Chapter 58 Palakad-lakad si Stephanie, tutop ang noo. Nakadikit sa tainga niya ang kanyang smartphone, tinatawagan si Aya. Nang marinig niya ang tunog na komunekta na ang tawag ay agad siyang napasalita. “Aya!” “Maryosep naman itong makabulyaw. Sa huling pagkakatanda ko, Mrs. Elizares, hindi naman ako bingi. Nandito ako sa banyo dahil nakita ko ang maganda mong pagmumukha sa screen. Problema? Kakapanood ko lang replay ng pageant. Nakita ko si SJ. Nakita rin kita.” “Susko, wag mo ng paalala yun sa akim dahil hindi maganda ang experience ko sa panonood dun.” “Eh bakit ka napatawag?” “Kung ikaw, ang asawa mo ay may makakameet na babaeng maganda, pupunta ka ba o hindi?” “Pupunta ako kahit pa hindi ako sinabihan na pumunta, lalo na kung hindi naman bawal ma pumunta ako.” “Sala