“WHAT THE heck are you wearing?” tili ni Maira ang sumalubong kay Zyren pagpasok na pagpasok niya ng kanilang bahay. “Lukring ka! Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka ba nagpunta? Magdamag akong nag-alala sa iyo, bruha ka!”
Tinawanan lang niya ito. “May importante lang akong inasikaso.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” Malakas siya nitong hinampas sa braso. “Nakakainis ka! Alam mo bang binulabog ko ang police stations na malapit dito sa paghahanap sa iyo? Pati punerarya at ospital!”
“Matagal pa akong mamamatay. Virgin pa kaya ako.” Natigil lang siya sa pagbibiro dito nang makitang naiiyak na ito. “Okay, sorry kung hindi ko nasabi sa iyo kahapon bago ako nag-alsa balutan. Naliligo ka kasi nang bumalik ako rito. Nagmamadali naman ako kaya hindi na kita inabala pa.”
“E, saan ka nga nagpunta? Bakit hindi ka umuwi kagabi?”
“Diyan lang sa malaking bahay.”
“Saan?”
“Sa malaking bahay. ‘Yung mansyon na mukhang palasyo. Nag-apply kasi akong katulong. Natanggap naman ako kaya lang stay-in. So, now I’m wearing this uniform.”
Nagdududa ang tingin nito sa kanya. Tila ba sinasabi nitong tuluyan na siyang nawala sa kanyang sarili.
“Okay, remember that guy from the convenience store? Well, nakita ko siya uli. And you wouldn’t believe what I found out. Kasi, siya lang naman ng may-ari ng kapitbahay nating mansyon.”
“What?”
“I know. Ako rin hindi makapaniwala noong una. Pero siya nga talaga. I met him already. His name’s Konrad Vallente. At nakita ko na ang katawan niya. Nang walang damit!”
“I can’t believe this.” Naiiling na lang ito. “Nagpanggap kang katulong para lang mamanyak ang lalaking iyon?”
“Sobra ka naman. Medyo lang.”
“I really can’t believe you, Zyren. Nagpapakasaya ka sa piling ng lalaking iyon habang magdamag akong hindi halos makatulog dito sa pag-aalala sa iyo.”
“Paseniya na. Naaliw kasi ako masyado roon kaya nakalimutan ko ng tawagan ka o padalhan ng text. Pupuntahan naman kita dapat dito nung gabi kaso masyado yata akong napagod at nakatulog na lang basta.” Niyakap niya ito. “Sorry na.”
“Ano pa nga ba ang magagawa ko?” napabuntunghininga na lang ito saka nito pinagmasdan ang kanyang suot. “Bagay sa iyo. Pero maiksi. Hindi ka kaya makitaan ng amo mo?”
“Well, that’s the idea.”
“Malandi ka talaga!” natatawa na rin nitong wika. “Teka, ‘buti at walang nakakilala sa iyo? Pero kunsabagay, isang buwan ka pa lang naman dito.”
“At hindi madalas lumabas ang mga tao roon. Sinabi ko rin na minamaltrato ako ng amo ko kaya tumakas ako. Tinanggap naman nila ako agad.”
“Minamaltrato, ha? Kung totoo nga iyon, magpapamisa ako. Oo nga pala, nabanggit mong stay-in ka roon. E, anong ginagawa mo rito?”
“Break time ko at sinabi kong magyo-yosi muna ako sa pinakamalapit na tindahan.” Sinipat niya ang relo. “Meron pa akong twenty minutes.”
At wala naman si Konrad sa mansyon kaya lumabas na rin muna siya. There’s no point in staying if her reason to stay wasn’t there. Naks! So deep.
“Ganyan mo ba talaga ka-gusto ang lalaking iyon, Zyren? Up to a point na magpanggap ka para lang mapalapit sa kanya?”
“I don’t know if you would understand, Maira. Pero kasi, matagal ko ng hinihintay na maramdaman ito. Hindi ko alam kung ano ang requirements para masabing nagmamahal na nga ang isang tao. But one thing I’m sure of. I like this feelings I had for Konrad. At ayokong pigilan ang anomang nararamdaman kong ito. Ayokong dumating ang araw na pagsisihan kong hindi ko in-enjoy ang damdaming ito, Maira. I want to enjoy this, all of this, ‘till its time to say goodbye.”
Ayaw niyang maging sentimental. But when it comes to matters of the heart, hindi niya maiwasan. Maira smiled.
“Kaya mo rin naman palang magpaka-normal,” anito. “And I perfectly understand you, cuz. Lahat naman gustong ma-inlove. Lahat gustong maranasan kung ano ang nararanasan mo ngayon. Kaya huwag kang mag-alala, walang kukundena sa iyo. Do what makes you happy.”
Napangiti na rin siya. Pero may isa pa ring gumugulo sa isipan niya. “Maira.”
“Hmm?”
“Am I inlove with him?”
“Bakit, hindi pa ba?”
Napaisip tuloy siya nang wala sa oras. “You think iyon na nga iyon?”
Napabuntunghininga na lang ito. “Ang labo mo naman, pinsan. Akala ko pa naman malinaw na sa iyo ang lahat kaya ka nakakapagsalita ng ganon kanina. ‘Yun pala, sabog pa rin ng utak mo. Hay naku. Bumalik ka na nga doon sa sinta mo. Hindi ko sasagutin ang tanong mo dahil ikaw lang ang tanging makakasagot nun.”
Wala siyang napala sa pinsan niya. Gayunpaman, ayos na rin na malaman niyang kaya pala niyang ipagtanggol ang nararamdaman niya. Pero…paano nga ba niya malalaman na nagmamahal na nga siya at hindi lang basta excited na nakita na niya ang nakakapagpabilis ng t***k ng puso niya? Na hindi lang niya pinipilit ang sariling inlove siya dahil masyado ng matagal na naghihintay?
“Zyren!”
Binalingan niya ang tumawag sa kanya. Mula sa kabilang panig ng kalsada ay nakita niyang tumawid si Andrei. Kapitbahay nila ito roon at aktibo sa pagpaparamdam na interesado itong manligaw sa kanya.
“Kumusta?”
“Okay lang. Eto, busy ng konti.”
He eyed her uniform. “Ahm, bagay sa iyo.”
“Salamat. Bakit mo nga pala ako tinawag? May kailangan ka ba?”
Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa mga labi nito nang mapakamo ito sa batok. “M-may gagawin ka ba mamaya? Kung hindi ka busy, baka puwede kang maimbitahan sanang kumain sa labas.”
“E…” Subalit nakuha ng humintong limousine sa labas ng gate ng mansyon ang kanyang atensyon.
Lalo na nang mapalingon sa direksyon niya si Konrad. Nakakunot ang noo nito pero ganon pa rin ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Nagpaalam siya agad kay Andrei nang hindi ito sinasagot saka mabilis na lumapit sa kotse.
“Sir, ang aga mo, ah. Dito ka manananghalian?”
“Bumalik ka na sa loob. Ipaghanda mo ako ng pampaligo. Bilisan mo.”
“Yes, Sir.”
Pasara na ang bintana ng kotse nito nang tila may maalala pa ito. “At hindi ka na puwedeng lumabas kapag breaktime. Tuwing day-off na lang.”
Cute. “Sir, puwedeng pasabay na lang papasok? Ang haba pa kasi ng lalakarin ko mula bago makarating ng bahay.”
“Its good exercise.”
Natawa na lang siya nang mapabuntunghininga ito. As expected of him. Hay naku, kailan kaya siya sa fascination niya rito? Akala niya ay hindi nito papatulan ang biro niya. Subalit narinig niya ang pag-click ng pinto ng limo.
“Get in.”