CHAPTER 52 Napasecond look si Stephanie sa asawang pumasok sa kwarto. Tuyo ang katawan nito at tinanggal ang shades, habang gatla-gatla ang pawis sa noo. Namumula ang mga pisngi nito at dibdib. Tumalikod ito para uminom ng tubig. Anong nangyayari? Bakit para itong balisa at ninenerbyos? May sumabog na naman ba itong laboratoryo? Sabi nito ay magsu-swimming ito. Bakit basa ito ng pawis at hindi ng tubig dagat? Noon lang niya napansin na lumabas pala ito na puro kalmot ang likod. Patay na! Halatang nakipag-ano! "Bakit di ka nag-swimming. I thought magsu— " " No hon. The weather is too hot. Ang daming tahong sa labas, naninipit. I'm afraid baka masipit ako ng isa." anito sabay lagok sa tubig. Ibinalik niya ang ulo sa pagkakapat sa unan. Kunot noo siya. Chemist si SJ pero nakapabo