“DIANNE, NAKITA mo ba si Sir Konrad?”
“Nasa lanai—“
“Salamat!”
Nagmamadali siyang nagtungo sa lanai. She felt so excited to see him. Nitong mga nakaraang araw, mula nang tanggapin niya sa kanyang sarili ang nararamdaman niya para rito ay lagi na lamang siyang tila hindi makapaghintay na makita ito. Gusto niyang lagi itong nakikita. Kaya nga nang minsang maglinis siya ng silid nito ay kinupit niya ang isa nitong larawan doon. Iyon ang katabi niyang lagi sa kanyang pagtulog sa gabi.
Her heart thumped like crazy when she finally had a glimpse of his back sitting on chair at the far end of the lanai.
“Konrad, my be—“ Bumagal ang paglapit niya nang makita ang isang babae na kasama nito roon. “Bakit may asungot dito?”
At habang papalapit sa mga ito ay mas lalong napapakunot ang kanyang noo. The woman was beautiful. May class ang dating at sopistikadang-sopistikada, from her carefully-made hair to her expensive shoes. At halata rin ang western blood nito dahil sa kutis nito at itsura. Flawless. Mukhang imported from the British monarchy. She felt a pang of jealousy. May relasyon ba ito kay Konrad? At kung meron man, ano?
The woman turned to her. Nahalata ito marahil ni Konrad kaya bumaling din ito sa kanya.
“Saan ka nanggaling?” tanong nito. “Ipinatawag kita kanina sa mga katulong, ang sabi nila wala ka raw.”
“Diyan lang sa tabi-tabi.” The woman’s nose twitched. Parang hindi nito nagustuhan ang paraan ng pagsagot niya kay Konrad.
“Hindi ba’t sinabi ko ng bawal ang lumabas ng mansyon kung oras ng trabaho?”
“May pinuntahan lang ako sandali.”
“You’re with that Andrei guy again?”
“Hindi. Basta lang, Sir.”
“Konrad, you’re letting a maid talk to you like that? You should teach her some manners.”
May kung anong tila pumitik sa tungki ng ilong niya. Right there and then, nagdeklara na siya ng silent war sa babaeng estatwa na ito.
“She’s fine. By the way, Yvonne, this Zyren.”
“I don’t have time to meet some…maid. By the way, I’m thirsty.”
Muntik na niya itong murahin. Pero hindi siya padadaig sa isang ito. Ipapakita niyang may pinag-aralan din siya.
“Get me something something mildly cold.”
“Hindi kita amo.”
With her reaction, it was obvious the woman could, and would, never like her. Well, same here. Wala akong panahong makipag-associate sa mga half-half na biatch.
“I will soon be,” wika nito na nakataas ang isang kilay. “So, you might as well straightened your attitude, girl.”
“Ikaw? Magiging amo ko? Bahket?”
Halos manlaki ang mga mata niya ang abutin ng babae ang kamay ni Konrad. “We’re getting married soon.”
Married?! Engaged na si Konrad?! Sa babaeng tuod na ito?! Hinintay niyang i-deny iyon ng binata ngunit nanatili itong walang imik. Nakumpirma niyang totoo ang sinasabi ng babae. Hilo ang mga goldfish na nasa plastic nang isalpak niya iyon kay Konrad.
“O. Goldfish.” She eyed the statue-like woman. “Para may kasama ka namang living things.”
Konrad took it immediately before the plastic popped up. “Ikuha mo ng maiinom si Yvonne.”
Sana pala mga pirana na lang ang ibinigay niya rito at nang lapain nang wala sa oras ang mga ito. Nakakainis! Mabigat pa rin ang kalooban niya nang sundin ito. Pero bago siya tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang usapan ng mga ito.
“Kung hinayaan mo sana akong dito na tumira, hindi ka na nagkakaroon ngayon ng problema sa mga katulong mo, Konrad. Mapapahiya ka sa mga bisita mo kung sakaling mag-held ka rito ng mga parties.”
“I don’t like parties so there’s nothing I should care about.”
“Still, you shouldn’t have let that maid of yours talk and act like that.”
“She’s not doing anything, Yvonne.”
“Not yet, maybe. Pero kung ganyan ka kaluwag sa mga katulong mo…”
Sinipa niya ang pader pagpasok na pagpasok niya ng bahay. Lintik na babae! Ano ba ang karapatan niyang manghimasok sa buhay ng may buhay? Fiancée lang naman siya ni Konrad…
Fiancée. Iyon ang paulit-ulit na salita sa kanyang isip na tila unti-unting humihigop ng lakas niya. Konrad’s marrying her.
“Pero bakit ang babaeng iyon pa?” tanong niya sa sarili. “Ang dami namang magaganda riyan na mayaman at mabait.”
“Oo nga,” sang-ayon ni Rosita. Kasama nito ang dalawa pang katulong na nakasilip sa bintana. “Bruha ang babaeng iyan, eh. Sobrang matapobre.”
“Pati nga si Manang Sara, tinapunan niya ng tubig dahil lang sa masyadong malamig daw ang ibinigay sa kanya na tubig. Hindi lang nakita iyon ni Sir Konrad at hindi rin nagsumbong si Manang Sara para raw wala ng gulo.”
“Sinigawan nga rin ako niyan, eh. Kasi bakit daw ako dumaan sa harap niya. E, hello! Siya kaya ang nakaharang sa daanan ko.”
“Palibhasa anak siya ng isang may katungkulan sa palasyo ng Britain.”
“Nakakayamot talaga iyan! Kapag nandito akala mo asawa na siya ni Sir Konrad kung umasta.”
“Kung ganon half-British siya?” asar niyang kumpirma. Pati ang napakabait na matandang mayordoma ay hindi nito pinalagpas! “Well, wala siyang karapatang magmalaki dahil sa Britain, isinusuka ng mga aristocrats ang mga hindi nila purong kauri.”
Nabaling tuloy sa kanya ang atensyon ng mga ito. “Talaga? Paano mong nalaman iyan, Zyren?”
“Nabasa ko lang. Hah! Akala siguro niya maitatago niya ang baho niya, ha? Huwag niya akong tatarayan!”
Dumiretso siya sa kusina at inilapag sa kitchen table ang mga bote ng alak na nakita niya sa mga estante roon. She was an expert on mixing drinks, dahil iyon ang trabaho niya dati bago siya naging supervisor ng Food and Beverage department ng hotel na pinapasukan niya. Nakamasid lang ang iba pang katulong sa ginagawa. When she was finished, pinatikim niya kay Rosita.
“Wow! Ang sarap! Hindi ko maintindihan ang lasa pero masarap siya!”
Kinuha niya rito ang baso. “At sa pang-finale…” Inilublob niya sa kung saan-saan ang kutsarang ginamit bago iyon muling inihalo sa inumin. “Hah! Hah! Hah! Lagot ka sa akin ngayon!”
“Kami rin!” Hinayaan niyang magkanya-kanya ng lublob ng kutsara ang mga katulong. Ito na ang pagkakataon para makaganti ang mga ito. And anyway, wala namang malalasahan ang babaeng iyon dahil sinigurado niyang mas matapang ang magiging lasa ng alak na pinaghalo niya.
“Okay.” Itinaas niya ang baso. Nagsiurong ang mga katulong. “Makikita niya kung sino ang tinatarayan—“
“What’s this?”
Nakuha ni Konrad ang baso sa kanya at mataman na nitong pinagmamasdan ang laman niyon. He wasn’t the type to be fooled, kaya alam niyang alam na nito ang ginawa nila. Pero wala siyang balak na magpaka-guilty sa kanyang ginawa. She was hurt at the fact that he was getting married soon and she was jealous as hell. Gusto rin niyang iganti ang mga pang-aaping inabot ng mga katulong sa impaktang Yvonne na iyon.
“Jambalaya,” sagot niya.
“You know how to mix drinks?”
“Hindi.”
Itinapon nito ang laman niyon sa sink at kumuha ng panibagong baso. “Gusto kong makita kung paano mo iyon ginawa.”
“Ayoko.”
“I see. Ngayon alam ko na.” Sumandal ito sa tiled sink at humalukipkip habang pinagmamasdan siya. “You don’t know anything about household chores, you don’t listen to me, you’re having a hard time succumbing to my rules, and you know how to mix drinks.”
“I’m talented.”
“And you can’t stop answering back.”
“I have a lot of things to say.” Nahalata niya ang pagkamangha at pagtataka sa mukha ng mga katulong.
“You’re not really a maid, are you, Zyren?”
“No,” sagot niya ng diretso. “I’m not.”