Chapter 38 Nasa CR si Stephanie, umiihi nang makarinig siya ng sigaw sa labas ng bahay. Nasa kanya pa rin ang susi ng paupahan dahil nawalan na siya ng pagkakataon na ibalik iyon noong iuwi siya ng Papa niya. Doon na muna siya uuwi habang nag-aasikaso sila ng kasal. Doon din tutuloy ang mga magulang niya kapag dumating na, galing Quezon. “Stephanie Anne!” Boses na naman iyon ng may-ari ng tinitirhan niya, galit na naman malamang dahil basta siya lumayas. She understands. Babayaran na lang niya iyon. Kukuha siya sa ATM mamaya dahil isang libo na lang ang pera niya. Hindi naman niya kinuha lahat ng sahod na pumasok doon. Lumabas siya sa banyo at nasa pinto na ang babae. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nun sa kanya. Napakamot ang dalaga ng ulo at alanganin na ngumiti. “P-Pase