Chapter 47 Matatalim ang mga mata ni SJ na pumasok sa presinto para makita si BL. Hindi niya akalain na ang babaeng kaibigan niya simula't bata ay gagawan sya ng kagaguhan. Kaya pala biglang dumating sa Pilipinas ay may pinaplanong hindi maganda, ang paamuhin siya. Nakatingin sa kanya ang mga alagad ng batas pero wala siyang pakialam. Kaagad niyang nilapitan ang babae at kahit pinigil sya ng mga pulis ay walang nagawa ang mga iyon. Hinila niya ang buhok nito at gusto rin sana niyang ihampas sa pader, tulad ng ginawa nito sa asawa niya. "You're a b***h, Bianca Lei!" gigil na sabi niya at parang gusto na niyang tuklapin ang anit nito sa rahas ng pagkakasabunot niya. Nanubig ang mga mata niya sa galit. At kung wala lang syang natitirang pagtitimpi ay baka pilipitin na lang niya ang