"Bwahahahaha!" Natutuwa na ang tawa ni Bardero. Kasabay nang pagturo-turo ng hintuturo nito kay Honey. "What a clever, hah?! I like you! Gusto ko ang pagkatuso mong bata ka!" Walang naging reaksyon si Honey. Inosente ang mukha niyang tumingala lamang siya sa Ate Analyn niya. Tumingin din si Analyn sa bata at ngumiti tapos ay bahagyang ginulo nito ang buhok ni Honey. Sa paraan na iyon nito maipaparamdam sa bata na kaya nila ang laban na ito. Kahit may sugat sa katawan ay kaya pa rin naman nitong lumaban. Bumalik agad ang kasiglaan sa mukha ni Honey. Napangiti na rin siya kay Ate Analyn niya. Pagkatapos ay binalingan na ulit niya ng seryosong tingin si Bardero. The monster Bardero! "Pero hindi mo ako mauutakan, bata!" subalit saglit ay sabi pa ng nakangising si Bardero. "Maawa ka naman