Chapter 45 Stephanie noticed her husband, standing near the car. Narinig niya ito na may kausap kanina sa smartphone, ipinahahatid ang kotse, at ngayon ay nariyan na ang sasakyan, wala na ang naghatid. Isinara niya ang pinto at marahan na naglakad papunta sa kung saan ito naghihintay sa kanya. Tulala si SJ, naninigarilyo. Nakapambahay lang siya pero hindi bale na. Hindi nga niya alam kung pambahay ba ang suot niya. Napakaikli ng short niya, na may katernong t-shirt. Branded iyon at sigurado niyang si SJ nga ang naglagay ng mga iyon sa bag. Alangan naman na siya. Lahat ng masayang plano nito ay nawala na parang bula, sa isang iglap lang. Wala pa sila parehong maayos na tulog. Pagod pa nga ang katawan niya sa lahat, dahil walang tigil ang preparasyon sa kasal. Lahat sila pagod, sa totoo