Chapter 57 Nakangiting bitbit ni Stephanie ang mga isusuot ni SJ pagpunta sa pageant. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng kama para hindi makusot. She shook her head when she noticed that SJ is not paying attention. He’s busy playing on his phone, connected to the 99 inches television, mounted on the wall. “Asawa kong pogi,” tawag niya rito at ng laki ng ngisi na tumingin ito sa kanya. “Yes baby? Huwag mo naman kalakasan, nakakahiya.” Ang lakas ng tawa niya. Baliw. “Mag-asikaso ka na. Baka ma-late ka.” Sinuri siya nito at naibaba ang aparato na hawak. “Hindi ka sasama? “Gusto mong sumama ako?” medyo pumosing siya. Tumango ito at mukhang seryoso naman. “Wala naman akong damit.” “s**t!” agad itong napatayo, “Baby naman bakit hindi ka kaagad nagsabi na sasama ka? Magpapahati