Chapter 46 Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay ni Nyx si SJ, hila-hila ang kamay ng asawa niya. "SJ!" bungad kaagad ng Mommy Brandy niya saka sya hinalikan sa pisngi at si Stephanie na walang imik. “Nyx, nandito si SJ at Steph!” aniyon sa sawa. Halatang puyat pa ito dahil sa kasal niya pero nambubulabog na siya. "I heard it. Are you okay? Nasa taas si Daddy Nyx mo, kausap si Jace." hinaplos niyon ang mukha niya. Lumiwanag ang aura ni SJ nang malaman na nariyan ang pinsan niyang lalaki, ang bunso ng Daddy Nyx niya. "Si Jace, Mommy Brandy? Nandito sya?" gulat na tanong niya sa tiyahin habang parang bata na pinauupo ang asawa niya sa sofa. "Yeah. Kadarating lang niya early this morning. Sayang nga raw, di sya nakaabot sa kasal mo. I'll call them okay. How about you Steph, m