"What's going on?" takang tanong ni Honey habang nakasilip sa maliit na butas ng pinto ng bodega. "Bakit?" sumingit sa kanya si Bayrhu. At nakita ni Bayrhu ang pinagtataka niya. Ang mga tauhan kasi ng Daddy ni Bayrhu biglang nag-aalisan pati na ang bantay ng bodega. Hanggang sa wala ni isa ng tao sa paligid. Tumingin si Bayrhu sa kanya. "Mukhang may mali" "Something wrong, Apo?" katanungan na rin ng Lolo niya sa kanya. "Lolo, nag-aalisan ang mga bantay. They're gone na po," she answered in a monotic voice. "They're planning something if that's the case. Mag-iingat ka, Apo." "Baka po pinatawag lang sila ni Daddy. Minsan kasi nagme-meeting sila," hinuha ni Bayrhu. "Are you sure?" she asked with a pout. "Uhm!" Tiwalang tango si Bayrhu sa kanya. Binalik niya ang tingin sa Lolo niya.