Sumilip si James sa hinawi niyang mga dahon mula sa kanyang pinagtataguan. Kanina ay pasalamat niya't nakatago siya agad nang muntikan niyang makasalubong ang dalawang lalaking armado. At nang makatyempo ay pinatumba niya ang mga ito mula sa likuran. Pinilipit niya ang isa sa ulo at ang isa naman ay sinipa niya bago pa man siya mabaril. Ang nabitawan nitong armalite ay kanyang pinulot at pinanghampas ang dulo ng mahabang baril sa tiyan at ulo ng lalaki hanggang sa nawalan ng malay. Mula do'n ay nag-ingat na siya. Hudyat na kasi iyon na malapit na siya sa lungga ng mga kalaban. At hindi nga siya nagkamali dahil ilang lakad palang niya ay tanaw na niya ang naglalakihang pader na nagkukubli sa alam niyang malaking mansyon sa gitna niyon. Hinanap niya kung saan ang daanan at ito na nga ang t