Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman. Unang beses sa buong buhay ko na makakatuntong ako ng maynila. Sabi ng lola mama noon mayaman daw ang tatay ko na siyang nakabuntis sa nanay ko kaso nga lang walang maipakitang picture ang lola mama dahil wala naman daw itinago ang nanay na picture at ang pakiusap daw ng nanay sa kanya ay kalimutan na ang nangyari at magpatuloy sa buhay. Ewan daw ba ni lola mama kong bakit yun sinabi ng nanay ko. Tapos kitang kita ko noon ang lambong at kaguluhan sa mga mata ng lola mama at isang di maipaliwanag na emosyon na dagli rin niyang tinabunan ng isang masayang ngiti. "Umayos ka nga maya. Para kang di maihi jan sa kinauupuan mo. Ang ligalig mo" sita sa akin ni lita na katabi ko lang sa backseat ng kotse. Narinig kong tumawa si manong fredo "Hayaan m