"Diyan ka lang!" madiing sabi ng lalaking kumalakadkad kay Bayrhu palayo sa kinaroroonan ni Honey. Pagkatapos ay pabalibag na sinarado na ang pinto. "Ayoko rito! Palabasin niyo ako rito!" pagsisigaw ni Bayrhu kasabay ng pagbayo-bayo niya sa pinto. "Gusto ko nang umuwi! Ayoko na rito! Ayoko na! Gusto ko sa Nanay ko!" "Tumahimik ka riyan!" Nadinig niyang sigaw sa kanya ng lalaking nagkulong sa kanya. "Ilabas mo ako rito! Ibalik mo ako kay Nanay! Ibalik niyo na ako sa bahay namin!" Hindi siya nagtigil. Kinalabog at sinipa-sipa niya ang pinto. Subalit napagod lamang siya. "Nanay ko!" At iyak niya lalo nang mapagod siya. Napasandal na siya sa pinto at pumadausdos ng upo. Miss na miss na niya ang Nanay niya at alalang-alala na siya. May sakit ang Nanay niya. Mahina ang puso ng Nanay niya ka