat sa mundo.” “Pero wala akong gusto sa kanila.”  Maghapon ng nakadapa si Zyren sa kanyang kama.  Wala kasi siyang kagana-ganang kumilos.  She just wanted to lie there and sulked for her first broken heart.  “Hindi nila nakuha ang interes ko gaya ng nagawa ni Konrad.” “E, ang kaso, may ibang babae na ang Konrad mo.  Magpapakasal na nga sila, hindi ba?  Kaya kalimutan mo na siya.” “Ano pa nga ba ang ginagawa ko?”  Napabuntunghininga na lang siya.  “Ganito pala ang dating ng totoong pag-ibig, ano, Maira?  Hyper kapag masaya, depressing at suicidal kapag malungkot.” “Zyren…” “Tama ang kasabihang ‘be careful what you wish for’.  I’ve been wishing for a true love to come my way.  Ang kaso, hindi ko naman napaghandaan ang mga kaakibat na kalungkutan na kasama nun.” “Well, its your first time to fall inlove so what do you expect?  Just learn from it and you’ll be fine the next time.” Sana nga ganon lang kadali ang lahat.  Sana kasing dali sabihin ng ganon ang paglimot sa sakit na nararamdaman niya.  Ang kaso, hindi.  She’ll have to go through with it. “Pero alam mo, Maira, parang mas masaya pa rin ako na nakilala ko si Konrad.  Mas masaya pa rin na dumating siya sa buhay ko at tinupad niya ang lahat ng mga pangarap ko sa larangan ng pag-ibig.  Kaya siguro, di bale ng malungkot dahil mag-aasawa na siya.  Ang importante, nagtagpo pa rin kami kahit paano.” Maira brushed her hair.  “Don’t worry, cuz.  I’m sure may iba pang darating na para sa iyo.  Bad trip nga lang talaga minsan dahil may mga dumarating na hindi naman pala mag-i-stay.  But then again, that’s how we learn, di ba?  From our experiences.  Learn to accept whatever comes your way and then learn to let go when its time to go.  Hindi ba’t minsan mo ng sinabi iyan?  You’ll enjoy the feelings until its time to say goodbye.” Ibinuro niya ang mukha sa kanyang unan nang maramdaman ang pag-iinit na naman ng kanyang mga mata.  Ang lupit ng mundo ni Kupido.  Sadista pa ang walanghiya. “Hahayaan kitang magmukmok dito.  Pero kumain ka, ha?  huwag kang magpakamatay nang dahil lang sa isang lalaki.”  Tumango lang siya.  “Zyren—“ “Kakain ako mamaya.” Iniwan na siya ng kanyang pinsan.  She continued crying in silence.  Ibubuhos niya ngayon ang lahat-lahat ng sama ng loob niya.  Pagkatapos, maghahanda na siyang muli para harapin ang mundo. “Zyren.” “What?” “May, ah…may bisita ka.” “Pakisabi bumalik na lang siya.  Wala talaga ako sa mood na humarap sa kahit na kanino ngayon.” “Pero kasi…” “Not even to your employer?” Napaangat siya ng mukha nang marinig ang boses na iyon.  When she turned around, she saw Konrad standing absolutely gorgeous at her door.  At gaya pa rin ng dati, walang habas na tumibok ang puso niya nang makilala ang tanging lalaking minahal nito nang sobra. “Anong ginagawa mo rito?”  Binalingan niya ang pinsan.  “Bakit mo siya pinapasok?” “Gusto ka raw niyang makausap, eh.” “Sinabi ko ng ayokong makipag-usap.  Kahit kanino.” “I just want to check if you’re okay.” “Sige, maiwan ko na kayo rito.” “Maira!”  Ngunit tuluyan na silang iniwan nito.  Napilitan tuloy siyang harapin si Konrad.  Dinampot niya ang box ng tissue.  Sigurado kasing namumula ang kanyang mga mata.  mabuti na lang at puwede niya iyong i-disguise as a symptom of colds.  “As you can see, I’m not okay.  Kaya makakaalis kana.” “Have you gone to a doctor?” “Hindi na kailangan.  Pahinga lang ang kailangan ko.”  She blew her nose and secretly looked at him.  Dahil anoman ang pigil niya sa kanyang sarili, humaling na humaling pa rin siya rito.  “Paano mong nalaman na dito ako nakatira?” “Sinabi mo sa akin.”  He looked around her room as he entered.  “You still have my coat.” Napalingon siya sa tinutukoy nitong coat na naka-display sa pader niya katabi ng pinatutuyo niyang mga bulaklak na pinapitas nito. “And the flowers…and my pic.” Bakit ba masyado itong observant?  “Ibabalik ko rin naman ang mga iyan.  Sa tamang oras.” “You can have it.”  He specifically stared at his coat.  “Nang makita kita sa mansyon, naisip kong nakita na kita kung saan.” Napanganga siya rito.  “Kung ganon, noong una pa lang ay kilala mo na kung sino ako?” “Not really.  I still had my doubts.  Naalala ko lang ang lahat nang maaabutan kitang suot ang coat ko sa kuwarto ko nang unang araw mo bilang katulong.  You were that woman from the conveniece store.” “You knew?  Kung ganon bakit hindi mo ako kinumpronta tungkol doon?” Nagkibit lang ito ng balikat.  “I had my reasons.  Just like you did when you applied to be a maid in my house.” “I told you I was bored.” “I’m not a fool, Zyren.” “What does that mean?” “What do you think?” Alam na nito na ang dahilan niya ay upang mapalapit dito?  Mahirap malaman kung tama ba siya dahil hindi naman nakatingin sa kanya si Konrad.  But one thing she’s sure of, buking na nito ang pagkatao niya.  Well, so what?  Mula nang malaman niyang mag-aasawa na ito, nawalan na rin siya ng interes sa kung ano pa ang maging tingin nito sa kanya.  Hinawakan nito ang larawan niya nang tanggapin niya ang Supervisor of the Year award noong ikatlong taon niya sa kanyang dating trabaho. “You don’t work anymore?” tanong nito. Ewan niya kung anong pumasok sa kukote niya at nagsinungaling pa siya rito kahit hindi na naman kailangan since siguradong hindi na siya nito tatanggapin sa bahay nito bilang katulong. “Nagsawa na ako sa corporate world.  Kaya ngayon, pahinga na muna bago maghanap ng bagong trabaho.” “I see.” “Ako, I don’t see why you’re still here.  Wala ka bang trabaho?  Wala ba kayong date ni Yvonne?  I’m busy getting sick here, as you can see.” Sa wakas ay hinarap na rin siya nito.  Kaya lang siya naman ang hindi makatingin dito ng diretso.  Natatakot kasi siyang makita nito kung ano talaga ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. “After you get better, would you still work at the mansion?” Napadiretso siya ng upo.  Was he, somehow, asking her to go back?  Biglang-bigla ay tila nakalimutan ng puso niyang bigo pa ito dahil na-excite na ito nang husto sa prospect na makakabalik pa siya sa bahay ng binata. “Bakit mo…naitanong?” Nagkibit uli ito ng balikat.  “It just feels different without you running around the house and messing up my days.” Lalong nagwala ang puso niya.  Darn it!  Bakit ngayon pa ito nagsasalita ng ganon sa kanya?  She was trying to forget here!  Still, she couldn’t deny the fact that she was really happy knowing that he missed her. He missed me! “Kahit na…alam mong hindi naman talaga ako totoong katulong?” “I don’t really care about your reason for applying in the first place.  Nasanay na ako sa iyo sa bahay.  Although kung ayaw mo, wala rin naman akong magagawa.”  May kinuha ito sa breast pocket ng amerikana nito at iniabot iyon sa kanya.  “Kung kailangan mo ng trabaho, just tell me.  Maraming trabaho sa kumpanya ko at lagi kaming nangangailangan ng extra hands.  And don’t worry about your work there, tuturuan ka ng sekretarya ko—“ “Ayoko.”  Ibinalik niya rito ang tarheta.  “Sinabi ko na sa iyong sawa na ako sa corporate world.” “Kung kailangan mo lang naman—“ “Hindi ko kailangan.”  She finally had the courage to looked him in the eyes.  His lovely eyes.  “May trabaho pa ako.” At nagmamahal pa rin siya hanggang ngayon.  Lalo lang siyang nawalan ng pag-asang makakalimutan pa ito nang sa unang pagkakataon ay binigyan siya ng pagkakataong masilayan ang ngiti nito.  Her heart sang and mind flew.  Pati ang pagtatampo niya rito ay tila bulang naglaho.  She had forgiven him for hurting her unintentionally. Oh, my bebeh! “Its good to have you back, Zyren.”  Tumango lang siya.  “I’ll see you at the mansion.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD