Ang napatumba ni Tyron na kanyang kalaban ay hindi niya na-knock out. Nakagawa agad ito ng move, kasabay nang pagtayo nito ay sinubukan siyang pinatid sa pamamagitan ng pag-circle nito sa paa sa sahig na kanyang kinatatayuan. Pero syempre nagawa niyang umiwas, nagback-tumbling siya. Nga lang ay napakabilis din ang kanyang kalaban. Pagtayo niya ay sinugod agad siya ng sipa at suntok ng sunod-sunod. Block at ilag naman siya kahit isang kamay lang gamit niya. At dahil robot nga ang kamay ng lalaki ay napapaigik siya. Nararamdaman niya ang tigas ng mga bakal. Nang masuntok nga siya sa mukha ay halos mawalan siya ng malay, tinukod niya lang ang isang kamay nang mapaupo siya para hindi siya matumba. Nagdugo na naman ang may putok na niyang labi kanina. "Kuya Tyron!" He heard Honey's call to hi