Chapter 43 SJ is insane. Naiihi na sya sa harap ng altar, habang nakatayo at naghihintay kay Stephanie. Kandahaba na ang leeg niya at parang gusto na niyang hawiin ang mga primary ang secondary sponsors para makita na niya ang aasawahin niya. Bilisan niyo na, ang papangit niyo! Gusto na niyang sigawan ang mga tao na nagmamartsa mula pintuan hanggang sa may harapan. Nasa harap na siya nakatayo. Finally, it happened. Mabilisan ang lahat at daig pa nila ang dinadaan lang ng hangin, hanggang sa makarating sila sa araw na iyon. Bidang-bida siya sa mga taga Quezon dahil sa accommodation ng Esperanza hotel. Bida siya. Poging-pogi ang pangalan niya sa lahat ng mga iyon, kasama na sa mga magulang ng mapapangasawa niya. Atat na atat na sya. Although alam niya na maganda ang magiging misis ni