"Lolo, I'll let you go! Wait po!" Tumutulo pa rin ang luhang saad ni Honey nang kumawala siya ng yakap sa kanyang Lolo Savillano. Her hands trembling. Hirap na hirap kasi siyang pigilin ang matinding galit na konti na lang ay sasabog na. Ginamit niya ang isang kutsilyong natira sa mga armas niya. Hinihiwa niya gamit n'on ang nakatali sa kamay ng Lolo niya na kadena para mapakawalan niya. Sa pagdadalamhati niya sa ginawang kahayupan sa kanyang pinakamamahal na Lolo ay nawawala siya sa sarili. "Apo, Stop it! Hindi mo 'yan mapuputol dahil kadena 'yan," awat sa kanya ng nanghihinang Lolo niya. Napapikit siya ng mariin kaya naglandas sa namumulang mga pisngi niya ang mas masaganang luha niya. Pagkatapos ay sisinghot-singhot siya na nanghihinang pinalupaypay na ang kamay. Makapal ang kadena k