Chapter 44 Lasing ang bagong kasal na groom kaya ang bagsak nina Stephanie ay limousine. Hindi sya pumayag na mag-drive ang asawa niya, kaya ang sabi ng Papa HJ nila ay sa limousine na sila sumakay at ipahahatid na lang sa driver. Ayaw niyang matuluyang mapunta sa langit. Ayaw pa niyang mamatay. Wala pa nga syang anak, at lalong ayaw niyang mamatay na virgin. “Mama, kayo na po bahala sa mga magulang ko, uuwi ko po muna si SJ,” nahihiyang bilin ni Stephanie kay Emerald. Bumaba siya sa sasakyan matapos na ihatid doon ang mister niya. “Oo anak, ako na ang bahala sa kanila.” “Nahihiya ho kasi sina Mama, baka po maalangan sila.” Ngumiti ito sa kanya, “Alam ko naman at naiintindihan ko. Don’t worry about them. I’ll send to their rooms after the party is over. Baka lumabas din kami