CHAPTER 54 Ang laki ng ngiti ni Stephanie. EXCITED siya na pumunta sa ESU. Tulala siya sa harap ng malaking uninersidad na napakakilala. Mayayaman lang daw ang nakakapag-aral doon, iyon ang bali-balita. Humakbang siya. “Hep,” anang asawa niya sa may kotse kaya agad siyang napalingon. “You’re forgetting something, Mrs. Elizares,” anito sa kanya at pintulis ang labi. Lumapit naman siya kaagad at humalik doon. “There’s a staff who will assist you. By the way, may hiring ako ng bagong secretary,” anito sa kanya kaya napakurap-kurap siya. “Diyos ko, SJ, sinasabi ko sa iyo, huwag mo ng balakin. Tatamaan ka sa akin kahit na ikaw pa ang pinakamayaman—” Tumawa ito at hinawakan ang mga pisngi niya, “Lalaki ang mga magiging aplikante ko, Hitler. Wala ka ng dapat ipagbanta sa akin,”