Nang pinabayaan na ni Tyron ang kalaban niya dahil sa nakikiusap na tingin sa kanya ni Honey ay 'yon naman ang tila pagkahilo niya. He's almost gone out of balance and falls. "Kuya Tyron!" / "Tyron!" chorus na sigaw ng mga dalagang kagrupo niya at ni Honey. Sabay-sabay rin nilang dinaluhan siya. "Tyron, are you okay?" Fairy asked to him worriedly. Hinawakan siya nito sa braso at ginawa nitong tungkod ang sarili para hindi siya matumba. "What happened? May masakit ba sa'yo?" tanong naman ni Eva. Nakaalalay lang ito sa likod niya. Hinahagud-hagod. "Kuya!" Yumakap naman si Honey sa kanya subalit dahil do'n ay napa-aray siya kaya napaatras ang bata sa gulat. "Ano'ng masakit sa tiyan mo, Tyron?" nanlaki ang matang tanong na rin ni Analyn sa kanya. "W-wala," pagkakaila pa sana niya pero ma