Natapos ang bakasyon ng magpinsan. Nakahinga ako ng maluwang ng makaalis na sila. Ayoko ng mag isip ng mga bagay na makapagdudulot sa akin ng sakit, pighati at di matawarang pag-asa na sa bandang huli ay hindi naman pala makatotohanan. Hindi ko pinagsasagot ang text at tawag ng senyorito rafael at kahit ilang beses siyang magalit, singhalan at taliman ako ng tingin ay binibigyan ko lang siya ng aking malalamig na tingin. Ayokong maging isa sa mabibiktima niya. Tama nang umasa ako at ngayong alam ko kong saan talaga ako nakalugar sa puso at buhay niya ay dinidistansiya ko na ang aking sarili. Ayoko ng mas madagdagan pa ang pagkagusto ko sa kanya. Huwag ng umasa maya. Hindi ikaw si cinderella na mayroong pogi at mayamang prince charming na mag-aahon sa iyo sa hirap. Mas magsikap ka nalang p