“HE GAVE me flowers. Red roses. And red roses means he loves me.”
“And yellow roses means he’s sorry…” Isa-isa pang itinuro ni Maira ang iba pang kulay sa hawak na mga bulaklak ni Zyren. “And white roses means purity or friendship, and oranges means—“
She snapped it away from her cousin. “Huwag ka na ngang magulo, Maira. Basta ang importante, binigyan ako ni Konrad ng mga bulaklak. You should have hear his words, cuz. He was so sweet! Super kinilig ako nang sabihin niyang para sa mga iniluha ko ang mga roses na ito.”
Nagawa na naman niyang tumakas sa mansyon para lang ipagmalaki sa pinsan niya ang mga bulaklak na iyon.
“I thought you’re the one who picked it up?”
“Ah! Shhhh! Basta!” She admired the flowers in front of her. She even tied it with a ribbon she took from one of her stuff toys. “Siya ang nagbigay sa akin nito. Sa kanya nanggaling ang mga ito kahit ako pa ang namitas.” Niyakap pa niya ang mga iyon. “He was soooo sweet, hmmm…”
Natawa na lang si Maira. “Sige na nga. Ngayon ay naniniwala na talaga akong masaya ka nga sa lalaking iyon. Hindi ka naman kasi umaakto ng ganyan noon. And I’m happy for you, Zyren.”
“Thanks.”
“But still, be careful with your heart, cuz. Mahirap magmahal at masaktan sa iisang lalaki. Mahirap makabangon sa ganong sitwasyon.”
“He won’t hurt me. Nakita mo naman, binigyan pa niya ako ng mga bulaklak dahil nakita niya akong umiyak. At nang mag-away kami kaninang umaga, siya pa ang humabol sa akin para mag-apologize. Ayaw niya akong umalis sa mansyon, Maira.” Idinikit naman niya sa kanyang pisngi ang mga bulaklak. “I think he likes me.”
“E, ikaw, ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya?”
“Hah! Kaya ko ng sagutin iyan.” Hinarap niya ang pinsan. “I’m inlove with him, cuz! I love him! I…love him!”
“For real?”
“Yes!”
“Sigurado kang hindi lang iyan basta dahil guwapo siya at perfect example ng pangarap mong lalaki?”
“Oo nga sabi! Bakit ba ang kulit mo? Hahambalusin na kita diyan, eh!”
“Gusto ko lang makasiguro ka sa nararamdaman mo, Zyren. Minsan kasi, napagkakamalan nating love na ang isang fascination lang.”
“Ano naman ang palagay mo sa akin, highschool? Twenty seven na ako. Alam ko na kung ano ang mga bagay na dapat kong seryosohin at kung ano ang hindi.”
“Kung ganon, seryoso ka na kay Konrad?”
“Oo.”
“Alam na ba niya ang tungkol sa nararamdaman mo sa kanya?”
“Hindi pa.”
“Sasabihin mo?”
“Kung kinakailangan.” She fingered the petals of the flowers. “I might tell him one day. Pero hindi muna sa ngayon. Ayokong magkaroong kumplikasyon.”
“Dahil hindi mo naman mapaninindigan ang nararamdaman mo?” Hindi siya makasagot. Napabuntunghininga na lang ito. “Sigurado ka sa nararamdaman mo pero hindi ka naman siguro kung ano ang pipiliin mo, hindi ba? Kung mananatili ka rito o sasama sa pamilya mo sa Canada.”
Tumayo siya at tinanggal ang isang painting na nakasabit sa dingding niya. Ang mga bulaklak ang ipinalit niya roon. She’ll let it dry there. Pagkatapos ay kukunsulta siya sa isang flower expert kung paano niya maipe-preserve iyon nang mas maayos.
“Maira, let me just enjoy this feelings, okay? Ayoko na munang mag-isip ng kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap.”
“Alright. You’re the man.”
“Thanks. Sige, babalik na ako sa mansyon. Baka mapansin na naman nila na nawawala ako.” Palabas na siya nang mahagip ng tingin niya ang aquarium sa sala. Kumuha siya ng isang plastic at sumandok ng dalawang gold fish. “Penge, ha?”