Chapter 56 “SJ!” umiiyak na tawag ni Stephanie sa asawa niya nang makalabas siya sa elevator. “SJ, si Mama at Papa!” May kausap iyon na tao at naagaw niya ang mga atensyon. He looked at her, but she abruptly stopped when her phone rang. Agad na lumapit ang asawa niya sa kanya at nag-alala ang mga tingin. Agad nitong pinahid ang mga luha niya. “What the f**k happened?” he kissed her head. “Give me your coat,” utos nito sa tauhan, na agad naman nagtanggal ng jacket na suot. Isinampay nito sa mga balikat niya ang leather coat ni Marshall para takpan ang katawan niyang nakabuyangyang. Hindi na niya ito inintindi. Napatigil siya sa pag-iyak nang makita niya ang pangalan ng ina niya, nasa screen ng smartphone, tumatawag. “Baby?” tanong ni SJ sa kanya. “Tiningala lang niya ang